Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => SWINE => Topic started by: mymelody on July 22, 2011, 09:44:28 PM



Title: age of piglet
Post by: mymelody on July 22, 2011, 09:44:28 PM

hi! doc nemo.

it's me again, ask ko lng sana at what age safe na ibenta biik?
let's say na wean at 30 days old at  deworm after 7 days?

thanks and more blessings!!!

melody



Title: Re: age of piglet
Post by: babuylaber on July 22, 2011, 11:54:36 PM
ako i add 1 or 2 days after the last vaccine before release.


Title: Re: age of piglet
Post by: nemo on July 24, 2011, 06:16:39 PM
the day after deworming pwede na nila imarket ang kanilang alaga.

Sa ibang area kasi first 10 kgs ang usapan kapag bentahan na ... usually 40-45 days medyo ayan na ang timbang niya. Nasa 7-8.5 kgs kasi ang biik usually kapag weaning day.



Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on July 25, 2011, 04:46:27 AM
Doc sa amin kapag nag wean kami ng ika 30days may tumimbang na ng 12kilos pinakamaliit is 9.. Wet and adlib feeding ang management namin sa biik.. Wla kmi gaano ngaun naeexperience na post weaning lag.. Kaya po kapag umabot na ng 45days tumimbang na ng 17kg, ung maliit naging 14kg.

Doc meron po ba kayo ginawang trial mula pagkapanganak up to mabenta (growout). Na mula initial weight to final weight ng pigs..
Example tumimbang ng 1.5kg ang biik (from birth) hanggang 150 age ano nggng expected weight or final weight nito??
Salamat po.


Title: Re: age of piglet
Post by: nemo on July 25, 2011, 07:17:20 PM
yung 7-8.5 kasi national average.

basta po wag bababa ng 85 kgs in 150 days sana.

personally, ala po akong ginagawang trial... pero around 85 po yung usual na nakikita ko sa backyard. sa mga mgnda ang breed 90 above naman nakikita naman dati.


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on July 25, 2011, 07:40:05 PM
Ah ganun po ba.
Salamat po.. Meron kasi kaming makulit ng customer hehe. Lahat gusto nya malaman kung kailan pinanganak, anu anu gamot, vitamins at vaccines ang nabigay namin at anung petsa/date, dapat detalyado. Gusto pa 20kg ang kukunin nya... Siguro may nakapag advce lang sa kanya na itrial ang aming mga pigs, kaya piling pili lang makukuha nya..


Title: Re: age of piglet
Post by: erwinph on July 26, 2011, 02:45:01 AM
Doc sa amin kapag nag wean kami ng ika 30days may tumimbang na ng 12kilos pinakamaliit is 9.. Wet and adlib feeding ang management namin sa biik.. Wla kmi gaano ngaun naeexperience na post weaning lag.. Kaya po kapag umabot na ng 45days tumimbang na ng 17kg, ung maliit naging 14kg.

Doc meron po ba kayo ginawang trial mula pagkapanganak up to mabenta (growout). Na mula initial weight to final weight ng pigs..
Example tumimbang ng 1.5kg ang biik (from birth) hanggang 150 age ano nggng expected weight or final weight nito??
Salamat po.



Sir,

Doon po ba sa wet and adlib feeding management nyo para sa biik ay kasama din yun pre-weaning period or when the piglets are still suckling? So bale, wet po ang creep feeds ng mga biik nyo? Tama po ba ang pagkakaintindi ko? Nutrimix feeds din po ba ang gamit nyo sa mga biik byo?

Nakakatuwa naman po ang performance ng mga biik nyo. sobrang bibilis magsilaki. Congratulations po, on your very good management system.


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on July 26, 2011, 04:19:15 PM
As early as 15days old wet feeding na kami sa biik until 40days old.. Ang weaners namin ngayon na 35days old tinimbang namin kanina nasa 15kg na.. Hindi nutrimix gamit naming feeds.. Sa batangas galing.


Title: Re: age of piglet
Post by: Kurt on July 26, 2011, 04:36:56 PM
Tama cguro itong c laguna_piglet...
'yan din ang nangyari sa aming mga biik...kaso lng 35 days ang aming dispose mga 12-15 kgs nga iyong mga malalaki at 10kg iyong mga maliliit.

Pero hindi pa ako nakaexperience ng early wet feeding...poro dry feeding kami hanggang benta ang mga biik..
Mag wet feeding lng when grower stage na..hanggang slaugther.


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on July 26, 2011, 05:58:34 PM
Itry po ninyo magwet feed until 45days...
Ang objective namin patabain ang biik bago sa araw ng walay, para sa araw na ito hindi sila gaanong nasstress, malaki din ang tulong ng soluble powder na hinahalo namin sa tubig...


Title: Re: age of piglet
Post by: Kurt on July 27, 2011, 01:10:38 PM
@laguna_piglet...

Pede bang makisuyo sa iyong process kung paano i-prepare ang wet feeding..

I-send mo lng sa aking email-ad bongans@hotmail.com kung sakaling medyo trademark mo 'to.

Thanks...


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on July 27, 2011, 03:23:18 PM
Simple lng naman preparation, maghalo lng ng soluble powder sa 1gallon ng tubig at ilagay sa labangan ng piglets, tska lagyan ng feeds ang labangan sa ganung paraan maganang magana kumain ang mga biik. Sa loob lng ng 10minutes ubos na ang feeds, tska ulit gagawin ang ganun (adlib feeding) hangat sa tumigil na sila sa pagkain... 5x a day ganun ginagawa namin.


Title: Re: age of piglet
Post by: Kurt on July 27, 2011, 03:34:51 PM
Cge try ko nga 'yan..


Title: Re: age of piglet
Post by: Richelle on July 27, 2011, 11:46:09 PM
Simple lng naman preparation, maghalo lng ng soluble powder sa 1gallon ng tubig at ilagay sa labangan ng piglets, tska lagyan ng feeds ang labangan sa ganung paraan maganang magana kumain ang mga biik. Sa loob lng ng 10minutes ubos na ang feeds, tska ulit gagawin ang ganun (adlib feeding) hangat sa tumigil na sila sa pagkain... 5x a day ganun ginagawa namin.



Sir ano pong soluble powder ang inihahalo nyo sa 1  gallon na tubig? Vitamins po ba sya o water sol n antibiotic. Salamat po


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on July 28, 2011, 07:07:40 AM
Sa araw mismo ng walay, kontrolado namin ang pakain sa mga biik, dahil ppwd silang magtae..  Ang ginagawa namin tubig muna na may water soluble na performance enhancer and anti stress, kagaya ng Digestiade.
It enhance growth, improved digestion and reduces post weaning scours and lag.

(http://s2.postimage.org/27ymm97j8/SAM_0025.jpg) (http://postimage.org/image/27ymm97j8/)


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on July 28, 2011, 08:55:44 AM
yung 7-8.5 kasi national average.

basta po wag bababa ng 85 kgs in 150 days sana.

personally, ala po akong ginagawang trial... pero around 85 po yung usual na nakikita ko sa backyard. sa mga mgnda ang breed 90 above naman nakikita naman dati.


                                   Growth Rate

Age of the Pig              Daily Liveweight Gain                          Weight
    Weeks                                Days                            (g/day)    (kg)
       4                                      28                               215       7.00
       6                                      42                               395       12.5
       8                                      56                               630       21.3
      10                                      70                               660      30.5
      12                                      84                               715      40.5
      14                                      98                               800      51.5
      16                                     112                              965       65.0
      18                                     126                             1000      80.0
      20                                     140                             1100      95.0
      22                                     154                             1100      110.0


Doc meron lang akong nasearch regarding Growth rate.
Thanks


Title: Re: age of piglet
Post by: up_n_und3r on September 02, 2011, 12:42:09 AM
Parang sa best scenario ata tong matrix mo po.
May nakaabot na bang 110kg for 154 days sa experience nyo?

ung 50 days na biik namin range lng xa sa 10-12kg, ung 60 days nmn, asa 16-18kg. Nasa anong range po kaya tong mga biik namin, below average?

Ano po ba ung latest expected growth rate? Wala po kasi akong reference. Thanks.


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on September 02, 2011, 04:53:42 AM
Ito nalang iguide mo. Kapag umabot ng 70days of age ang iyong piglets at weight of 30kg FAST GROWERS ang mga yun.. Kung below 22-23kg mdyo mabagal ang kanilang paglaki, hindi maganda ang ADG at FCR.


Title: Re: age of piglet
Post by: saint j on September 02, 2011, 12:33:29 PM
Sir Laguna piglets hindi po b napapanis un wet feeds?


Title: Re: age of piglet
Post by: up_n_und3r on September 02, 2011, 04:07:53 PM
Ok, i'll take note of that. By sep 9 ung 70th day nung 1st batch. Papa-weigh ko ung pinakamalaki as benchmark. Thanks.


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on September 02, 2011, 10:50:32 PM
@ saint j  - Kapag nag wet feeding ka in just 5-10minutes ubos na yan ng iyong mga biik. Mas magagana silang kumain.

@ up_n_under Okay.. record mo na lang yun kung ano magiging result.. nakaka achieved na kami ng ganung weights at satisfied mga customers namin.


Title: Re: age of piglet
Post by: saint j on September 05, 2011, 01:27:03 PM
gaano kadami nman ang dapat iprepare (wet feed) particularly para dun s biik n dumedede pa?


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on September 06, 2011, 05:28:44 AM
Kailangan halos naglulugaw na ang feeds...


Title: Re: age of piglet
Post by: allen0469 on September 06, 2011, 10:01:37 AM
earthcrisis,thanks sa advice mo sinubokan ko sa piglets ko nag start ako wet feeding sa 2 piglets ng sow ko at effective ang turo mo 10 days ang piglets ko pag start ko at eh try ko rin sa 13 piglets ko na kahapon pinamganak.


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on September 06, 2011, 12:18:47 PM
Hindi muna kami nag wewetfeeding sa bagong panganak fully sows milk muna sila para complete ang colostrum na makukuha nila.. atleast 10days old dry feeding muna para matikim tikim nila ang feeds for 5days. Pag edad 15days old nagsstart na kami wetfeeding until 35days old...

Goodluck :)


Title: Re: age of piglet
Post by: allen0469 on September 07, 2011, 11:52:52 AM
copy laguna ask ko when kayo nag start pakain ng feeds sa mga piglets nyo kasi ako 3 days start ako pakaunti unti lang until maka rami na sila ad li diin gamit ko piro ang wet feeding sa iyo kuna ginaya,kaya pala mga 15 days sila mag start ng wet kasi sa akin 10 days ok po yon na rin sundin ko.
salamat.



doc nemo tama po ba sa 3week ng piglets mag inject ulit ako ng hog cholera?


Title: Re: age of piglet
Post by: laguna_piglets on September 07, 2011, 03:11:32 PM
Ok din ang 3days pero kailangan pang pasubuin ng feeds sa bibig.. Kung 7-10days old tlgang start na sila mghanap ng pagkain. Kusa na tikimtikim sila ng feeds.


Title: Re: age of piglet
Post by: allen0469 on September 08, 2011, 10:15:04 AM
laguna,thanks sa advice oo ganoon diin gina gawa namin pa kaonti lang mag bigay ginaya ko yong sa unahco na palabas.any tips ba kong ilang days nyo binibinta ang piglets nyo kasi my contract ako sa coop sila bibili ng piglets ko first 10 kg 1800 tapos pag 13kg up 80 pesos per kg ano advice mo kita ba ako or lugi sa ganyang sistima.
salamat.


Title: Re: age of piglet
Post by: babuylaber on September 08, 2011, 12:01:39 PM
quote from allen0469 "doc nemo tama po ba sa 3week ng piglets mag inject ulit ako ng hog cholera?"

clear ko lang kuyang allen, magiiject ka uli ng hcv? so nakapag inject ka na before?
ang 7-14 days po ang interval ng vaccines like hcv.


Title: Re: age of piglet
Post by: nemo on September 08, 2011, 04:29:11 PM
allen0469,

pag nag inject ako sa  3 week of age ng piglet, then ang ulit nito ay nasa  6-7 weeks of age na nung animal

pag nag inject naman ako sa 2 weeks of age sa 4 week of age nito  naman ang ulit ko...

nababago kasi ang vaccination program depende pa sa mga bakuna nais mong ibigay/iprogram sa animal.


Title: Re: age of piglet
Post by: allen0469 on September 08, 2011, 05:46:06 PM
doc nemo,sa binigay mo na vaccination program diin ako nag base at some sa vet mo nag hingi ng advice.


Title: Re: age of piglet
Post by: allen0469 on September 08, 2011, 05:51:05 PM
baboulaber,di pa po ako naka pag inject ng hog cholega sa peglit ko kasi diba ang piglets pag labas my kasama na hog cholera sa inahin kasi nag inject ako sa inahin 3 weeks before sya nag parity kaya pag labas ng piglets count ako mga 3 week saka ako mag inject sa piglets ng hog cholera kasi lapse na ang gamot na galing sa sow.
correct me if im wrong kasi midyo baguhan lang at still studying pa.


Title: Re: age of piglet
Post by: babuylaber on September 09, 2011, 01:24:16 PM
tulad po ng sinabi ni doc nagbabago po ang sched ng vaccination depende sa ibibigay at depende sa panahon.


Title: Re: age of piglet
Post by: allen0469 on September 09, 2011, 03:25:53 PM
tulad po ng sinabi ni doc nagbabago po ang sched ng vaccination depende sa ibibigay at depende sa panahon.


kuyang if ever ganoon mga ang sched can you please provide me a copy para naman mapag handaan ko.sorry to inform u kasi alam muna newbie parin.
thanks


Title: Re: age of piglet
Post by: up_n_und3r on September 10, 2011, 09:16:01 PM
Share ko lng po what I saw sa isang site. Are you on target po sa current weights ng pigs nyo? Ako, mababa xa compared sa nsa list :(
What could be done to further improve ba? Kakatimbang lng ng 70days old na biik ko, they weighted ~20kg lng. Awwts.

Complete naman sila ng vitamins, iron and vaccine and to think malaki silang tignan. Bmeg dyna1/dyna2 currently gamit ko. I'm hoping nagkamali lng sila ng pagtimbang kc mejo off talaga ung difference ng weight, kung ung nsa list is achievable sa Philippines.

Any suggestion po to further improve their performance? Ung naunang biik ng bayaw ko weights 36kg lng rin +20days difference, around 90 days old na sila and he is using another feed brand (Excel).


Daily Feed Intake
Age of Pig    Weight    Daily Liveweight    Food Consumption    FCR
Weeks    Day    (kg)    Gain (g/day)    (g)    ?
4    28    7    215    280    1.3
6    42    12.5    395    500    1.3
8    56    21.3    630    852    1.4
10    70    30.5    660    1220    1.8
12    84    40.5    715    1620    2.3
14    98    51.5    800    2100    2.6
16    112    65    965    2600    2.7
18    126    80    1000    3200    3.2
20    140    95    1100    3800    3.4
22    154    110    1100    4000    3.6