1st issue; better na 8 months mo na siya gamitin. Kung baga sa tao kasi binatilyo pa lang siya at using him early might shorten his productive life at the same time hindi pa ganun kaganda ang kanyang sperm count and motility. Aside for the fact pa na medyo maliit siya kung para sa mga sasampahan niya.
2nd issue
Yup, unhealthy animal will produce not so motile sperm or lesser sperm count. Ang concern lang dyan is if makahawa siya sa ibang animal sa farm mo.
3rd issue
it still okay. 10-12 ang magandang dami but 9 is still acceptable. ska once plang naman siya bumaba ng double figure so it is not alarming pa.
thanks doc sa advice. as of now gipit din kase ako sa pagpa-ai kaya naisip ko kung pwede kong isalang kahit sa 1 o 2 kong gilts na sinlaki rin nya. mabuntis kaya? anyone tried that? kung binatilyo parang si Katorse hehehe!
2nd doc, ung nanganak ng 9 na piglets, namatay pa ung isa so 8 na lang- not acceptable at all hehehe!, ika-5days na nya ngayong nagpapadede pero parang hinahapo ang paghinga nya. ano pong cause nito? during delivery ininject ko sya ng 50ml CBG pero wala ng antibiotic. malakas naman syang kumain. yon nga lang pagnakahiga o natutulog ang lakas ng paghinga nya, parang hinahalhal kala mo banas na banas e umuulan naman hehehe! anong gamot po dito?
3rd.
nagtira ako ng 20 piglets para ifattener ko. normal injectibles po na binigay ko ay iron jectran, bexan sp at lastly vaccine anti-hog cholera. since fmd-free kami dito sa oriental mindoro, ok lang po ba na di na rin ako magvaccine ng anti-hog cholera? pati sa mga naout kong piglets, nagskip ako sa vaccination. ok pa rin kaya paglaki nito?
4th.
sa pagwawalay doc i always encounter scouring sa piglets, always like a week bago mabuo ang dumi nila. wala akong elevated flooring kaya sa semento sila but meron akong malapad na tabla na higaan nila. malinis naman ang kulungan nila dahil ako mismo ang nagbubrush pa ng pen nila. so i would blame sa shifting cguro ng feed from pagsuso sa pre-starter. any system para mamaintain solid ang pagdumi nila? paghahalo ng aphralyte & aquadox doesn't work at all.
5th.
ung isang sow ko naka 5 parity na 11-12-12-11-15. ung first 4 parity ay good results kahit me bansot 2-3 per parity ok lang. nitong huling anak nya na 15 piglets lahat ay maliliit at 4 lang ang malalaki, namatay pa 3 dahil talagang size na ng kuting. f1 duroc pietrain ang lahi nya, ginamit kong boar ay duroc. ung first 4 parity ay mga white boars (landrace at largewhite) ang ginamit ko sa kanya. nagiisip ako kung nagmissmatch ba sa pairing nitong huli or sadya kayang pumapangit na ba ang anak nito since nakakalimang parity na? any advice kung iccull na ba or another chance. ngayon kc kawawalay ko lang ng mga biik nya, can't decide kung anong maganda gawin.
6th.
napansin ko sa piggery ko parang may surot. madampi lang balat mo sa semento parang makati na kagat ng surot. kaya kayang patayin ng major D ito? pwede rin kayang iispray direct sa baboy ito. kase tingin ko kamot din ng kamot mga ito e.
sorry doc dami ng tanong ko hehehe! kinompress ko na para isang posting lang.