Anon po bang mainam na pangdidinfect sa weanling, gestating and farrowing pen? May mga pen na po kasi sa farm na nabili kaso po dahil lumang design na at matagal na po medyo may kalawang na.. Ano po kayang mainam na gawin sa kalawang para matanggal sa pen? Ok lang po ba na may mga stains?
Thanks and God bless po..
pangtanggal po ng kalawang.... lilihahin po muna to.. or use steel brush.... after that pipinturahan po ng primer tapos po enamel
Doc ask ko lang po.. may syringe po ako na Fiber Glass.. gusto ko po malaman kung ano pong size ng needles ang gagamitin ko sa mga baboy. ibat iba po kasi ang Lenght at gauge kaya nalilito po ako...
Length of Needles
1. For Sow IM = 1.5 inch SC = .5 to 1 inch 2. For Piglets IM = ? SC = ? 3. For Fatteners IM = ? SC = ?
Gauge of Needles
1. For Sow IM = SC = 2. For Piglets IM = SC = 3. For Fatteners IM = SC =
ay! ang galing! oo nga noh doc! di ko naisip yun... naku naman... tinurukan ko na ng gonadin kanina umaga.. haizz...!!! dapat pla nacheck ko agad yung post mo doc!
pag nga pla maikli ang needle hindi sha aabot sa muscle, hanggang taba lang, so considered subQ sha!
sir magpopost ako ng bagong topic about needles para po mas malinaw sa iba
doc,.. may hormone treatment ba na parang PG600 ang epekto pero via IM ang turok. nahihirapan ako magadminister ng PG600, subcutaneous kasi, malikot yung baboy..baka sa akin mapaturok... sna merong IM na lang.. gonadin kasi pangheat lang eh... mas mabisa sana kung ala-PG600.
yung pong dalawang sows ko may mga sugat sila na parang pigsa pero wala naman nana... pag gumagaling lumilipat ng ibang parte ng katawan,,, ano po kaya to?.. malakas naman kumain ang mga inahin ko at hindi matamlay.