Google
Pinoyagribusiness
December 23, 2024, 06:27:23 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: A sow will farrow in approximately 114 days.
 
  Home   Forum   Help Search Login Register  
Pages: [1]
  Print  
Author Topic: Inahing Baboy na hirap manganak  (Read 6623 times)
0 Members and 1 Guest are viewing this topic.
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« on: July 02, 2007, 01:44:41 AM »

May mga inahing baboy nahihirapan manganak lalo pa kung ito ay unang pagkakataon para sa kanila.

KUng ay baboy ay nahihirapan maaaring hagurin ang tiyan nito upang makatulong sa pag labas ng mga kulig o biik na nasa tiyan nito.

Kung lumabas na ang unang biik at halos 30 minuto na ay wala pa rin lumalabas na kasunod na kulig mas nararapat na tumawag na sila ng beterinaryo o may kaalaman tungkol sa pagbababuyan.

sa mga ganitong sitwasyon kalimitan ay dinudukot ang kulig sa loob ng inahin. Sa pagdukot ang kamay ay nililinis ng mabuti at naglalagay ng sabon o oil para ito dumulas at saka dahan dahan ipinapasok sa pwerta ang kamay upang kapain kung meron baboy o kulig na nakabara sa daanan.

May iba naman na nagbibigay ng gamot na oxytocin upang lumakas ang paghilab ng tiyan ng baboy. Ngunit tandaan natin na kung malakas naman umire ang inahin at ala lang talagang kulig na lumalabas mas magandang dukutin ito kesa bigyan ng gamot.

Mas nirerekomenda na dukutin ang kulig sa pwerta ng inahin kapag ito ay umiire sa dahilang ang pagbibigay ng oxytocin dito ay maaaring makasira sa daaanan ng kulig. Kung ito kasi ay umiire mas malaking ang tsansiya na nakabara lang ang baboy at walang problema ang inahin sa contraction ng mga muscle nito para sa panganganak.
« Last Edit: July 02, 2007, 08:26:13 PM by nemo » Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
defrey
Newbie
*
Posts: 15


View Profile
« Reply #1 on: November 14, 2009, 03:21:00 AM »

Doc beginner lang ko...i need your advise

Pano po malalaman or sign na wala n tlgang biik sa tiyan ng inahin.na akala ko wala na yun pala mayron pa.

Papakiramdaman ko nalang po ba kung my ilalabas p siya biik o wala na.

Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #2 on: November 14, 2009, 09:30:46 AM »

usually ang isang sign na tinitingnan is yun belly side nun animal is manipis or lubog na. ALthough hindi ito 100%.
And if lumabas na ang inunan mostly ibig sabihin alang piglet inside.

THe best is abang mode lang talaga until lumabas ang inunan.
Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
defrey
Newbie
*
Posts: 15


View Profile
« Reply #3 on: November 14, 2009, 02:18:48 PM »

thanks po doc.     Smiley
Logged
totz
Newbie
*
Posts: 43


View Profile
« Reply #4 on: November 19, 2009, 05:12:51 PM »

doc ano po ba ang sign na konting oras n lang ang hihintayin para lumabas na biik ? madalas kasi hindi ko masaktohan ang panganganak ng inahin ko, sabi nila pag my milk let down daw, meron akong inahin na sobrang lakas ng sumpit ng gatas pero inabot pa ng two days bago nanganak kaya sa puyat nakatulog ako nagising ako dede na mga biik, tapos meron naman mahina ang gatas 7 p.m tapos sinilip ko ng 1:30 a.m ayon dumedede na ulit biik tapos n manganak, ano po ba ang sign na konting oras na lang ay mangangak na po sir ?
Logged
nemo
Veterinarian
Administrator
Hero Member
*****
Posts: 6245



View Profile WWW
« Reply #5 on: November 19, 2009, 08:43:26 PM »

check whether may lumalabas nang fluid sa pwerta nang animal. It is a sign na lalabas na yun biik.

Ang milk let down ay sign din na nagbabadya na malapit na lumabas ang biik at usually around 24 hours nga pero kung magatas ang inahin minsan mas napapaaga ang pag labas ng gatas like sa case ng inyong animal.

Check you din na lumalaki ang kanyang ari.

Isang sign din ang madalas na pagtayo ang paghiga.

At minsan gumagawa sila ng beddings or yun kinakalahig nila yun semento or lupa.

At syempre always be aware sa expected date ng kanilang farrowing. Puyatan po tlaga kapag malapit nang manganak ang baboy. Kahit po sa malalaking farm minsan nakikita nalang na dumedede na ang mga biik


Logged

No pork for one week makes a man weak!!!
Baboy= Barako, inahin, fattener, kulig
Pig feeds=Breeder/gestating, lactating, booster, prestarter, starter, grower, finisher.
Swine Manual Raffle
Pages: [1]
  Print  
 
Jump to:  

< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!