Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Richelle on May 10, 2011, 08:27:16 PM



Title: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: Richelle on May 10, 2011, 08:27:16 PM
doc may problem po ako. nagtatae po at nagsusuka yung baboy ko. around 35 kgs na po sya. ano po kaya ang sakit nya at ano po mabuting gamot na mabigay. salamat po    :-X


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 10, 2011, 08:57:24 PM
Wala po bang ibang nakain ang kanilang animal?

Nadeworm din po ba nila ito?

Try po muna nilang magtiamulin for this


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: Richelle on May 10, 2011, 09:09:16 PM
Yes doc salamat po. My mali po pla sa title ko. It should be NAGSUSUKA AT NAGTATAE NA MAY DUGO. anyway thanks so much doc. Could it be due to dysentery o may iba pa pong cause?


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 11, 2011, 08:06:59 PM
possible ang swine dysentery pero ito po ang sakit na isusumpa nyo kapag nagkaroon kayo....
Usually lahat ng baboy maapektuhan mamayat ang kalimitan solusyon benta lahat ng baboy disinfect then saka uli magstock.

kaya po ang line of treatment na sinabi ko is tiamulin. effective din siya kahit papaano sa swine dysentery.

Marami pa naman cause ang bloody scour, pwede worm problem, bacterial etc... as much as possible hinuhuli ko sa option yung swine dysentery.


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: Richelle on May 13, 2011, 07:29:12 PM
naku, sana nga po doc, di ito dysentery. actually 26 po lahat yun baboy ko na yun na tinamaan. halos same age po sila and 6 na po ang namatay since saturday. nakakalungkot nga po ero wala naman akong magawa. nag inject po kami ng oxytet before po ako nag consult sa inyo but it seems wala pong epekto. wala po kaming mabilhan dito ng tiamulin and ang sabi po ng binilhan namin eh baka daw po tge un o clostridial disease ba yun so nagsuggest po sya ng tylosin na injectable at amoxicillin sa tubig. sana po eh makuha dun   :'(


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 14, 2011, 05:42:47 PM
Kung may vet na available sa area nyo better na patingan nyo na especially meron nang namamatay.  Both TGE and Clostridium is possible cause...

iisa lang po ba source ng baboy nila or meron kayong bagong dating na baboy na isinama sa farm nyo?


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: Richelle on May 14, 2011, 05:54:26 PM
none doc. in farm po lahat ng weaners namin ngaun kaya nga po nagtataka kami at bakit bigla na lang sumulpot tong sakin na to sa piggery namin. we'll try to contact vet dito sa area namin para po ma diagnose na rin ng ayos ang problem dito samin. salamat po ng marai doc sa advices nyo samin dito


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 14, 2011, 09:07:31 PM
while ala pa ang vet continue lang po ang medication...

disinfect na rin po nila mga babuyan nila.

give oral medication sa mga inahin nila to be safe lang.


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: babuylaber on May 14, 2011, 10:11:58 PM
doc may nakausap ako who claims na dati siyang farm manager w/c is kinda convincing. nataon na nagtatae mga biik ko at 5th day na bukas, wala pong epek yung 3 consecutive days na enrofloxacin. bukas po ay tylosin na ako, ang sabi po niya ituloy ko day yung enro hanggang 6th day pero ngayong 4th day ng pagtuturok hatiin ko na raw yung usual dose at yung kalati ay haluan ko ng tylosin (sa iisang syringe). 0.5ml po binibigay kong enro so ngayon, 0.25ml enro + 0.25ml tylo na. may nagppraktis po ba ng ganito? efective po kaya ito? di kaya makakasama sa 2 gamot pag pinagsama? thanks doc.


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 14, 2011, 10:42:56 PM
Actually marami pong gumagawa nito sa mga farm.

Ang problem ko sa system na ito possible itong makacause ng resistance ng bacteria and in the long mas mahihirapan kang gumamot ng sakit sa mga alaga mo.

Kung kabisado mo kasi yung effective dose ng bawat gamot then makakagawa talaga ng "cocktail" (ito po minsan yun tawag nila sa procedure nayan) na magiging effective pero kung nag aasume ka lang then ito yun magiging maling panggagamot.

Another problem is nag kakaroon minsan ng allergic reaction ang baboy sa pinaghalong gamot. Kung minsan pag halo pa lang ng gamot makikita mo na na may nagbuobuong particles.

Ang ganitong pamamaraan is hindi bawal pero "double edge" pwedeng makabuti pwedeng makasama.

Yung biik mo ba na sinabi dumedede pa or walay na? One option na pwede mo gawin is wag mo painumin ng tubig for 1 day then see kung magbubuo yung dumi nito. you can also give charcoal/ or uling hayaan mo lang sa kulungan nila para ngatngatin nila. Pero remember na dapat continous pa rin yun pang gagamot whether tylosin or enro gamitin nila.

Dati kasi sa akin mas effective sa mga case ko ng diarrhea  ang penicillin base like amoxicillin, procaine penicillin etc...


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: raymund31 on May 15, 2011, 09:01:05 AM
doc but kaya mga baboy ko pag ship ko ng grower nagtatae cla lagi..saka napapansin ko pumapayat cla pag pinapakain ko ng grower..kaya lugi na ako..peru 3 weeks ko na napapakain ko ng grower d naman cla nagtatae nung 4rth week na saka lang cla nagtae halos lahat cla ..nakakasama ba ung laging pagpaligo sa kanila sir na laging basa kulungan nila? un kac duda ko kac nung nagstart ako magpaligo lagi kac ang init kac dun na cla nagtae lahat.


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 15, 2011, 06:14:49 PM
yun sobrang paligo masama din especially sa ganitong kainit na panahon.

Dpat kasi dahan dahan ang pagbaba ng temperature para hindi sila mastress. So, yun iba ang ginagawa yun paligid muna pinapalamig, then kulungan then saka pinapaliguan ang baboy.

Yung pagpayat ba nila sa grower stage ay consistent... i mean nung mga nauna mo bang baboy ganun din ang nagyari nung nagshift ka sa grower saka sila nagtatae at namamayat? or ngayong batch lang na ito nagkaganito?


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: raymund31 on May 15, 2011, 08:45:26 PM
ahh una ko po bang basahin ang paligid ng kulungan doc bago paliguan mga baboy?.oo doc ganun nga ung unang batch ganun ulit nangyari..nd nagbenta ako kanina ng 5 head sa unang batch ang naging kilos lang nila 85,84,88,92,86 ganyang lang naging kilos nila ang edad nila is 120 days cmula binili ko cla na my kilos clang 10-12 kilos na piglets kaya lugi na ako sir..my nakapagtip sa akin kanina na nagaalaga din ng baboy doc na mas maganda raw na puro starter nalang pakain hangang sa mabenta kac ang naging kilos daw ng mga baboy nya sa edad na 120 days din is 120-150 kilos gaanu 2 katotoo sir nd un din napansin ko sa pag starter pinapakain ang tataba nila doc den pagkaship ko sa grower nd finesher ang ninipis na ng katawan nila..next batch doc try ko straight na starter hangang mabenta kahit mas mahal ng kunti starter atleast dka lugi sa kilos nila..


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 15, 2011, 09:52:07 PM
yun paligid muna ang basain para lumamig then afterwards saka naman yun baboy. para hindi sila mabigla na ang init ng paligid tapos  biglang mo silang babasain magkakaroon ng malaking discrepancy sa temperature.

para kang galing sa aircon tpos lumabas ka sa init ng araw, ganun ang mararamdaman ng baboy.

ang problema po sa puro starter is yun presyo, kapag mataas ang presyo ng baboy ok lang ito kasi makakabawi ka, pero pagtumapat ka sa mababang presyo tataas din lugi mo.

in short high gain, high risk siya. kaya hindi ganun karami ang gumagawa.


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: raymund31 on May 15, 2011, 11:42:38 PM
salamat doc..peru 100 pesos lang naman diffrent nya sa grower doc kung 4 bags na starter 4x100= 400 lang ang different nya doc tapos sabi nung nag tip sa akin kilos ng baboy nya halimbawa 120kilos ung pinakain ko ng puro starter and 88 lang ung napakain ko ng my grower nd finisher d lamang pa ako doc  ;D 120-88 = 32x100 live weight = 3200 wow amazing sana tama ung cnabi ng nagtip sa akin..


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: babuylaber on May 16, 2011, 09:21:26 AM
walay na po doc. ok pa naman sa 1st 2 days nila kaya nag adlib na po ako sa 3rd day, 4th day mejo lusaw na nga.
nag pure tylosin na po ako doc, mahirap na..
yung hindi po ba pagbibigay ng tubig for 1 day eh may feeds pa rin? as in tubig lang po ang wala? halos ganun na din po kasi ginawa ko kahapon (1st day ng tylosin injectable), ration ng feed then pag umayaw na sila, bigay naman ng tubig with pistigo (tylosin soluble) then pag umayaw na sila tatanggalin ko na pakanan at painuman.


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: babuylaber on May 16, 2011, 09:57:32 AM
mainam din pong magpaligo na bago pa tuluyang uminit ang kapaligiran, say 9 or 10 am. para nakahanda na katawan nila sa pagpapapansin ni haring araw. ikaw man masgugustuhin mong maligo muna bago humigop ng mainit na papaitan sa pananghalian, naeenjoy ng katawan mo yung init ng papaitan dahil malamig ang iyong katawan  ;D


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: babuylaber on May 16, 2011, 01:44:52 PM
is it also ok to inject tylosin twice doc? in the morning and afternoon? nasa literature po kasi nung gamot ay 1ml per 10-20kg body weight 3-5days. hindi ko po maintindihan kung 1ml/day or ok lang 1ml in the morning and another in the afternoon? thanks doc


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 16, 2011, 08:22:35 PM
one day alang tubig. pero may feeds siya lagi

1 ml per day lang po. wag na uulitin kinabukasan na uli


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: babuylaber on May 17, 2011, 09:01:26 AM
hindi ko po binigyan ng tubig sa isang araw at hinati ko rin po yung usual ration nila ng feeds (w/c is ok lang po ba doc? iniisip ko baka pag binalik ko yung usual ration nila manibago na naman pagdigest nila) gave them uling, continue pa rin tylo for the 3rd day. promising na po mga ebak nila except sa isa na watery pa rin, inaalala ko lang hawaan na naman yung iba.


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: babuylaber on May 17, 2011, 03:15:03 PM
doc, ok lang po paghaluin mga gamot pag water soluble tama po ba? say vetracin at tylosin


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 18, 2011, 06:52:03 PM
kung full dose nyo naman ibibigay ala akong nakikitang problem kung pagsasamahin sila


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: babuylaber on May 19, 2011, 08:35:03 AM
doc anu po sabihin ng full dose?


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 20, 2011, 07:12:04 PM
kung ano yun recommended na paraan ng paggamit ...
halimbawa ang sabi," isang sachet sa isang galon na tubig" kapag ginawa mo yun, full dose ang ginamit mo.

Pero kung kalahati lang ang nilagay mo sa isang galon tubig then half dose lang siya.


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: Richelle on May 28, 2011, 12:35:15 PM
Doc pag maramihan po ba ang affected pigs na nagtatae, recommended po ba bigyan cla lahat? Gaya po nun samin around 40+ heads po yung fatteners namin then divided into 4 na kulungan. Halos kalahati po ang nagdudumi. Balak po namin bgyan cla lahat kaso s kwenta po namin halos 3 bote din po ang aming magagamit. Do you thinks its economical doc? Then syempre meron dn po silang follow up shot daily. Pano po kaya to? Mga kababuyan, any inputs po? Salamat po sa inyo


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 29, 2011, 02:00:11 PM
yun nag tatae injectable, yun ala pa sign kahit oral antibiotic and vitamins lang po.

Needed po talaga na maggamot sila kasi kapag hindi naagapan agad mababansot ang baboy nila. in the end lugi naman sila sa feeds.

Pag aralan po nila yun naging sitwasyon nila ngayon.

In terms of management san kaya nag kaproblem, maling enviromental temperature ba, feeds ba? or typical na may sakit sila. Kung may sakit san kaya nila nakuha? meron bang ibang tao nakapasok sa kanilang babuyan etc...

Backtrack po nila lahat ng nangyari and include the time line. Para sa next na paglalagay nila iwasan nila yun sa tingin nilang naging cause ng pag tatae ng kanilang baboy.

inaassume ko yun sinasabi nyo na pagtatae is yun baboy ay namamayat at bumabagal kumain na.


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: Richelle on May 30, 2011, 09:15:02 AM
Yes doc mahina ang laki saka kain nila. Binigyan na po namin sila lahat ng tylosin at  full dose. Halos 2 1/2 bottle po ng tylosin ang nagamit namin dun sa kanila. Gumaling naman po after 1 shot kaso after 5 days bumalik po. Nakita ko pong dahilan is wla po kaming follow up tx na binigay sa kanya o khit water soluble atb man lang. Then well look into environmental factors na rn po siguro kc mukhang may pagkakamali po kami sa kulungan namin. I think masyado pong open kaya malamig sila sa gabi. Any oral antibiotics po doc na pwede nyo pong marecommend. Salamat po doc


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on May 30, 2011, 06:55:33 PM
kung may oxytetracycline o kaya CSP (chlortetracycline sulfamethazine penicillin) na water soluble iyon po gamitin nila


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: laguna_piglets on May 30, 2011, 10:47:58 PM
Doc pwde rin ang TMPS water soluble ano po??


Title: Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo
Post by: nemo on June 01, 2011, 07:15:13 PM
yup pwede din siya