Title: 90 kgs ang baboy Post by: teoderickraras on April 28, 2011, 01:27:45 PM good pm sir:
newbie plang po ako sa pork production (backyard) i am using pilmico brand, i have 5 fattening pigs at nasa 119 days na with stemated 90kgs na ang 3 , ang 2 nasa 70-80 na din, pwd na ba ako gumamit ng finex? nasa right weight ba ang mga pigs ko? thanks Title: Re: 90 kgs ang baboy Post by: nemo on April 28, 2011, 08:08:33 PM 119 days na sila mula mabili nila?
If so, benta na nila lahat. Kung sa tingin nila pataas pa ang presyo ng baboy then benta na muna nila yung 3 pigs nyo na 90 kgs Yun natitira nalang ang ifinisher nyo. Kung ala pa bibili magfinisher na kayo. Title: Re: 90 kgs ang baboy Post by: raymund31 on April 30, 2011, 10:42:49 AM doc pang pabigat ba talaga ang finisher? paano kung d sya mag finesher kung grower nalang papakain hangang mabenta mas mabilis ba lumaki kung grower nalng hangang mabenta na alang finesher?
Title: Re: 90 kgs ang baboy Post by: babuylaber on April 30, 2011, 09:33:04 PM may brochure ako ng pilmico. sinasabi ditong "60kg hangang maibenta" pwede ng mag elite hog finex, dami ng pakain: 2.40kg
1 thing about pilmico feeding guide ay nagbebase sila sa timbang ng baboy hindi tulad ng iba na sa edad. Title: Re: 90 kgs ang baboy Post by: nemo on May 01, 2011, 04:28:42 PM actually sir babuylaber, most if not all company base ang feeding program sa weight ng animal. These is in theory kasi. Pero for practicality reason ibinabase nalang sa edad ng animal or sa dami ng nakain na nila.
Kung sa weight kasi ang gagawin basehan para magshift ang magiging tanong is paano malalaman weight ng alaga mo? Titimbangin mo isa isa? Tatantiyahin? SO kung titimbangin mo, magiging stressful sa animal yan. kasi it means 4 times mo sila titimbangin, kada shift ng feeds titimbangin mo sila? Kung tatantiyahin , hindi ka naman man magiging accurate. So kalimitan ng feeding program ngayon may nakalagay na weight ng animal and corresponding day kung ano na edad ng animal. Kahit alin dun sa dalawa pwede mong gamitin, mas less stressful lang sa animal kapag base sa days. Another system na ginagawa is depende sa nakain. so, for me for economic purpose mas maganda ito. kasi alam mo kung magkano na nakakain ng animal mo. sa system na ganito kasi iseset mo kung ilan feeds kakainin ng alaga nila, example 15 kgs na prestarter, 50 kgs starter, 100 kg grower and 35 kgs finisher, once nakain na ng alaga mo yan then benta mo na. Sa ganitong system alam mo agad kung magkano nagastos mo sa alaga mo. kasi from the beginning nakaprogram ka na. Title: Re: 90 kgs ang baboy Post by: babuylaber on May 02, 2011, 10:33:10 PM thanks doc. now its clear
|