Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: raymund31 on March 24, 2011, 09:20:14 PM



Title: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on March 24, 2011, 09:20:14 PM
doc posible nabang buntis ang alaga ko na dalawa kac hindi na cla  naglalandi after pinasampahan ko nung february 10 hangang ngaun d na cla naglalandi o pumupula ung ari nila..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: erik_0930 on March 24, 2011, 09:27:07 PM
buntis na yan bro, ganyan din sakin hindi na naglandi kaya sigurado na buntis na


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on March 24, 2011, 09:30:14 PM
humingi din tayo tulong sa taas na malayo tayo sa pseudo pregnancy


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on March 24, 2011, 11:12:50 PM
most likely buntis...

ang dapat tingnan na date ay yun ika 21, ika 42 days kung within sa mga date na iyan ay hindi nagpakita ng sign ng paglalandi si animal then malaki ang chance.

Hindi  ko po masabi na diretsong buntis yan kasi there is a small chance na hindi...

So,, be positive nalang...


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on March 25, 2011, 09:47:16 AM
doc bakit kaya d pa lumalaki tyan nya? ilang bwan ba bago makita paglaki ng tyan nila doc?.pseudo pregnancy ano gagawin ko para makaiwas sa ganyan?im so excited na makita magiging anak nila hehehe


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on March 25, 2011, 06:47:26 PM
Hope so tiyan kabayo yang alaga mo. It means, medyo matibay yun ligaments ng matress niya at hindi lumulundo until few days before manganak kaya mukhang maliit ang tiyan.

Pseudopreg... dpat maging malinis ang kulungan especially yun bandan puwitan ng baboy. pag nalagayan ng dumi or foreign object ang pumasok sa pwerta nito maaari itong magcause ng pseudopregnancy.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on March 25, 2011, 07:13:50 PM
tiyan kabayo ba doc ung payat ba sow ko ganun ba un? oo doc pinapayat ko para daw d mahirapan sa panganganak..ahh tnx doc sa info ganun pala un..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on March 25, 2011, 09:19:19 PM
tiyan kabayo, meron din ako niyan kuyang. tipong hindi mo mapapansing buntis physically dahil hindi bumubukol tiyan lalo na pag nakatayo. i-check mo itong image na to kuyang, hindi po tamang papayatin yung inahin.

(http://i23.photobucket.com/albums/b371/2wildthing/Swine/PigScore.jpg)


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on March 25, 2011, 09:48:14 PM
doc, pls help me decide. yung bagong walay kong inahin umabot ng 1.5 to 2 yung body score niya. grower na po pinapakain ko para makabawi. naturukan ko na po ng vit.ade hindi pa po kasi buo yung desisyon kong magpalagpas muna ng isang heat para ikondisyon. if ever po kayang maglandi within 10days (hindi pa nakabawi ang katawan) kung kayo tatanungin, ipapabulog na ba at sa gestation na lang bawiin yung katawan? maapektuhan po ba ang dami ng egg na ilalabas niya which is kokonti na magiging piglets niya?


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on March 25, 2011, 10:04:07 PM
asan ba ung tiyan kabayo d2 ung una ba na drawing? kac ung inahin ko nasa 2nd drawing sya eh 2. tin


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on March 25, 2011, 11:31:45 PM
wala po diyan kuyang. ang sinasabi po si doc nemo ay yung buntis kabayo -hindi po bumubukol yung tiyan sa tagiliran. yung body scoring po diyan mean yung no.3 ay ideal na katawan ng inahin bago pabulugan.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on March 26, 2011, 05:49:54 PM
ah tnx sa info babuylaber hehe


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on March 27, 2011, 07:52:31 PM
yup, tiyan kabayo /buntis kabayo  means buntis pero hindi lumalaki tiyan


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: sanico on March 27, 2011, 08:36:15 PM
Hope so tiyan kabayo yang alaga mo. It means, medyo matibay yun ligaments ng matress niya at hindi lumulundo until few days before manganak kaya mukhang maliit ang tiyan.

Pseudopreg... dpat maging malinis ang kulungan especially yun bandan puwitan ng baboy. pag nalagayan ng dumi or foreign object ang pumasok sa pwerta nito maaari itong magcause ng pseudopregnancy.

Hi Doc,
Aside from what you mention above, What other possibilities or factors that can cause Pseudo-pregnancy?
What other remedies aside from what you mention above ? Meron kaming 1 sow  na ang due  date to farrow ay April 4, for 3rd parity,
pero sa tingin namin ay wala laman ang tiyan nito kasi maliit.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on March 27, 2011, 09:58:29 PM
kung malaki yung tiyan niya sa unang dalawang anakan niya kuyang posibleng konti lang anak niya ngayon. sa pseudo preg po pansin mo buntis yung baboy at feeling din nung baboy buntis din siya magkakagatas din sa due date niya pero walang biik and after ilang days maghheat na uli yan.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on March 27, 2011, 10:36:21 PM
paturo naman mga sir kung paano teknik ung paglipat sa gesteting pen ng sow na buntis sa farrowing pen..pano tamang paraan sa pagllipat lipat ng pen ng mga sow kac ang hirap i2lak dalawa pa kami nd hinawakan ko ung dalawang tenga tapus sa buntot naman ung isa d kaya abort ung dinadala ng sow ko pag ganun?


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on March 28, 2011, 12:39:59 AM
posible kuyang. stress yan sigurado ako, stress sa sow at sa inyo na rin. mahirap talaga pag first time ng inahin kuyang. sa akin, ihinuhuli kong pakainin hinahayaan ko lang mainggit siya sa katabi niya after nun lagay ko sa kaserola yung feed niya then hawak ang kasirola parang tupa ng susunod sayo yun. may nakita naman ako sinasakay nila sa pushcart.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: laguna_piglets on March 28, 2011, 06:29:46 AM
From gestating  to farrowing..
Kusa naman po lalakad ang inahin aalalayan lang sa paglalakad.
Alalayan lang sa paghawak sa buntot para hndi siya madulas.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on March 28, 2011, 09:53:58 AM
wahhh baka nakunan na kac kinabukasan ng umihi ung sow ko my lumabas na kulay puti..45 d7 na syang buntis..wow galing naman ano po un tinuturuan po sya sa first time nyan lumipat sa farrowing pen? tnx baboy laber try ko nextime yang ganyan kac takbo pa cla ng talbo e kaya hirap hawakan..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: sanico on March 28, 2011, 10:10:26 PM
thanks. sana magkaroon ng laman ang tiyan kahit ilan, ok na sa akin yun.

kung malaki yung tiyan niya sa unang dalawang anakan niya kuyang posibleng konti lang anak niya ngayon. sa pseudo preg po pansin mo buntis yung baboy at feeling din nung baboy buntis din siya magkakagatas din sa due date niya pero walang biik and after ilang days maghheat na uli yan.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on March 28, 2011, 10:57:09 PM
Sir nick, pag dasal nyo lang na ang inyong baboy ay medyo maliit lang ang mga anak kaya hindi bumubukol..
Minsan ang pseudopregnancy namamana , sa ganitong case medyo mahirap magawan ng paraan.

Sir raymund31, kung maglilipat ka ng baboy pwede kayon gumamit ng makapal na plywood  na pang ipit sa katawan niya. Mas maganda na dalawa kayon mag lilipat.Yun dalawa plywood gagawa kayo ng parang V sa puwitan  ng animal while papaluin niyo siya ng mahina para umusad siya paharap. See to it na ala siyang nakikitang tao sa harapan. Once kasi na may tao sa harapan natatakot yan lumakad. Then kung saan area siya lilipat lagyan nyo din ng plywood or harang para ala siyang ibang mapupuntahan kundi dun sa kulungan mismo. Once nasanay na yan. Hindi kakailangan ng plywood , next time magkukusa na yan mag isa, tulak tulak ng kamay lang.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: erik_0930 on March 28, 2011, 11:46:10 PM
Tapik tapik lang po ng kaunti at konting himas...TLC..., ung sa amin kusa naman po cyang sumasampa sa farrowing pen


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on March 29, 2011, 04:39:34 PM
Pigs are best moved in a metal (box style) transport designed for use with large animals. At times this is not possible and pigs must be walked to their destination. When moving a pig always remember pigs will move away from walls toward openings. This is an advantage since one can use a "hog board" to simulate walls. The board is fashioned with a handle so that one can place it to the side, rear or front of the pig to direct them. Excessive force should not be needed to move a pig and is mostly counterproductive as pigs will become excited and belligerent. It should be remembered pigs will refuse to move if the place you wish them to go is dark (e.g. from daylight into a dark room). Sometimes pigs may be coaxed with food along with the use of the board. When pigs are unruly and where control is needed, pigs may be tethered in a harness and controlled by "holder" so that the pig does not run away. Often the use of the hog board may be used to stop pig and slow them down if they are moving too rapidly. The board may also be used to restrain a pig in a corner while minor procedures are performed. The size of the board varies depending on the size of pigs used and application. In general if the board is at least as tall as the pig and 2/3 to about as long as the pig it will usually suffice.

from:
http://www.ahc.umn.edu/rar/handling.html (http://www.ahc.umn.edu/rar/handling.html)


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on March 30, 2011, 09:36:38 AM
tnx tnx mga sir marami na akong napulot na teknik sa inyo hehe..isa pang tanong ko mga sir paano po kung magsabay na dalawa o tatlo na manganak tapus iisa lang farrowing pen ko pwede po kayang manganak nalang sya sa gestiting pen na my space sa pagitan nya? un kac naiicp ko na paraan if manganak na sabay sabay tatagaling ko nalang ung katabi nya na kasama para magkaroon ng space para sa mga anak nya dab okei yun mga sir?


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: laguna_piglets on March 30, 2011, 10:53:52 AM
GoodAM
Pwde naman po yun.. Pero unang una idisenfect nyo po ang gestating pen, at paliguan at sasabunin/bbrush ang inahin,, sunod off nyo nalang po ang drinker ng inahin para tuyo ang lugar, sunod po mas maganda gawa kayo bahaybahayan ng biik para hndi malamigan ang mga biik at may pailaw, maganda tabingan ng sako ang kulungan (gestatin) para iwas wind draft,, susundan ng linis ang dumi ng inahin, dakot system...


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: laguna_piglets on March 30, 2011, 10:55:02 AM
GoodAM
Pwde naman po yun.. Pero unang una idisenfect nyo po ang gestating pen, at paliguan at sasabunin/bbrush ang inahin,, sunod off nyo nalang po ang drinker ng inahin para tuyo ang lugar, sunod po mas maganda gawa kayo bahaybahayan ng biik para hndi malamigan ang mga biik at may pailaw, maganda tabingan ng sako ang kulungan (gestatin) para iwas wind draft,, susundan ng linis ang dumi ng inahin, dakot system...


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on March 31, 2011, 09:04:34 AM
pwede rin po nilang ikonsidera yung wean time. yung inahin po ang ililipat at hindi ang mga biik 3-7 days po sila dun. yung inahin naman 1 days stress then balik sa gestating pen. as long as posible hindi po dapat naririning mga kulig niya after walay. tanong po, meron po ba silang paglalagyan ng inahin (gestating pen) day 1 after ng walay?


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: sanico on April 08, 2011, 11:09:47 AM

Hi Doc Nemo,
Nanganak na ang Sow kaninang 2:30 ng madaling araw. Kaso isa ( 1 ) lang anak, female ito at weighing 2 kg.
Ngayon lang nagka ganito. Sa kanyang 1st parity ay 13 litters, sa 2nd parity ay 13 litters at 3rd ngayon ay 1 litter only?
What do you think is our problem on this particular sow? Salamat Doc.


Sir nick, pag dasal nyo lang na ang inyong baboy ay medyo maliit lang ang mga anak kaya hindi bumubukol..
Minsan ang pseudopregnancy namamana , sa ganitong case medyo mahirap magawan ng paraan.



Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on April 08, 2011, 06:36:17 PM
aba, bigla kang binawian ng inahin mo ah....

Can you think of any problem  nung 2nd wk ng january up to february? Either sa inahin mo or sa farm mo...

So ayan yun time frame na sa tingin ko nagkaroon ng problem ang kanilang inahin kaya nareabsorb yun ibang piglet sana.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: sanico on April 08, 2011, 08:24:40 PM
Hi Doc Nemo,
Sa observation ko sa said sow, parang wala sa timing ang pag breed nito. Ewan ko lang kasi nang ma notice na nag heat ang sow
ni breed namin kaagad. Siguro di pa sia masiado nag ovulate. Dapat nag antay muna kami ng ilang oras bago pina sampahan.
OR maybe sa pag transfer nito nang kulungan. Kasi we move our sows from old gestation pen to new one at na stress ito. Pero di
lang naman sia ang nilipat may mga kasabay din sia at nanganak na nga at meron pa manganak within this week.
Dahil 1 lang ang anak, puede ko ipa foster ito sa kasabay nia nanganak within this week. Papaano ang gagawin na matangal ang
gatas nito at lumandi ulit for 4th breeding ? Salamat.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: evjenov on April 09, 2011, 07:36:59 PM
doc nemo,
tanung ko lng po ano kaya nangyari sa isang inahin ng bienan ko. kasi dalawa yun expected nila ay 5 and 9 ng april yung 5 nanganak na. pero yung isa an dapat sa 9 wala pang sign hangnag ngayun at sabi ng misis ko po hindi po lumalaki ang tian at mga dd walng sign an lumalaki normal lang po. ano po doc ang dapat nilang gawin. salamat po


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on April 09, 2011, 08:28:01 PM
wait til april 12 kuyang


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: sanico on April 10, 2011, 05:17:06 PM
Hi Doc Nemo,
Parang MIRACLE ito. Ang sow na nanganak na ng isa (1) at 2:30 am, ay nanganak ulit ng isa(1) at 7:30 pm. Sa ngayon ay 2 na ang piglets.
Di kami makapaniwala, at nagbilang kami ng mga biik sa 2 inahin na magkasunod lang nito nanganak at tama naman. Ang akala namin ay may
naglipat lang ng biik pero wala naman at tama ang bilang. Bakit kaya nagka ganun Doc ? Ang layo na nang agwat sa oras sa pagsilang ah ?
Nakita na lang namin na may biik na nakadudo sa ina.




Hi Doc Nemo,
Nanganak na ang Sow kaninang 2:30 ng madaling araw. Kaso isa ( 1 ) lang anak, female ito at weighing 2 kg.
Ngayon lang nagka ganito. Sa kanyang 1st parity ay 13 litters, sa 2nd parity ay 13 litters at 3rd ngayon ay 1 litter only?
What do you think is our problem on this particular sow? Salamat Doc.


Sir nick, pag dasal nyo lang na ang inyong baboy ay medyo maliit lang ang mga anak kaya hindi bumubukol..
Minsan ang pseudopregnancy namamana , sa ganitong case medyo mahirap magawan ng paraan.




Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on April 10, 2011, 06:27:25 PM
doc nag aalala na ako sa isa kung sow bale 48 days na sya peru d parin lumalaki ang tyan nd dede nya bakit kaya minsan naman pumumula kunti ung ari nya peru hangang 2  days lang pumupla nawawala na d naman cguro reheat un sir noh?samantala ung isa ko pang saw 10 days lang naman ang pagitan nila nung pinasampahan ko malaki na ang tyan saka lumaki na din ang dede..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on April 10, 2011, 06:38:31 PM
evjenov d ba nakakitaan ng sign ng reheat ung sow nila na d lumalaki ang tyan nd dede? tanong ko lang po nakakuha na kaya yang expexted u na manganganak sa april 9? dba dapat lalaki na ang tyan nd dede tyan dapat..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on April 11, 2011, 08:31:02 PM
Sir nick , okay ang inahin mo ah... i have heard cases na matagal lumabas yun kasunod pero hindi kasing tagal ng sa baboy nyo. It is either malayo ang implant ng biik sa matres ng inahin at mahina ang naging contraction nito kya matagal siya bago lumabas.

Raymund, natry po ba nilang iback pressure yun inahin nun time na sinabi mo na namula ang ari nito.
Possible din kasi na talagang maliit ang pagbubuntis ng kanilang inahin


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: sanico on April 11, 2011, 08:36:40 PM
Hi Doc,
What do you think of this particular sow ? Dapat pa ba ipa breed ulit or cull na ? Thanks.

Sir nick , okay ang inahin mo ah... i have heard cases na matagal lumabas yun kasunod pero hindi kasing tagal ng sa baboy nyo. It is either malayo ang implant ng biik sa matres ng inahin at mahina ang naging contraction nito kya matagal siya bago lumabas.



Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on April 11, 2011, 08:43:01 PM
One chance pa, maganda naman yun inanak niya nung naunang dalawa...


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: sanico on April 11, 2011, 08:47:05 PM
Ok Thanks. One more chance . parang kanta yun....ahh...


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on April 12, 2011, 02:10:11 PM
hindi ko po itry na back pressure doc..peru ilan araw po ba dapat para makita ang paglaki ng dede nila doc?


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on April 13, 2011, 07:23:00 PM
tantiya ko dapat 2nd month noticeable na yun pag laki


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: evjenov on April 14, 2011, 03:37:47 AM
evjenov d ba nakakitaan ng sign ng reheat ung sow nila na d lumalaki ang tyan nd dede? tanong ko lang po nakakuha na kaya yang expexted u na manganganak sa april 9? dba dapat lalaki na ang tyan nd dede tyan dapat..
hindi nga nag reheat raymund kaya ang expected ng misis ko buntis talaga, di rin sila masyadong marunong kaya ang alm nila buntis pareho ngayung nanganak na yung isa saka nila napansin na bakit di malaki ang tian gn isa at bakit yung dd ay di man lang lumaki . so wla talaga magagawa kung di painject ng pang palandi . buti nalng kamo at yung nanganak na kasma nia ay naka 14 piglets 1st parity. salamat bro


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on April 14, 2011, 09:07:30 AM
tnx doc..

wahh baka ganyan din evjenov ang mangyayari sa isa kung sow peru hintay muna ako baka sa maling akala sayang din hehe..ano nangyari nug tinurukan nyo ng pagpalandi lumandi naba? how many days before naglandi after nyo tinurukan ng pagpalandi? nd dami namn naging anak nya..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: evjenov on April 15, 2011, 01:42:56 AM
tnx doc..

wahh baka ganyan din evjenov ang mangyayari sa isa kung sow peru hintay muna ako baka sa maling akala sayang din hehe..ano nangyari nug tinurukan nyo ng pagpalandi lumandi naba? how many days before naglandi after nyo tinurukan ng pagpalandi? nd dami namn naging anak nya..
raymund hindi pa nakakargahan,binigyan pa lang ng panglinis daw ng matress.bago inject ng panglandi. ano na ang ngyari sa inahin mo di parin nanganak heheh


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on April 15, 2011, 03:41:55 PM
but kailangan pabang linisin matress ng sow..how true ba na mas maraming magiging anak pag ang sow ay maraming dede..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on April 15, 2011, 04:19:17 PM
linis as in lavage(tama ba spell) ba kuyang? naglalavage lang ako after farrow. sabi nga masmaraming anak pag masmaraming dede, pero lahat naman nagddepende sa timing at tamang kondisyon ng nutrisyon ng inahin.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: erik_0930 on April 15, 2011, 04:22:35 PM
nililinis talaga ang matress ng sow after manganak, merun gamot inilalagay dun gamit namin catheter din. Mas maganda madami dede dahil pag lagpas ang bilang ng biik sa dami ng dede nya malaking problema yun kadlasan namamatay ang biik. Ako naniniwla na pag madami bilang dede sow eh madami din magiging anak nito.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on April 15, 2011, 05:08:01 PM
paki explain nga mga sir kung paano linisin ung matress ng sow? by injection ba na gamot un?.excited na talaga akong manganak mga sow ko hehe peru dko lam kung paano lilinisin mattress nya na cnasabi nyo after farrowing..ang sow ko kac meron clang 14 na dede peru tumitingin ako ng my 16 ang dede sa fattening ko para gawing sow target ko kac 10 sow ang gagawin ko 2 palang kac sow ko e..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: erik_0930 on April 15, 2011, 06:18:52 PM
hindi ko po remember kung anu po name iyong panlinis ng matres, baka po may mga expert dyan..pakisagot na lang..
Kadalasan na ginagawa po ito after manganak or pagkalabas ng malaking inunan (Placenta) gumagamit ng catheter para maipasok ang gamot na ito sa loob ng matres ng sow para daw po malinisan ang matres at maiwasan ang impeksyon...


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: babuylaber on April 15, 2011, 11:18:39 PM
pinakuluang dahon ng bayabas gamit ko. 1liter using catheter. 1day pag all normal 3 consecutive days pag may "dukot". been using this for years, effective naman.. at isa pa, napatunayan ko ito sa sarili ko nuong tinuli ako  ;)


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: erik_0930 on April 16, 2011, 01:20:07 AM
Oxytetracycline po gamit namin panlinis ng matres


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: laguna_piglets on April 16, 2011, 01:43:33 AM
Ang usually po ginagamit sa paglalavage ay sterile saline solution... Kung wlang ganun available povidone iodine, kaya po tayo nag lalavage para maalis ang acidity sa matress ng ating inahin at ibalik ang normal pH nila (Normal pH 7.35-7.45 Below normal acidic, above normal alkalotic)

Ang gagamiting catheter ung pang a.i. mas safe gumamit kung bagong bukas, yung iba kasi recycled lang..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on April 16, 2011, 09:52:52 AM
paano po kung d malinisan ung mattress ng sow pagka farrow ano po pwedeng mangyari sa kanya? pwede kayang d nalang linisan un kac ala ako cateteter na gagamitin e..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: evjenov on April 16, 2011, 11:55:49 AM
mali pala mga kababuy
hindi pala nilinis ang matress ng inahin ng bienan ko na hindi nag buntis kundi ininject pala nila ng lutalyse daw sabi ng misis ko. bali nong 13 ngayun ay nag standing heat na pede na bang AI mayang gabi at bukas ng umaga?  hindi kasi pede  ng natural mating sa boar ko matarik ang hagdan punta sa ulbo nila
thanks


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on April 16, 2011, 05:43:07 PM
If heat na kahit wag na nila linisin.

Meron naman natural flora ang inahin, macocorrect niya yan  ng kusa


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: laguna_piglets on April 16, 2011, 08:40:57 PM
Naglilinis lng kami kung mayroong mummified na iaanak.


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on April 17, 2011, 09:18:45 AM
tnx doc and all na nagreply hay kala ko mapapasubo na ako sa paglilinis ng mattres ah hehe buti nalang nasabi ni doc na kahit d na linisan..


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: raymund31 on April 19, 2011, 01:46:34 PM
doc safe ba ang floxacin na injectable para sa my ubo na sow na buntis? kac my ubo ung 2 sow ko  doc pwede kaya 2 para sa kanila o kaya painumin ko nalang ng vetracin pwede ba doc?


Title: Re: d na nagheat ng isang bwan ang sow after mating
Post by: nemo on April 20, 2011, 08:34:28 PM
painom na lang po muna