Title: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: cutienicole on May 25, 2011, 08:46:59 PM Gud Day po Doc,nag scouring po ang mga biik ko 7 days old palang po sila.ung isa po namayat nang husto ayaw po dumede medyo kulay yellow green na po ung dumi nya pero ung iba naman creamy po.3 times a day po ako kung magpakain sa inahin pero ng 4 days old na ung biik ayaw kumain ng tanghali ang inahin ko.nasasayang lang ung feeds kaya ginawa kong umaga at hapon nalang ang pakain.Then napansin ko po na nag scouring na sila.na reached naman po ung required na dami ng feeds ng inahin kahit 2x a day nalang siya kumain.Ininjectionan na po ng antibiotic ng vet ung isa na malala ang pag scouring baka lang daw po nabigla ung mga biik sa biglang pag hina at paglakas ng gatas ng inahin.3 days na po simula ng mag start sila mag scouring pero ganun parin po ang dumi nila.anu po ba nag dapat kong gawin .Pls help ..
God Bless and More Power... Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: babuylaber on May 25, 2011, 10:13:48 PM pakicheck po environment, baka po sobrang init kaya ayaw kumain ng inahin nila, baka naman po sobrang lamig lalo na sa madaling araw nagtatae na mga biik nila
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: cutienicole on May 26, 2011, 08:18:21 PM sobrang init nga po dito samin kapag araw tinatapatan ko nga po ang inahin ko ng electric fan,pero pagdating naman po ng hapon bigla nalang bubuhos ang malakas na ulan.namatay na kanina ung 1 biik ko. :'(ang nakapagtataka lang po ung lahat lang ng anak ng sow no.2 ko ang nag scouring at ung sow no.1 na 4 days ahead lang nanganak ay wala naman problem healthy ang mga ito.magtabi lang din po sila ng Forrowing pen.
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: nemo on May 26, 2011, 08:57:35 PM icontinue lang po nila yun medication kung meron ibinigay ang kanilang vet...
kung possible na mainjectan yun mga biik the better. Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: babuylaber on May 27, 2011, 09:10:36 AM isama niyo rin po sa pagcompare yung condisyon ng 2 inahin nila. baka po mashealthy yung isa kaya mataas ang immune sa gatas na ibinibigay niya.
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: cutienicole on May 27, 2011, 09:31:03 PM pina injectionan ko na po sa vet ung inahin at mga biik ko.some of them medyo soft nalang ung dumi pero ung iba watery parin. :'(.mas healthy naman po siya tingnan kaysa dun sa isang inahin.kaya po sumasakit narin ulo ko panu gagawin .sabi po ng vet bawasan ko po ng feed intake at water nung inahin,may nag sabi din po awatin ko na ung biik ganun din daw kasi nangyari sa biik nya 2 weeks ago, namatayan narin siya nag souring lahat ayaw din daw po gumaling.8 days palang daw po inawat nya at nagbigay nalang siya ng milk gold and foster milk healthy naman na daw po.
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: babuylaber on May 27, 2011, 10:25:46 PM lahat po ng inawat "niya" na 8day old biik ay nabuhay?
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: darjen on May 28, 2011, 07:54:37 PM Nangyari din po yan saking mga biik 10 days old grabe rin ang scouring 5 days straight silang nagtae pero napagaling ko rin sila. Oral medication ang ginawa ko norfloxacin. 1st day palang may pinagbago na. Itinuloy ko hanggang 3 days ayon tuluyang gumaling na. Wag mong hayaang magsanaw ang flooring ng kural mo kase iniinum yan ng mga biik. Tuwangtuwa sila sa basa kase sobrang init ng panahon. Base on my experiece.
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: cutienicole on May 28, 2011, 08:06:08 PM opo,nabuhay po lahat at healthy naman ung mga piglets kaya ganun din pomang isinasuggest nya sakin.
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: nemo on May 29, 2011, 02:02:53 PM mahirap po kasi iwalay at that age kasi kailangan talagang bantay sila . kasi halos every hour dede yan mga yan.
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: cutienicole on May 30, 2011, 03:14:06 PM un na nga po Doc,winalay ko nalang 2 days na.after 24 hours na nawalay sa inahin ok na ung dumi nila.medyo nakakapuyat lang po.masisigla narin po sila.Doc,kung nag landi po ung inahin pwede na po ba ipabreed kahit wala pa sa panahon na naawat ung mga piglets nya?
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: nemo on May 30, 2011, 06:49:43 PM kung magheat siya beyond 21 days from the time na nanganak sila pwede na ipabreed pero kung below that baka magkaproblem sila.
Yun pag balik kasi sa normal ng matress ng baboy ay halos aabot ng 21 days. so dapat wait muna yun bago ipabreed Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: cutienicole on May 30, 2011, 07:39:50 PM ganun po ba.maynagsabi po kasi sakin na palipasin ko munakung mag lalandi para makapahinga ung inahin natatakot naman po ako na ganun kasi baka makaabutan ng paglulugon medyo matatagalan naman ang kasunod.pero kung 21 days lang pala ay pwede na may 1 week pa ako na natitira bago siya mag 21 days :)
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: babuylaber on May 30, 2011, 09:32:26 PM doc, malaki po ba ang tyansa ng pagkabansot sa less than 2 weeks na winalay na biik? kahit tutok ka sa feeds at milk substitute at vits?
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: babuylaber on May 31, 2011, 09:56:29 PM singit ko na po dito doc, nagtext po yung isang bumili sakin ng biik,1 day and 1 night na raw po hindi kumakain yung isang biik na binili niya sakin (2 binili niya, na ok naman yung isa, malakas daw kumain) nag umpisa daw pong hindi kumain 24hrs after niya magpurga gamit ang Latgo-1000 (7days after niya mabili sakin yung biik) susunduin niya po ako bukas para macheck. i'm thinking na bigyan ng amox (baka sa pabago pagong panahon) at coforta (pampagana). ok po ba ito doc? any better na maibigay sa biik?. thanks doc
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: nemo on May 31, 2011, 11:50:54 PM ok lang ang amox just check the dosage at timbang ng animal... kung mapasobra kasi minsan nagsusuka ang animal bka masisi pa kayo in the end kung sakaling hindi magsurvive ang animal...
hopefully gumaling naman siya.. then vitamins and water soluble antibiotic everyday na lang as a form of followup ng medication nila. Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: babuylaber on June 01, 2011, 01:09:37 AM ok lang din po doc kahit yung OTC? either of the two, turok ng amox/otc sa left then coforta sa left magkasunod lang, tama po ba doc? salamat uli ng marami
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: nemo on June 01, 2011, 07:17:38 PM yup, left and right siya
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: cutienicole on June 01, 2011, 09:58:55 PM nakapuslit ung 3 kong biik nakadede sa inahin ng 2 days na silang nawawalay kaya heto balik sa pag tatae silang 3.Nilalagnat na ung isa,nag inject po ako ng Kemocillin at oral ng Tripulac.Medyo sumigla po ung biik.Pwede ko po ba i continue ang inject ng Kemocilin for 3 days together with tripulac?Saka bakit po kaya nagkaganun ung mga nakadede sa inahin my problem po kaya ung inahin ko na iyon?
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: babuylaber on June 02, 2011, 01:37:01 AM salamat po doc. hindi na po ako sinundo kanina dahil bumabalik na raw po sa normal yung pag inom at pagkain nung biik. ang ginawa daw po nila ay pinunasan daw po nila ng cane vinegar yung biik using sponge. yung suka po ba talaga ang nakatulong sa pagbuti? ano po relevance nun?
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: babuylaber on June 02, 2011, 01:39:10 AM ang tanong niyo po eh bakit nagtae yung 3 nakadede? malaking posibilidad po ay yung pagtikim uli nila ng gastas 2days after walay habang nasa adjustment period from milk to purely feeds.
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: nemo on June 03, 2011, 06:13:28 PM cutienicole,
possible na meron mastitis yun inahin kaya tuwing dumedede yun biik mo nag tatae ito... Nasaksakan ba ng gamot yun inahin pagkatapos manganak? babuylaber, yun vinegar kasi meron siyang kakayahang mag absorb ng init para kung nilalagnat medyo bababa ito, at minsan kapag naman sa ilong nilagay ng konti nakakatangal naman ito ng sipon. Although lahat ng nabanggit ko is observation lang and nabasa ko din sa ibang article and walang masyadong scientific na data.... Ginawa na rin namin ito dati pero syempre continue pa rin yun antibiotic medication namin. Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: cutienicole on June 04, 2011, 10:18:07 PM Opo Doc,nasaksakan naman po ang inahin ko pagkatapos manganak.Un na rin po ang nasa isip ko baka mestitis kasi pati ung 1 biik na anak ng isa ko pang inahin na nakadede sa kanya nagtae din.Kaya po inawat ko nalang ng wala sa panahon.Ngayon po ipinaampon ko naman ung mga biik na inawat ko sa isa ko pang inahin na mas nauna ng 4 days manganak. ;D.inawat ko ung mga biik nya 23 days old ang lakas na po kasi kumain ng pre starter at ang tataba.Pumayag naman po ung inahin di naman nya sinasaktan ung mga ampon nya,baka po sakali na makahabol pa ang mga ito.tanong ko lang Doc anu po kailangan ko e inject sa inahin ko na un na nagkaproblema para maiwasan na un sa susunod nyang panganganak?
Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: babuylaber on June 05, 2011, 03:03:11 AM a day after bumalik yung sigla at apetite namatay daw po yung biik. baka kako nakagat ng ahas or ibang hayop -wala naman daw po. notice daw po nila hirap tumae -wala naman daw pong nakaing plastic or something na hirap idigest. constipated po kaya doc?
sad to say lang na papalitan ko yung biik, kamag-anak kasi. nagbibigay po kasi ako ng 7 days waranty sa mga biik ko. pag nagkasakit within 7days ako gagamot at pag namatay naman papalitan. meron po bang may practice nun dito? Title: Re: 7 days na mga biik nag scouring... Post by: Ponching on July 05, 2011, 03:13:13 AM Ganito rin po nagyari sa mga biik ko bale 16 days old na po sila mula ipanganak, 3 days na po sila nagtatae, sabi po ng vet samin may empeksyon daw po ung inahin kaya naginject na rin po ng antibiotic, pero po ung biik tuloy po ang painom ng apralyte at ung sa gamot sa pagtatae, pagkatapos po ng biik dumede tuloy na naman po ang pagtatae nila at madilaw po at malabnaw na malansa po dumi nila, kailangan na po ba ito iwalay o kya naman inject na rin ung mga piglets? pero po ung inahin okey naman bale po pang 4 na beses ng nangangak inahin ko pero ngayon lang kami nakaranas ng ganito, kailangan na po ba iwalay ang mga biik o kaya injection na lang muna sa mga biik?
Pag nagkasakit po ba ng mastitis uulit pa po ba ito? kasi kung uulit pa balak namin ibenta na ung inahin, kaya lang nakapanghihinayang kasi magaganda naman ung mga biik bale 12 anak nya 2 lang ang maliit. |