Title: Mash? Pellet? Crumble? Post by: chorille on May 10, 2011, 02:18:55 PM Doc Nemo,
Parang nalilito ako sa mga feeds na nababasa ko...Kasi meron Booster, Pre-starter, Starter, Grower at Finisher.Dalawang klase sila diba? Meron Mash at Pellet.Meron ding Crumble. Nakakalito din kasi meron akong nababasa na Daily Average Feeding Guide, daily yun. Meron din naman na per meal.Could you please give me one feeding guide na per meal and by age? Saka po what is the difference between the three, Mash? Pellet? Crumble? Which one is the best na hindi ako malulugi? Saka po balit may standard tapos you mention na pakainin hanggang gusto pa? E di lugi na po sa feeds? Please explain...Please expound...Thank you. Title: Re: Mash? Pellet? Crumble? Post by: nemo on May 10, 2011, 08:39:21 PM It is a misconception po na kapag iniwanan mo ng pagkain ang baboy ay kakainin niya ito lahat. Nabubusog din po sila at tumitigil sa pagkain.
Yun recommended feeding kasi is naka average, so possible sa start ng month 1 kilo sila kung kumain pero at the end of the month 1.5 kilo na need nila kainin at kapag inaverage mo ito 1.25 kg naman ito. Kaya pinupush din yun ad libitum kasi nagbabago ang kanilang pangangailangan sa pagkain. Also ang bawat baboy din naman ay iba iba din ang gana sa pagkain. Yun per meal naman ang kailangang lang gawin is idivide mo yun daily average feeding sa dami ng beses mo silang papakainin. Halimbawa 3 x times a day mo silang papakainin at ang average daily feeding is 1.5 kg then divide mo ito into 3 = 0.5 kgs per feeding ang ibibigay nila. Most feeding guide kasi is nasa average feeding per stage. Mash, crumble pellet. Ang mash po ay mas mura sa pellet at crumble. pero ito din ang mas maiksi ang shelf life. Ibig sabihin kumpara sa pellet at crumble mas mauuna itong masira. At mataas din ang wastage kasi natatapon at nahahangin ito. ang kagandahan lang dito kung gusto mo maghalo ng vitamins etc ay madali po itong gawin unlike sa pellet. Sa pellet naman mas mahal ito sa mash pero mas matagal naman ang buhay. At mas naiiwasan ang wastage. crumble pinaka mahal sa tatlo ( assuming nabibili ka ng starter na mash, crumble or pellet), pero usually ito po ay sa stage lang ng mga biik or prestarter and i think meron din sa starter. |