Title: PAG-AALAGA NG BIIK MULA PAGKAPANGANAK Post by: raymund31 on January 18, 2011, 09:33:24 PM :)mga sir e2 po share ko sa inyo nakita ko sa internet kung paano magalaga ng baboy ;D ;D ;D
PAG-AALAGA NG BIIK MULA PAGKAPANGANAK 1.TANONG: Paano ang pag-aalaga ng biik mula sa pagkapanganak hanggang pagkawalay. Pati po mga vaccines na itinuturok sa mga piglets? kung kelan pwedeng pakainin? kung kelan pwedeng paliguan? 1. SAGOT: Pagkapanganak ng biik: Una ito ay pinuputulan ng pangil ng ngipin. Ang pagkaputol nito ay sagad. Ang iba namn ay pinuputol din ang buntot ngunit hindi sagad. Kalimitan kalahati ang kanilang pinuputol. Ang pusod ay pinuputol din sa habang hindi dapat sasayad sa lupa ang natirang kaputol. at ito ay nilalagyan ng disinfectant/betadine/ gamot na pula etc. Pag abot nito ng 3 araw kailangan bigyan mo ito ng iron injection. Ang bakuna ay depende kung anong sakit ang pangkaraniwan sa inyong sa iyong lugar. Kalimitan ibinibigay na bakuna ay hog cholera, mycoplasma, FMD. Ang pagpapakain ng booster feeds ay pwedeng simulan sa ika 3 o 5 araw ng edad nito. Ang pagpapaligo kalimitan kung ito ay higgit sa 2 linggo ang edad. Pero kung hindi naman sila dumihan kahit 1 linggo pagkatapos wlay nalang. Sa araw ng walay ay pwede nang magbigay ng dewormer at multivitamins. 2.TANONG: Gusto ko po mag start ng 10 pcs na biik... gusto ko po malaman un pag uumpisa. 2. SAGOT: Kung nais mong bumili ng kulig dpat ito ay marunong nang kumain o walay na sa inahin ng 1 linggo o mahigit pa. At dapat alamin mo rin kung ito ay nabakunahan na at nadeworm Kalimitan ang pagpresyo ng biik ay maydalawang paraan. 1. pagpresyo alin sunod sa timbang. Ang 10 kg baboy ay maaring mapresyuhan mula 2000- 2500 at kapag lumagpas dito ang sobrang kilo mula sa 10kg ay iprepresyo mula 200 pesos hanggang 220 pesos depende din sa prevailing market price ng baboy. halimbawa: ang kulig na bibilin nyo ay nasa 11 kg 10 kg = 2,000 1 kg excess = 100 11 kg = 2100 presyo ng 11 kg ng biik 2. Meron naman nagbebenta ng bultuhan ito naman ay bibilin mo ang buong akayan ng inahin ninya sa isang specific na presyo. halimbawa P1,800.00 kada biik. Hindi na ito titimbangin. Kung sakaling nakapili ka na dpat ito ay ibiyahe ng maagang maaga o sa hapon na Para malamig ang pagbiyahe ng iyong biik. Pagdating ng biik sa iyo wag mo muna pakainin. papahingahin mo muna. Pagnakapagpahinga na pakainin ito ng konti at mas maganda na bigyan mo na rin sila ng vitamins sa inumin sa loob ng 3-5 days. Ang dapat na ipakain mo dito na feeds ay yun pinapakain din ng ipinagbilan mo. Magpalit ka nalang ng feeds sa susunod na stage ng pakain. halimabawa kung nasa prestarter pa lang ito sa starter ka na magpalit ng feeds. 3.TANONG: Ilang feeds ang mauubos ng tatlong baboy mula pag kawalay hanggang sa pag kabenta ng mga to? kung ilang pre-starter bago ka mag starter tapos grower hanggang finisher? 3. SAGOT: Kalimitan po bawat company ay iba iba ang ibinibigay nilang recommendation. at pwede ka pong makahingi ng brochure sa mga kumpanyang ito. Pero ang isang practical na approach po kalimitan ibinabase nalang sa per sako. Halimbawa: Prestarter= 12.5 kgs Starter = 50 kgs. grower = 100 kgs finisher= 50 kgs, minsan po kalahating sako o 30 kgs lang napapakain dito dahil pwede nang pangbenta ito po yung mas mainam na sundan para mdali din pong matantiya ang presyo ng baboy. ang iba naman ay base sa araw ginagawa bale ito po ay estimate lang. 0-15 days pagkawalay prestarter 16-45 days= starter 46-99 days= grower 100-120 days= finisher kung susundan natin ang unang example 212.5 kg x 3 baboy = 637.5 kgs ang kakainin nito. Safe sabihin na kakain ng 200kgs ang isang baboy. 4. TANONG: Okay lang po ipakain sa alagang baboy or biik ang tirang pagkain na nakukuha sa restuaran or sa fastfood or kanin baboy? 4. SAGOT: Sa mga kulig ho ay hindi magandang ipakain ang mga tira tirang pagkain sa dahilang maseselan pa po ang tiyan nito. Ang pagkain ng tira tirang pagkain ay maaaring maging sanhi ng pagtatae nito. Sa mga grower na baboy naman ay ayos lang na magpakain nito. Dpat lang na iluto ito ng mabuti upang ang mga mikrobyo nito ay mamatay. Ang mga baboy na pinapakain ng kanin baboy ay kalimitan matataba at hindi ganon kabilis lumaki. Pag dating kasi sa nutrisyon ay hindi ito balanse. Pagdating kasi sa pagkain masmainam po kasi ang commercial feeds dahil ito ay masbalanse at akma. 5. TANONG: sir Jerry, para saan po ba ang amoxicillin trihydrate? pwede bang pang preventive ito at iineksyon sa mga biik? 5. SAGOT: If you want a preventive antibiotic go with oral antibiotic unless when there is already a case inside or near your farm then you could use injectable. Amoxicillin trihydrate is an antibiotic and it could be used for preventive. Just check the recomended dose before giving to the animal. 6. TANONG: Sir Jerry, ask ko lang po kung ilang hours ba makaramdam ng gutom ang mga bagong panganak na biik?dahil nangyari ito sa inahin ko kung hindi pa namin pinainum ng gin hindi pa sya kumalma at nahiga,doon na at naka suck ng milk ang mga biik.Kaso lang lampas na ng 12 hours ng nakadidi sila. May epekto ba sa kanila ang delayed na ito o d kayay baka nalipasan sila ng gutom at baka kung ano ang mangyari sa kanila.. 6. SAGOT: Initial reaction ng piglet is to find the source of food/milk mula sa pagkapanganak. they need the immediate source of energy para din kasi sa heat production ng kanilang body. HIndi naman detrimental ang hindi nila pagkakasuso agad as long as the succeding days are makadede sila ng maayos. Provide brooding materials sa kanilang higaan para di sila lamigin. 7. TANONG: Kailangan pa po ba magbigay ng booster feeds? 7. SAGOT: Kalimitan po bawat company ay iba iba ang ibinibigay nilang recommendation. at pwede ka pong makahingi ng brochure sa mga kumpanyang ito. Pero ang isang practical na approach po kalimitan ibinabase nalang sa per sako. Halimbawa: Prestarter= 12.5 kgs Starter= 50 kgs. grower= 100 kgs finisher= 50 kgs, minsan po kalahating sako o 30 kgs lang napapakain dito dahil pwede nang pangbenta ito po yung mas mainam na sundan para mdali din pong matantiya ang presyo ng baboy. ang iba naman ay base sa araw ginagawa bale ito po ay estimate lang. 0-15 days pagkawalay prestarter 16-45 days= starter 46-99 days= grower 100-120 days= finisher kung susundan natin ang unang example 212.5 kg x 3 baboy= 637.5 kgs ang kakainin nito. Safe sabihin na kakain ng 200kgs ang isang baboy. Para masmabilis lumaki ang ANIMAL at mas maging maganda ang development ng sikmura nito nagbibigay ng booster feeds. Mas inaadvocate ang pagbibigay nito. 8. TANONG: Ilang araw po kaya magbigay ng booster? Gawa po kasi namin booster feeds ang pinangsasanay namin habang dumedede pa kulig, nag-shift kami ng pre start pag walay na, ok lang po ba yon? 8. SAGOT: Yan ang usuual na procedure. Upang maiwasan ang pagtatae pwede po silang maghalo ng booster and prestarter a few days before walay. Para masanay na sa lasa at bituka nila sa prestarter. Dahan dahan i shift nila sa prestarter ang ANIMAL. Title: Re: PAG-AALAGA NG BIIK MULA PAGKAPANGANAK Post by: nemo on January 18, 2011, 09:46:03 PM Actually nung nabasa ko itong post mo... sabi ko sa sarili ko ,... teka parang ganito ako mag salita ah...
checking it out ... dito din pala kinopya yang article na yan... ito po yun original na source nyan,..... pag aalaga ng baboy (http://pinoyagribusiness.com/forum/swine/pagaalaga_ng_biik_mula_pagkapanganak-t24.0.html) Title: Re: PAG-AALAGA NG BIIK MULA PAGKAPANGANAK Post by: raymund31 on January 18, 2011, 10:08:30 PM ;D ;D ;D sayo pla galing 2 doc nakita ko lang sa facebook pati dun pala sikat kau doc ;D
|