Title: Nanginginig na biik Post by: babuylaber on March 06, 2011, 01:05:12 AM hi doc nemo. patulong po, yung biik ko nanginginig, maayos naman po temperature kasi komportable naman mga kapatid niya. 4 days na po siyang ganun 13th day napo nila from birth. ano po kayang posibleng nangyayari sa kanya? ano po pwedeng ibigay? so far iron sa 3rd at 10th day pa lang po naibibigay ko sa kanila. salamat po
Title: Re: Nanginginig na biik Post by: nemo on March 06, 2011, 10:23:53 PM wala po ba siyang lagnat?
sa video kasi ang nakikita ko mukha siyang masigla. So, kung ibase ko sa video it is possible na survivor ito ng isang infection na nakaapekto sa kanyang nerves. another possible is nutritional pero kung siya lang then less likely ito ang cause. ito po ba ang pinaka maliit or maliit sa grupo ng mga ipinanganak dati? Mahirap pong mareverse kapag may muscle tremors. Ang ibinibigay na treatment/support is vitamins b injection pangsupport sa pangpakalma ng nerves although personally hindi ko alam ang scientific reason behind it, nabanggit lang din ito ng isang doctor sa akin dati as one treatment na ginagamit niya. i have to edit your post para makita agad ang video. Title: Re: Nanginginig na biik Post by: babuylaber on March 07, 2011, 02:14:34 PM wala naman pong lagnat doc, normal po body temp niya.
hindi po siya ang pinakamaliit nuong ipinanganak sila. meron pong namatay na kapatid niya on their 5th day, hirap daw pong ibuka yung bibig at mgsuck, kahit po pinatutukan ko na para matulungan. pagkamatay po ng umaga, nanginginig na po yung yung biik (sa video) kinagabihan. may relasyon po ba yung nangyari? nagturok na po ako ng b-complex 2 days ago, wala pa rin pong pagbabago. Title: Re: Nanginginig na biik Post by: nemo on March 07, 2011, 07:53:55 PM Yung iba po ba ala naman signs? Give oral vitamins na rin sa lahat.
More on malaman itong dalawa po ang mahina ang resistensiya kaya sila ang tinamaan ng sakit. Yun vitamins b po is more of pang maintenance. hindi po talga siya mawawala agad, in some case hindi na talaga mawawala. Ang prevention na lang is wag lumala at hopefully magnormalize siya. Give us feed back if makasurvive siya hanggang weaning . FOr the benefit ng lahat sa forum... unique din kasi yung case mo. Title: Re: Nanginginig na biik Post by: babuylaber on March 07, 2011, 09:26:03 PM multivit doc? ok na po ba yung vetracin classic?
may nakikita po pala akong konting improvement doc, konti lang naman, hopefully magtuloy tuloy. thank you very much doc, update ko po kayo. Title: Re: Nanginginig na biik Post by: nemo on March 08, 2011, 07:59:37 PM yeah vetracin will do.
Title: Re: Nanginginig na biik Post by: babuylaber on March 09, 2011, 10:26:51 PM salamat po doc
Title: Re: Nanginginig na biik Post by: robjanlen on March 10, 2011, 08:32:52 AM baka electrolytes imbalance,,,nagtatae kaya
Title: Re: Nanginginig na biik Post by: babuylaber on March 10, 2011, 08:35:18 PM wala pong nagtatae or nagtae sa kanilang magkakapatid kuyang rob. binigyan ko po pangontra pagtatae sa day 1 pa lang kaya naagapan po kung magtatae man sila.
Title: Re: Nanginginig na biik Post by: babuylaber on April 14, 2011, 09:03:55 AM nakasurvive po siya doc. sinuportahan ko na lang ng multivit. 10kg in 50day old. bansot nga lang pero pera pa rin. ;D
|