Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Erwin on December 07, 2010, 01:56:52 PM



Title: May lumalabas sa inahing baboy
Post by: Erwin on December 07, 2010, 01:56:52 PM
Good day po doc,

Tanong lang po ako kung ano maganda igamot don sa inahin ko bagong panganak, kasi may lumalabas na puti don sa ari nya Tapos ayaw nya kumain ngayon, nung nanganak po sya nung saturday December 4, nag inject po kami ng terramycin LA at Oxytocin, tapos December 06 po may lumabas sa kanyan puti na malapot don na sya nag umpisa na di kumain, at puro tubig lang ang gusto, nag wo wory lang po ako baka maapektuhan yung mga biik,, tapos kahapon din po Dec. 06 nung hindi sya kumain, nag inject po uli ako ng terramycin LA at sulpirin yung para sa lagnat, wala po kaya maging epekto sa biik yon? sana matulungan nyo ako kung ano maganda ko gawin, tnx


Title: Re: May lumalabas sa inahing baboy
Post by: nemo on December 07, 2010, 06:24:23 PM
continue lang po nila yun gamot ng animal then samahan na nila ng vitamins.

Kung puro tubig lang ang kanilang alaga then haluan po nila ito ng feeds. Minsan kasi kapag may sakit sila mas gusto nila yun softfood.

may tendency na pumayat ang kulig kapag bumagsak ang milk production ng inahin.