Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: chorille on August 29, 2011, 10:09:57 AM



Title: Own Vaccination Program
Post by: chorille on August 29, 2011, 10:09:57 AM
Doc,
                    Good day. Doc, may 4 kaming 2-month old na baboy, 2x na sya na injection. actually, yun ay bigay na gobyerno dito sa aming probinsya at sila na rin ang naiinject from time to time, i ask kung anong vaccine yung ginawa nila, walang brand name mentioned, basta ang sabi lang gaganda ang balat, tatakaw, lalaki pa ang baboy. kailangan bang MONTHLY injectionan ang aming mga baboy para maging maganda lalo? and gusto namin kami na lang ang mag-inject, that's why I am coming to you, to give any suggestion. brand name PROGRam. kasi iinahinin namin yung aming isang baboy.
 hope to hera from you,doc.
        thank you.


Title: Re: Own Vaccination Program
Post by: nemo on August 29, 2011, 10:09:14 PM
"basta ang sabi lang gaganda ang balat, tatakaw, lalaki pa ang baboy"

kung ito po yun claim ng kanilang taga gobyerno baka po vitamins or dewormer ang ibinibigay sa kanila?

Ang bakuna po kasi is specific ang action...

Siguro linawin ko lang din, sa ibang province kasi basta sinaksakan ang baboy ang tawag is BAKUNA...which is mali po.

Ang bakuna po ay mga mickroboyo or parte ng mikrobyo tulad ng bacteria or virus (mahinang klase) na isinasaksak sa ating alaga para magkaroon/makabuo itong ng panlaban / immunity na tinatawag.

Meron din naman kasi tayong mga gamot na isinasaksak sa animal na hindi bakuna tulad ng antibiotik(pamuksa ng mikrobyo), dewormer (pamatay bulate), vitamins (pang palakas)...



Title: Re: Own Vaccination Program
Post by: nazareno on September 28, 2011, 07:29:05 PM
doc... good day... ask rin po sana ko ng vaccination program...maraming salamat...

here's my email add... nazareno_louie@yahoo.com

 god bless us...