Title: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: rialex on February 20, 2011, 10:57:06 AM doc good day. pwede bang magsaksak na ng lutalyse sa inahing naglalabor na kahapon pa pero wala pang gatas sa dede? hanggang ngayon po kasi eh wala pang gatas sa teats nya nor fluids sa ari nya na lumalabas. pero may contraction po kaming napapansin. gatas lang po talaga ang wala pa. due date po nya kahapon. 2nd parity na po nya ito. salamat po.
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: nemo on February 21, 2011, 06:40:04 PM sorry late reply,..
If ang pinoproblema nila is yun gatas... no need to give lutalyse. Hindi po siya indicated for milk let down or production. Give plenty of water and addtional calcium na lang po. By the way nanganak na po ba? Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: rialex on February 23, 2011, 09:08:25 PM doc salamat po ng marami sa reply. nanganak na po sya kaninang umaga ng 6 na biik. although anim lang, healthy naman kaya ok na rin. ang nakakapanibago po is nung ika-limang biik ang lumabas eh kasunod na ang inunan but after 30 mins, may humabol pa pong biik na isa. normal po ba to doc? then nitong bandang hapon, nagkakahig na naman sya ng higaan as if parang naglalabor ulit. i gave 10ml of oxytet ng pala po for prevention. tama po ba? salamat po.
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: nemo on February 24, 2011, 06:15:39 PM Nangyayari naman po yung ganyan.
Needed po talaga ang antibiotic for prevention. Pabayaan nyo na lang dumede yung mga biik para mastimulate yun inahin, kung sakaling meron pang naiwan yan lalabas at lalabas yan yun nga lang mas malaman na patay na ito. Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: rialex on February 26, 2011, 08:30:29 PM thank you very much doc
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: erik_0930 on June 06, 2011, 04:33:45 AM Doc patulong naman po..merun po ako sow due date last June 1 pero hanggang ngayun June 6 eh hindi pa nanganganak merun naman po gatas na ang mga dede...inject na po ba ng lutalyze or intay pa ng ilang araw.. 119 days na cya ngayun June 6
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: babuylaber on June 06, 2011, 09:12:20 AM nuong una pa lang, nagkaroon ako ng 2 sow na inabot ng 121 days 1st parity nila. luckily all piglets were born alive.
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: nemo on June 06, 2011, 08:30:29 PM Sa ganitong case kung naggagatas na usually 12-24 hours na nganganak na. unless patay yun laman sa loob at ayaw umire ng inahin.
wait mo until tomorrow kung ayaw pa ask a vet para magbigay ng gonadin... You need a vet kasi sometimes may nakabara para sila yun dumukot. May experience kasi kami dati na nagsaksak ang isang raiser at meron palang nakaipit after halos 30 minutes namatay yun inahin due to internal bleeding. Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: erik_0930 on June 09, 2011, 12:49:56 PM Nanganak na po ung sow ko at 120 days..luckily merun cyang 1 na iniluwal pambawi gastos sa medicines......Anu po sanhi ng pagiging kaunti ng anak?
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: nemo on June 10, 2011, 06:16:36 PM isa lang po talaga ang inilabas? or meron ibang patay?
madami pong pwededng rason kung bakit konti ang anak. isa na ang stress, nagkasakit sila during pag bubuntis, konti lang ang itlog na nailabas ng inahin, pangit ang semilya ng boar etc.... Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: babuylaber on June 10, 2011, 10:09:41 PM tomboy yung inahin. hehe joke
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: raymund31 on June 10, 2011, 10:31:43 PM HAHA NATUWA PA SI SIR NA ISA LANG LUMABAS PARANG D NANGANAK HEHE
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: erik_0930 on June 11, 2011, 02:32:55 AM wala pong kapatid, as in only piglet na lumabas, wala naman pong mummyfied yung boar po eh 16 months old na at yung unang nasampahan ng boar eh nag anak naman po ng 15 biik kaya sa tingin ko eh hindi po sa boar may problema baka po kaunti lang ung itlog ng sow
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: nemo on June 11, 2011, 08:16:49 PM Reason why I ask kung isa lang talaga kasi po ang baboy merong minimum number of piglets na dapat mabuo para magcontinue ang pregnancy.
dapat nasa 5-6 piglets ang mabuo para magcontinue ang pregnancy... Pero sa case mo kasi isa lang ang lumabas so it means nagkaroon ka ng problem/ yung inahin nung nasa early 2nd trimester na siya ng pagbubuntis. Ganito po kasi ang basic physiology nila sa first trimester dapat meron mabuo na 5-6 para magcontinue ang pregnancy. Pag ang nafertilize ay 3 lang ang tendency hindi niya icocontinue ang pregnancy at irereabsorb niya yun fertilized egg and maglalandi siya. Kung sakali naman nameet niya ang minimum (5-6) mag continue ang pregnancy at kapag umabot na siya ng 2nd trimester kahit mamatay ang ilan sa biik magtutuloy ang pregnancy. Yun namatay kung sakaling maliit pa at malambot irereabsorb din niya. Kapag naman malaki na magiging bulok ang itsura nito. kaya minsan nakakakita ng bulok na biik kapag nanganak. So dahil isa lang ang lumabas at walang bulok it means early stages ng pregnancy nagkaproblem ang inahin ... Isinama ko sa option na baka may problem ang boar kasi hindi assurance na nag anak siya dati ng marami at yun sasampahan niya ay mag aanak din ng marami. Meron din kasing say ang management or kung paano inalagaan or ginagamit ang boar. Baka kasi mamaya yun boar ginamit nung umaga sa iba then pagdating ng hapon ginamit uli malamang konti semilya nito. at kapag konti ang semilya chances na magbuntis ng marami ang inahin ay bababa. Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: babuylaber on June 11, 2011, 10:30:57 PM so ito po yung rason kung bakit chinecheck pa natin kung buntis ba talaga at 42nd day from mate?
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: erik_0930 on June 12, 2011, 05:18:01 AM Salamat po sa paliwanag doc nemo sa paliwanag nadagdagan ang kaalaman namin tungkol dyan at paano ito maiiwasan.
Sa record po ng sow wala naman naging sakit during pregnancy stages,i check ko na lang po ung boar kung ilan ang nasampahan at kailan cya ginamit noong panahon pagbulog Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: nemo on June 12, 2011, 12:23:54 PM although your record will not show it, there is a big probability na nagkaroon ng problem ang inahin during sa 2nd trimester it is either hindi lang masyado nagmanifest externally, or like heat stress lang siya.
Kung titingnan kais natin ang timeline ito magiging itsura... Breeding 1st trimest(0-38 days) 2nd trimester (39-76) 3rd trimester (77-114) ok 6 eggs fertilezed 5 died to stress etc development of piglet 1 piglet farrowed kung less than 5 kasi ang fertilized pag dating ng 2nd trimester reheat na ito. Kaya ang pinapatingnan for reheat is day 21 and 42. yun day 42 pasok sa second trimester. sa case sa boar ok din na tingnan nyo kasi kung overused nga siya at 1st trimester konti nga lang mafefertilize dahil konti lang semilya niya. Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: raymund31 on June 12, 2011, 07:43:51 PM doc nanganak po ung isa kung sow kanina 8 po naging anak nya mukang napaaga ung paganak nya expected farrow nya sana dis 16 ung dalawa po nagtatae ng parang gatas as in gatas ang tae d po ba un delikado?
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: babuylaber on June 13, 2011, 01:28:33 PM delikado po yun
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: raymund31 on June 13, 2011, 01:57:34 PM ano gagawin ko babuy laber help pls hangang ngaun nagtatae parin
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: laguna_piglets on June 13, 2011, 02:03:23 PM Para po bang yellowish ang color ng dumi?? Ppwde naman po yun maprevent . Timpla kayo apralyte 6g at 40ml water, Pwde ninyo gamiting panukat yung syringe, calibrated naman sya..
Ppwde ninyo ilagay sa isang maliit n sealed container ang gamot.. at ipainom sa biik gamit n rin ang syringe.. mga 3ml umaga at sa hapon. Palagi lng po malinis ang farrowing pen.. at hndi giginawin ang mga biik. Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: raymund31 on June 13, 2011, 02:40:31 PM ung iba po yelowish ung dalawa malubha kulay puti na gatas talaga ang tae nila..d po un delikaso sa 1 day old plang sir?.my anti biotic ako d2 na injectable pwede ko kaya inject sir?
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: babuylaber on June 13, 2011, 04:58:14 PM kung ako po ang tatanungin sa oral muna kayo dahil mataas pa ang antibodies sa gatas ng sow, kelangan lang ng mga biik na puksaain ang mga pumipigil sa antibodies para maabsorb ng maayos ng katawan ng mga biik. pwede po animycin kung hindi available ang apralyte. at tulad ng sabi ni kuyang laguna_piglets dry-clean-warm pen ang kelangan nila.
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: laguna_piglets on June 13, 2011, 05:46:17 PM wag po muna kayo mag inject ng antibiotic sa day old piglets... sa oral meds po muna kayo para safe.
Title: Re: update Post by: Lozadas,Rose Marie S. on June 13, 2011, 06:54:33 PM doc. tanong lang po about sa piglets this few days po kasi namamatayan po kami ng alagang piglets dalawang buwan palng po sila sa ngayon pero dalawa na rin po ang namatay samin na piglets anu po ba ang magandang sulosyon nung una po dahilan ng pag kamaty e nagsusuka po at ng hihina sa ikalawang beses e na stroke naman po.
Title: Re: due date ng sow na hindi pa nangagnanak Post by: raymund31 on June 13, 2011, 09:19:57 PM tnx mga sir tulongng ninyo nilagyan ko na po ng heater ang kulungan nila baka nga nalamigan sila..nd nagpabili ako ng oral medicine na ini spray sa bunganga nila na anti biotic nahirapan ako ngaun d2 sa pangalawang inahin ko hay!.may 2 na napilay narin kac nadaganan cla ng nanay nila..
|