Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: Leo22 on July 27, 2011, 11:50:13 AM



Title: Anong uri ng Insekto to na gumakagat sa baboy?
Post by: Leo22 on July 27, 2011, 11:50:13 AM
Doc Nemo tanong ko po sana kung anong insekto yung kumakagat sa mga baboy ko? kasi nagkaroon sila ng maraming maliliit na sugat sa buong katawan nila, meron kasi akong nakitang parang maliliit na langaw na kumagat sa baboy ko, tuwing umaga nakikita ko na marami na silang sugat. nagpapalala pa ngaun yung dami ng langaw. lalo na yung feeds na ginagamit ko malakas maka attract ng langaw. ano po ba dabat gawin ko doc?


Title: Re: Anong uri ng Insekto to na gumakagat sa baboy?
Post by: nemo on July 27, 2011, 08:22:36 PM
Usually kasi ang alam ko kumakagat sa mga baboy is lamok, although yun sinasabi mo na maliliit na langaw di pa ako nakakita nun.

Try po nila mag fumigate (magsiga ng dahon ng ipil ipil, pinagbalatan ng lansones) para mawala ang insekto.

Kung ala kahit katol lang muna.


Title: Re: Anong uri ng Insekto to na gumakagat sa baboy?
Post by: Leo22 on July 29, 2011, 08:35:26 PM
Try ko Doc, Ginawa ko ngayon nag spray ako ng insecticide, tpos yung may mga sugat nag spray ako ng cobimex para d langawin yung sugat medyo mahal nga lang. yung isang baboy ko doc medyo grabe na yung sugat may nana na. kasi gagaling tpos kakagatin nanaman nung mga insekto. doc ano bang antibiotic ang pwede kong pa inom. kasi buong katawan nya na yung puno ng sugat.