Google
Pinoyagribusiness
December 23, 2024, 01:21:18 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: A sow will farrow in approximately 114 days.
 
  Home   Forum   Help Search Login Register  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: My Jr Boar has mated first time  (Read 1609 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
johntrix
Jr. Member
**
Posts: 69



View Profile WWW
« on: September 26, 2009, 09:36:08 PM »

1st issue:
doc as of today my 5 month & 1 week old boar ay unang bumulog sa gilt ko na trueheat. my intension was only as teaser boar. pero ng ilapit ko sa gilt ko na trueheat sumampa ito and whooolllllaaaaa! pasok! ang tanong ko is, most of us here believe that maturity is 8 months old. makakabuntis na kaya ito? stable kaya ang semilya nito? na-ai na ung gilt ko na yon kahapon, in heat pa rin kaya jackpot si jr boar, agressive na it seems. ok na ba syang gamitin sa ibang sow ko para di na ako komontak ng AI pa. pls advice po.

2nd issue:
itong jr boar na to ay binili ko ng 2 months old pa sya. napansin ko non na inuubo na sabi ng binilhan ko vetracin lang daw matatanggal na. but til now na jr boar na sya meron pa rin ung pag-uubo nya. at pag inilalakad ko madali syang mahapo.dinig mo talaga ang paghinga nya. malusog naman sya at mabilis lumaki. makakaapekto ba ito sa mga magiging anak nya o sa performance nya as ganador? i think etong ubo na eto ay well spread sa farm na nakuhanan ko dahil ung kapatid nya ay inuubo din na parang me hika na naidispose ko na kamakailan.

3rd issue:
ung sow ko doc naka-third parity na 8-12-9. nagulat lang ako y sa 3rd parity 9 na lang. should i cull it? may chance kaya na tataas ito o tyamba lang ung 12piglets last time.... pls help.
« Last Edit: September 27, 2009, 10:26:03 PM by johntrix » Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #1 on: September 27, 2009, 10:58:34 PM »

1st issue; better na 8 months mo na siya gamitin. Kung baga sa tao kasi binatilyo pa lang siya at using him early might shorten his productive life at the same time hindi pa ganun kaganda ang kanyang sperm count and motility. Aside for the fact pa na medyo maliit siya kung para sa mga sasampahan niya.


2nd issue
Yup, unhealthy animal will produce not so motile sperm or lesser sperm count. Ang concern lang dyan is if makahawa siya sa ibang animal sa farm mo.

3rd issue
it still okay. 10-12 ang magandang dami but 9 is still acceptable. ska once plang naman siya bumaba ng double figure so it is not alarming pa.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
reghis
Newbie
*
Posts: 13


View Profile
« Reply #2 on: September 28, 2009, 01:18:09 AM »

Doc..

meron po akong Boar 6 months.. inilagay namin sya sa gestating pen sa tabi ng mga inahin.. kung baga sa gitna sya.. okay lang po ba yun.. pang teaser lang kung baga.. at pag dating ng 8 months tyaka namin sya gagamitin. di po ba sya mananawa .. at ganon din ang mga inahin.
Logged
johntrix
Jr. Member
**
Posts: 69



View Profile WWW
« Reply #3 on: September 28, 2009, 10:34:04 AM »

reghis, pwede but not too long na maexpose. ginawa ko yan before almost a week pero ng time ng kastahan aayaw ng sumampa ng boar ko. nanawa na siguro sa katabi at laging nakikita. now, i only expose my boar 15 minutes or half hour sa harapan ng gestation pen parang nagmamartsa pabalik pabalik ung boar parang modelo ba at tulo laway naman mga sows hehehe! then balik sya sa pen nya na 3 meters away at tinakluban ko sako ang side nya para di nya nakikita ung mga sows ko. it works. kya paglabas ng bulugan gigil na gigil itong bumulog. likewise, the same effect sa sows, maeexcite sila pag may dumadalaw na bulugan at pumaparada sa harapan nila.
« Last Edit: September 28, 2009, 11:01:57 AM by johntrix » Logged
johntrix
Jr. Member
**
Posts: 69



View Profile WWW
« Reply #4 on: September 28, 2009, 10:42:59 AM »

1st issue; better na 8 months mo na siya gamitin. Kung baga sa tao kasi binatilyo pa lang siya at using him early might shorten his productive life at the same time hindi pa ganun kaganda ang kanyang sperm count and motility. Aside for the fact pa na medyo maliit siya kung para sa mga sasampahan niya.


2nd issue
Yup, unhealthy animal will produce not so motile sperm or lesser sperm count. Ang concern lang dyan is if makahawa siya sa ibang animal sa farm mo.

3rd issue
it still okay. 10-12 ang magandang dami but 9 is still acceptable. ska once plang naman siya bumaba ng double figure so it is not alarming pa.


thanks doc sa advice. as of now gipit din kase ako sa pagpa-ai kaya naisip ko kung pwede kong isalang kahit sa 1 o 2 kong gilts na sinlaki rin nya. mabuntis kaya? anyone tried that? kung binatilyo parang si Katorse hehehe!

2nd doc, ung nanganak ng 9 na piglets, namatay pa ung isa so 8 na lang- not acceptable at all hehehe!, ika-5days na nya ngayong nagpapadede pero parang hinahapo ang paghinga nya. ano pong cause nito? during delivery ininject ko sya ng 50ml CBG pero wala ng antibiotic. malakas naman syang kumain. yon nga lang pagnakahiga o natutulog ang lakas ng paghinga nya, parang hinahalhal kala mo banas na banas e umuulan naman hehehe! anong gamot po dito?

3rd.
nagtira ako ng 20 piglets para ifattener ko. normal injectibles po na binigay ko ay iron jectran, bexan sp at lastly vaccine anti-hog cholera. since fmd-free kami dito sa oriental mindoro, ok lang po ba na di na rin ako magvaccine ng anti-hog cholera? pati sa mga naout kong piglets, nagskip ako sa vaccination. ok pa rin kaya paglaki nito?

4th.
sa pagwawalay doc i always encounter scouring sa piglets, always like a week bago mabuo ang dumi nila. wala akong elevated flooring kaya sa semento sila but meron akong malapad na tabla na higaan nila. malinis naman ang kulungan nila dahil ako mismo ang nagbubrush pa ng pen nila. so i would blame sa shifting cguro ng feed from pagsuso sa pre-starter. any system para mamaintain solid ang pagdumi nila? paghahalo ng aphralyte & aquadox doesn't work at all.

5th.
ung isang sow ko naka 5 parity na 11-12-12-11-15. ung first 4 parity ay good results kahit me bansot 2-3 per parity ok lang. nitong huling anak nya na 15 piglets lahat ay maliliit at 4 lang ang malalaki, namatay pa 3 dahil talagang size na ng kuting. f1 duroc pietrain ang lahi nya, ginamit kong boar ay duroc. ung first 4 parity ay mga white boars (landrace at largewhite) ang ginamit ko sa kanya. nagiisip ako kung nagmissmatch ba sa pairing nitong huli or sadya kayang pumapangit na ba ang anak nito since nakakalimang parity na? any advice kung iccull na ba or another chance. ngayon kc kawawalay ko lang ng mga biik nya, can't decide kung anong maganda gawin.

6th.
napansin ko sa piggery ko parang may surot. madampi lang balat mo sa semento parang makati na kagat ng surot. kaya kayang patayin ng major D ito? pwede rin kayang iispray direct sa baboy ito. kase tingin ko kamot din ng kamot mga ito e.

sorry doc dami ng tanong ko hehehe! kinompress ko na para isang posting lang.
« Last Edit: September 28, 2009, 07:04:58 PM by johntrix » Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #5 on: September 29, 2009, 06:08:59 PM »

Once a week same body size, magbubuntis din naman, yun dami na lang ang 50/50 meaning pwedeng marami pwedeng konti,

yUn nakahiga na humihingal, malaman dahil sa taba nung leeg nya medyo naiipit yun leeg nya. kung baga sa tao humihilik siya. Gamot? ala eh, kung anatomical problem kasi yan diet ang katumbas.
Yun maingay kapag napapadede ang tawag ng iba is nagpapaigik or naglalabas siya ng gatas.


Nag aadvocate na ang government na no more vaccination of FMD, in case naman ng hog cholera , mas recommended na meron pa rin.

Another chance pa sa inahin mo , maganda naman yun record niya. usually talaga habang dumadami ang anak liliit ang timbang nila. kaya mas maganda ang range na 10-12 na anak .

Hindi surot yan , malamang galis. Try to use yun dewormer na internal and external like ivermectin. Then linis lang na mabuti sa paligid, sabunin mabuti etc...

Ok lang po, wag po silang mahiyang magtanong, kung kaya ko naman sagutin i will post a reply...



Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!