Title: Namamagang Mukha ng 2 month old na fattener? Post by: Leo22 on June 02, 2012, 09:54:34 AM Doc Nemo Patulong naman kasi yung isa kong fattener bigla nalang namaga yung mukha at mata, tapos hindi
sya makatayo, pagtumatayo gumegewang yung lakad nya. Malusog naman sya tpos bigla nalang nagkaganun, Nag inject ako kahapon ng antibiotic at ngayon umaga pero ganun parin yung sitwasyon nya wala parin pagbabago. Ano kayang sakit yun doc, nag bigay nako ng antibiotic sa ibang kasama nyang fattener baka kasi madamay at nakahiwalay narin ng kulungan yung may sakit na yun. At suspetya ko ay E.Coli! Doc ano kayang gamot dito? tnx in advance! Title: Re: Namamagang Mukha ng 2 month old na fattener? Post by: laguna_piglets on June 02, 2012, 10:33:37 AM Meron bang pus ang bukol nito.. anong antibiotic ang inyong binigay?
Title: Re: Namamagang Mukha ng 2 month old na fattener? Post by: nemo on June 04, 2012, 06:23:26 PM Continue nyo lang yun antibiotic nyo for 3 days pag ala effect saka po sila lumipat sa ibang gamot.
di nila nabanggit kung ano yun ginagamit so di ko din maadvise kung ano ang susunod na pwede nila na gamitin. possible po yun nabanggit nila although wag naman sana. kasi kung e. coli man yan, baka 3 days lang yan then mamamatay siya. kakashift lang po ba nila sa bagong feeds or stage ng feeds (ex. pre to starter)? minsan po kasi kung biglaan ang shift nagkakaroon ng ganitong problem. Title: Vaccination Program Post by: allanarmero on June 05, 2012, 03:42:42 PM gOOD Day!.. pwd po pahingi ng vaccination program.eto po email ko cmppdco@yahoo.com.thank you so much..
Title: Re: Namamagang Mukha ng 2 month old na fattener? Post by: Leo22 on June 13, 2012, 04:08:41 PM ngaun lang ako nakapag online doc nemo, yung fatter na nagkasakit namatay din doc 2 days lang. robistrep yung gamit kong antibiotic. sayang nga yun pa naman yung pinaka malusog sa 10 kong fatter. doc pahingi nalang ng antibiotic na pwede kong gamitin sa susunod na may ganun ulit na dumapong sakit sa baboy ko. tnx in advance!
Title: Re: Namamagang Mukha ng 2 month old na fattener? Post by: nemo on June 18, 2012, 07:17:22 PM penstrep is a good antibiotic na po, kaso lang mahirap talaga agapan kapag ganyan na yun alaga.
prevention na lang po talaga. Be sure po na ang kanilang alaga ay malakas na talaga kumain ng feeds before walay at access of clean water dapat readily available lagi sa kanila. sa pagpapakain naman be sure na lgi mlinis ang knilang pkainan dapat walang natitirang feeds bago sila maglagay ng panibagong pagkain especially kung nabasa na yun unang feeds na nilagay |