Title: heat inducer... Post by: terblanche37 on April 06, 2011, 10:14:48 PM tama bang magbugay ng heat inducer everytime na magwean to assure a speedy heat cycle?
Title: Re: heat inducer... Post by: babuylaber on April 07, 2011, 11:55:49 AM mali po. magturok lang po sila ng vit.ade. normal heat after wean is from 3-10days
Title: Re: heat inducer... Post by: terblanche37 on April 18, 2011, 11:34:08 PM ..after 10 days,still no sign of heat.may nagheheat,positive pag may back pressure,though pag pinasok sa boar umaayaw.thought of waiting parapumayag,lately i noticed lipas na yung heat nya.sinubukan ko din exposure sa boar,still ala pa din.Was suspecting of extreme temperature.fyi,nagbigay na din ako ng ADE,5 ml.per head sa sow.any advise pa?
Title: Re: heat inducer... Post by: erik_0930 on April 18, 2011, 11:39:13 PM Pag po talaga ayaw maglandi ang pinaka last na gawin eh inject ng heat inducer like gonadin or PG600. Merun naman po case na kung ayaw pabulog pinaparape po cya sa boar....usually ang ginagawa namin ung gilts or sow ang pinapapasok namin sa loob ng pen ng boar...at ayun hindi na makapalag cya..
Title: Re: heat inducer... Post by: babuylaber on April 19, 2011, 09:25:26 AM 2 weeks po b4 walay adlib na kung maaari para tama yung body score pagkawalay pero always check din po baka tabain yung sow nila. sa ganung age ng mga biik parang mga bwaya na kung makadede.
baka po nagkaroon siya ng masamang experience nung nadisvirgin siya. hehe.. ang paghiheat ng inahin po ay up and down. kaya kung ayaw magpasampa sa unang attempt wait for 20-30mins bago pasampahan uli. kung ayaw pa rin. itinatali na yung nguso ng sow. Title: Re: heat inducer... Post by: erik_0930 on April 19, 2011, 12:36:19 PM Ad libitum na po ang pakain namin sa mga nagpapasusong inahin mula manganak, kadalasan po kc na talagang pumapayat ang sow pag restricted feeding lalo na kung madami biik na dumedede.Kahit nga ad libitum nangangayayat pa din lalo na at madami ang biik nya.
Title: Re: heat inducer... Post by: nemo on April 20, 2011, 08:38:17 PM Ito po yun basic feeding sa nagppasusu na inahin.
2.5 kg plus 200-250 grams per piglet na pinapadeded. So kung meron silang 10 piglet na pinapadede around 4.5 kgs to 5 kilos per day ang pakain sa kanya. Title: Re: heat inducer... Post by: vonixs on August 07, 2011, 01:44:00 PM sir, patulong naman po, nong august 5 po kasi eh ihiniwalay ko na ung mga biik sa inahin ko, mga kailan po kaya eto posibleng mag heat. at papasampahan ko ba kagad kung nag heat na eto?
Title: Re: heat inducer... Post by: laguna_piglets on August 07, 2011, 04:54:16 PM Sow will return its heat with in 5-7 days after weaning, when feed nutrition is good.
KNOWING THE SPERM AND EGG ACTIVITY. 1. Kailangan ibred ang sow sa tamang oras kung itoy naglalandi. 2. Ang sow maglalabas ng ova sa loob ng 24-48 hours, mas marami itong irerelease ng eggs 36 hours after magheat. 3. Sow releases ng egg cells continuosly sa loob ng 10-15 hours. 4. Mananatiling buhay ang egg cells sa uterus sa loob ng 8-10 hours. Sperm cell matured for 48 hours. 5. Ang fresh boar semen kayang mabuhay sa uterus sa loob ng 50 hours after ejaculation. 6. Breeding should be done 2-3 hours before sow release ova. Title: Re: heat inducer... Post by: laguna_piglets on August 07, 2011, 04:57:16 PM Sow will return its heat with in 5-7 days after weaning, when feed nutrition is good.
KNOWING THE SPERM AND EGG ACTIVITY. 1. Kailangan ibred ang sow sa tamang oras kung itoy naglalandi. 2. Ang sow maglalabas ng ova sa loob ng 24-48 hours, mas marami itong irerelease ng eggs 36 hours after magheat. 3. Sow releases ng egg cells continuosly sa loob ng 10-15 hours. 4. Mananatiling buhay ang egg cells sa uterus sa loob ng 8-10 hours. Sperm cell matured for 48 hours. 5. Ang fresh boar semen kayang mabuhay sa uterus sa loob ng 50 hours after ejaculation. 6. Breeding should be done 2-3 hours before sow release ova. Title: Re: heat inducer... Post by: vonixs on August 07, 2011, 08:01:44 PM medyo naguguluhan parin po ako at d ko gaanong naintindihan dahil sa mga terminologies. makikita po ba na lalabas ung OVA? ano po ung ova? ano po ang pinaka sign na nagheheat na po eto? kasi ung dalawang inahin ko eh nagproduce lang sya ng kokonting biik, baka siguro kokonti sa dahilang hindi namin nakuha yong perfect timing ng pagheat ng aming inahing baboy. maraming salamat po!
Title: Re: heat inducer... Post by: babuylaber on August 07, 2011, 08:57:28 PM kapag sinampahan mo yung inahin at hindi pumalag, pabulugan na kagad kuyang.
Title: Re: heat inducer... Post by: nemo on August 07, 2011, 09:50:00 PM hindi po nila makikita ang ova nasa loob po yun ng katawan ng baboy.
katulad ng sinabi ni babuylaber kapag hindi pumalag, pabulog na agad yun,. Kung regular ang checking nila ng backpressure usually ang nirerecomend kung nagstanding heat sa umaga sa hapon pa breed. kapag sa hapon nagstanding heat then kinabukasan ng umaga pa breed. Title: Re: heat inducer... Post by: laguna_piglets on August 07, 2011, 10:56:43 PM hindi po nila makikita ang ova nasa loob po yun ng katawan ng baboy. Additional na din sa comment ni doc na kung nag backpressure test kayo ng umaga at hindi pumalag ibred sa hapon makakabuti ifollow up or ulitin ang pagbred nito kinabukasan ng umaga 7am.katulad ng sinabi ni babuylaber kapag hindi pumalag, pabulog na agad yun,. Kung regular ang checking nila ng backpressure usually ang nirerecomend kung nagstanding heat sa umaga sa hapon pa breed. kapag sa hapon nagstanding heat then kinabukasan ng umaga pa breed. Gayun din kung ngbackpressure test ng hapon ibred kinabukasan ng umaga at ifollow up naman sa hapon. Kagaya po ng sinabi ko continuous na nag rerelease ng eggcells ang inahin sa loob ng 10-15hours.. Advantage nito pwede madagdagan ng 2-4 piglets. Title: Re: heat inducer... Post by: vonixs on August 08, 2011, 08:20:33 AM maraming salamat po sa inyo, malaking tulong po talaga ang naiibigay nyo samin, ngaun po naiintindihan ko na nang lubos. sana makaproduce na eto nang maraming biik. God bless po sa inyo!
Title: Re: heat inducer... Post by: leletgr on August 19, 2011, 04:24:41 PM hindi po nila makikita ang ova nasa loob po yun ng katawan ng baboy. katulad ng sinabi ni babuylaber kapag hindi pumalag, pabulog na agad yun,. Kung regular ang checking nila ng backpressure usually ang nirerecomend kung nagstanding heat sa umaga sa hapon pa breed. kapag sa hapon nagstanding heat then kinabukasan ng umaga pa breed. Title: Re: heat inducer... Post by: allen0469 on August 20, 2011, 02:46:05 PM good pm doc,
ang last na inahin ko nanganak ng 16 piglets after 1 week namataya lahat tinamaan ng pag tatai,after 5 days ang inahin nag ladi kaya pina sampahan kuna maganda naman ang pamgamgakatawan ng inahin.ano kaya ang dumapo sa piglets ko doc nag tai at kasama ang pag susuka after 3 days na inject sa iron following days ganoon ang nangyari first 6 ang patay next day 4 next day 6 ubos talaga,first time nangyari sa amin ito tana naman ang skid sa hog cholira ko sa inahin 3 weeks before farrow. Title: Re: heat inducer... Post by: babuylaber on August 21, 2011, 01:09:03 PM may e-coli vaccine din po ba inahin nila?
Title: Re: heat inducer... Post by: allen0469 on August 22, 2011, 09:45:44 AM author=babuylaber link=topic=2103.msg20965#msg20965 date=1313903343]
may e-coli vaccine din po ba inahin nila? oo babuylaber,lahat naka record po,ask ko lang sa inyo po na niniwala po ba kayo kong ang area nyo nadaan ng lindol my tendency na maapiktohan ang piglets ng inahin nasa sinapupunan pa,kaya lang po ang pinag tataka ko at ng lahat na katabi kong mini piggery ay normal lahat ang piglets malakas at masisigla the time lang na skid nila sa iron after 3 days doon na nag simula ang pag suka at pag tatae hangang sa namatay nalang lahat goon din po nangyari sa aking mga katabing mini piggery. Title: Re: heat inducer... Post by: nemo on August 22, 2011, 07:36:45 PM allen0469,
umulan ba ng malakas the day before nagkamatayan ang mga alaga nyo? Title: Re: heat inducer... Post by: allen0469 on August 23, 2011, 10:17:14 AM maganda po ang panahon at lahat po ng mga katabi kong mini farm pariho po kaming lahat na dali ng sakit ang iba po pati inahin nila namatay diin buti nalang po sa akin nag inject ako agad ng ADE pag kita ng taga alaga ko na nanghina ang inahin sa pag kain at tayo ok naman sana sya mag pa susu.
Title: Re: heat inducer... Post by: nemo on August 23, 2011, 06:43:03 PM kung halos tabi tabi kayo nagkakaproblem better report it sa kanilang Munincipal agricultural office or provincial vet para po makapagsurveilance sila kung ano ang cause...
Possible kasing TGE, PED, even Hog cholera pwedeng magfit s description. Yun survey po nung vet and inspection ay important para makahelp sa diagnosis nila. Title: Re: heat inducer... Post by: allen0469 on August 24, 2011, 09:11:26 AM ok po doc na ask kuna vet namin kong anong cause ng sakit ng piggy pati sa kataabing mini farm,at pina dala na po a DA ang isang sample ng biik ng kaibigan ko para ma examine.
Title: Re: heat inducer... Post by: vonixs on August 27, 2011, 08:48:17 AM doc nimo at sa lahat ng admins, ung inahin ko po eh d pa din naglandi, mag iisnag buwan na po ngaun petsa 5 ng septembre. ano po kailangan kung gawin?
Title: Re: heat inducer... Post by: nemo on August 27, 2011, 09:43:40 AM Try to minimize the feed nung animal para mastress, hoping mag landi siya...
kung ayaw parin then magbigay na sila ng hormone like gonadin sa animal. |