Doc day po Doc.Namaga po ung ari ng sow ko after 2 hours ng mating nung June 27,kasing laki po halos ng niyog.medyo nahirapan po ung nag gaguide sa ari ng boar na ipasok ung ari sa sow ko.Sabi po ng vet nagkaroon daw po ng infection kay sinaksakan namin ng antibiotics then kinabukasan anti tetanus naman.after 15 days po may lumalabas po na nana at may konting bahid ng dugo sa ari nya kaya nag inject po ulit kami ng antibiotics oxytetracycline po 10ml pero sabi po ng vet kulang daw o un naiinject namin kasi kami lang ng uncle ko nag inject,mga 15ml daw po dapat kaya ika 3 araw pina inject ko ulit ng antibiotic sa vet.nxt day clear po ung lumalabas sa ari ng sow ko akala ko magiging ok na pero ng 3rd day after ma inject may lumabas ulit na parang nana tapos may bahid ulit ng dugo nag inject ulit kami.natatakot na nga po ung sow ko.wala naman po masamang amoy ung lumalabas sa sow ko saka magana po kumain.Anu po ba maganda na iinject na gamot dito para mapadali ang pag galing or pang cull na po itong inahin ko?
Bigyan nyo po mam ng cephalexin yun inahin nyo the i flush nyo po o langgasin yun ari nya using iodine solution o dahon ng bayabas na pinakuluan. Pwede din po kayong gumamit ng uterex para ipasok sa pwerta nya