Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Kurt on June 23, 2011, 07:43:32 PM



Title: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: Kurt on June 23, 2011, 07:43:32 PM
Doc,

May isa akong inahin na halos walang gatas na lumalabas sa teats niya...kaya 3 na lng ang naiwan sa 8 biik...at ang nagyari napakapayat nung 3 kulig niya.

Sa susunod na pag breed maari bang ganito rin siya o paano maiwasan ang ganitong problema...1st parity pa siya Doc.

Sayang naman Doc, GP pa naman daw yata tong inahin na 'to.

Please advise..

Thanks,




Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: babuylaber on June 23, 2011, 10:20:11 PM
anung lahi yang inahin mo kuyang?
next time siguro bigay ka ng feed mix na calcium habang nagbubuntis pa at inject ka rin pag nanganak na.
and i think sa ganyan kahina magpagatas, oxytocin could help tama po ba doc?


Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: nemo on June 25, 2011, 09:05:35 PM
ang mahinang gatas kasi most of the time associated sa feeding and water intake. Kung hindi kasi niya naattain yun dami ng calcium na needed sa paggagatas at water intake niya magiging mahina talaga siya gumatas.

Oxytocin could help to stimulate lang, kaya dapat meron din additional source ng calcium and water. kaya yun iba nag sasabay ng oxytocin and calcium na ininject sa animal.



Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: allen0469 on June 26, 2011, 04:55:33 AM
doc,
ask ko lang po kasi gina gawa ko po nag lalaga po ako ng mga wala nag lamang mga talaba at ang sabaw nya po ay siling water halo sa feeds mga 1 week inteval po,if kong mura ang green shells yon din po kasi diba malakas sa calcium ang sea shells at isa pa po sa nabasa ko ang shells daw ay nag papatibay diin po sa mga bones kaya yon po gamit ko sa mga inahin ko lalo na po sa nagbubuntis.
paki korik lang po ako doc...


Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: babuylaber on June 26, 2011, 05:38:35 PM
meron din pong ginagawang powder yung shell ng itlog mismo at yun ang pinanghahalo sa feeds ng mga inahin as calcium suplement.


Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: allen0469 on June 26, 2011, 11:36:47 PM
thanks doc,
di bali patuloy ko lang po ang pag laga to add more calcium sa mga alaga ko kasi minsan kulang ang quantity sa mga feeds.


Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: Kurt on June 28, 2011, 11:22:11 AM
ang mahinang gatas kasi most of the time associated sa feeding and water intake. Kung hindi kasi niya naattain yun dami ng calcium na needed sa paggagatas at water intake niya magiging mahina talaga siya gumatas.

Oxytocin could help to stimulate lang, kaya dapat meron din additional source ng calcium and water. kaya yun iba nag sasabay ng oxytocin and calcium na ininject sa animal.




Ahhh kaya pala nagkaganito....kasi nung nagbuntis tong inahin na ito..nasira yong nipple nya...panaglaruan kasi  niya.

Kaya makainom na lng sya ng tubig tuwing kainan....

At nitong calcium na sinabi....makabili ba tayo nito sa mga agrivet...powder ba 'to?

Cge..search na lng kung anong pedeng calcium na available...

Thanks na marami mga Kuyang...

Akala ko cull na ito....whewww...


Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: babuylaber on June 28, 2011, 07:18:16 PM
kung talagang pansin nyong kulang na kulang ang gatas pwede pong injectable na gamitin nila at continuous powder(feed mix), adlib nyo, continuous water, at panatilihing malamig ang katawan ng inahin. marami po sa agrivet, pecutrin (pfizer) at cecical (belman) po  ang nasubukan ko na.


Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: Kurt on June 29, 2011, 12:55:54 PM
Thanks Kuyang...

Meron akong nabili calcium talaga..pero sa instruction poultry lng ang sinabi..pede na ba 'to?


Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: raymund31 on June 29, 2011, 03:28:50 PM
paano po ba mapapansin na ala na gatas ang dede ng inahin?.kac since nanganak ung inahin ko pag pinipiga ko ung dede nya ala naman lumlabas na gatas peru ang lulusog naman mga anak nya 26 days na cla ngaun peru pansin ko medyo pumapayat na cla pwede naba pakainin ng pre starter? dba po 28 days pwede na clang iwalay?


Title: Re: Paano gamutin ang inahing mahina ang gatas para sa sunod na paglalandi...
Post by: deanellen on April 06, 2012, 07:21:44 PM
kumusta yung sow mo?
pwede mo rin gamitin milkolak. powder form yun. ihalo mulang sa feeds niya. effective yun. ginamit ko yun noon.  :)