Title: OVER AGE GILT. YOUR OPINION PLS Post by: babuylaber on October 07, 2010, 09:56:15 AM good day doc at mga friends,
newbie po ako sa pagiinahin, marami na po akong natutunan sa mga forum niyo. please help me with my problem. meron po akong 3 gilts 9 months na po yung dalawa (magkapatid) then 10 months na po. ang prob is di pa sila naglandi (silent heat siguro). tinurukan namin kahapon ng gonadin yung magkapatid, namamaga na po yung mga ari nila kanina, after 3 days na po yung isa at nag iisa lang yung boar. my question is, if you're in my position, papakastahan niyo na po ba or aantayin yung second heat nila? your reply will be a great help. salamat in advance. Title: Re: OVER AGE GILT. YOUR OPINION PLS Post by: nemo on October 07, 2010, 08:17:03 PM pakastahan ninyo na po.
ala din kasing kasiguraduhan na magheheat siya ng normal sa next cycle nito. Title: Re: OVER AGE GILT. YOUR OPINION PLS Post by: babuylaber on October 08, 2010, 08:39:43 AM okidoki. salamat po. i'l take your advice advice doc. wish me luck :)
Title: Re: OVER AGE GILT. YOUR OPINION PLS Post by: babuylaber on October 08, 2010, 02:38:49 PM hi doc,
nagpunta raw po yung may ari nung boar kanina, check niya daw yung 2 naturukan ng gonadin, nag iwan daw siya ng message na pwede nang kastahan bukas. 2nd day na po silang namamaga ang mga ari pero wala pa pong liquido na lumalabas na sa aking pagkakaalam eh isang sign din ng naglalandi. tanong ko doc, aantayin ko pa po ba muna hangang 6th day (nabasa ko sa isang forum dito na 3-6 days ang epekto ng gonadin) or hangang may liquidong lumalabas sa ari ng mga gilts ko or di na kelangan? Title: Re: OVER AGE GILT. YOUR OPINION PLS Post by: nemo on October 08, 2010, 07:45:19 PM Hindi na need hintayin ang ibang sign as long as ito ay nagpapasampa na.
Mawala na yun ibang sign wag lang po yun acceptance ng sow / pagpapasampa/ back pressure. Ito po kasi ang nagsasabi na pwede na talaga siyang ibreed. Title: Re: OVER AGE GILT. YOUR OPINION PLS Post by: babuylaber on October 11, 2010, 11:50:05 AM thanks po doc. hopefully magpasampa na po sila hangang mamayang hapon, 5th day na po kasi nilang naturukan ng gonadin. nga pala doc, ayaw nila magpasampa (wag naman po sana)
Title: Re: OVER AGE GILT. YOUR OPINION PLS Post by: nemo on October 11, 2010, 07:32:22 PM hintayin nyo baka bukas pasampa na.
Title: Re: OVER AGE GILT. YOUR OPINION PLS Post by: babuylaber on October 14, 2010, 09:12:31 AM standing hit sila doc nung monday at wednesday. hopefully buntis (crossed fingers). thanks doc
|