Show Posts
|
Pages: [1] 2
|
1
|
LIVESTOCKS / SWINE / Barako Lumaki yung isang Itlog?
|
on: August 08, 2012, 01:33:20 PM
|
Bakit po yung 1 Barako ko eh lumaki yung 1 itlog? compare po dun sa isa eh kita po na mas malaki.. eh bakit po ba? at magagamot pa po ba yun? kase yung 1 ko rin pong barako eh nag shoshow na ng sign na ganun din yung 1 itlog masyadong nalaki..
|
|
|
2
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: Hog Farm Gate Price
|
on: August 06, 2012, 11:12:52 AM
|
Batangas Area ako at Naghahanap din ako ng BUYER ng Pig Fattener.. Please paki inform ako kung me kilala kayung buyer.. Me sarili kaming timbangan at cash basis lang po.. tapos reseco po eh less 3.. pag oversize po eh usap nalang tayo..
|
|
|
3
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: Feeds Poll
|
on: August 06, 2012, 08:03:24 AM
|
Hello,
Out of the topic lang po yung itatanong ko. Pwede po ba kainin yung karne ng pig na galing sa sakit? I mean parang nag 50 50 yung pig pero kinatay na agad. Thanks.
Kung wala po kayong binigay na gamot at ang ikinamatay eh hindi dahil sa peste eh okay lang pero kung me binigay kayung gamot eh i check nyo muna yung label ng gamot kung anung kanyang withdrawal period pag po lagpas na sa withdrawal period eh okay lang pero kung sakop pa eh wag nalang po.. either lutuin nyo at pakain sa aso or ilibing nyo nalang..
|
|
|
4
|
LIVESTOCKS / DISEASES / Re: Bukol sa Tiyan
|
on: July 26, 2012, 09:32:29 AM
|
Me luslos siguro yung babuy mo.. Ganyan din yung sakin.. napadalas before yung sakin, kainis kse me 50/50 chance na mamatay yung babuy before mo pwedeng ibenta, mamatay sya hindi dahil sa sakit kundi dahil mag kakasugat yung luslos.. obserbahan mo pag gutom eh maliit yung luslos pero pag busog eh malaki yung luslos.. saka pag sakaling nabuhay hanggang sa pwede ng ibenta eh binabarat ako ng mga buyer.. kaya suggest ko lang eh kung nag bebenta ka ng biik eh benta mo na o kaya palakihin mo ng pang litsunin na size at saka mo benta sa maglilitson...
sa ngayun ginagawa ko nalang eh yung mga tali ng feeds eh gugupitin ko ng maliliit tapos ibabad ko sa iodine at pag me umanak eh kasabay ng putol ng ngipin at buntot eh babawasan ko narin yung pusod tapos talian ko nung tali na nakababad sa iodine yung natirang pusod.. under observation ko pa kung epektib yung sistema na yun..
|
|
|
5
|
LIVESTOCKS / SWINE / Pag Inilipat yung ilang biik sa ibang inahin?
|
on: July 05, 2012, 05:10:15 AM
|
diga ho nangyayari yung insidente na magkalapit lang ang araw na nanganak yung ilang inahin at minsan maraming anak yung isang inahin at minsan yung isa namang inahin eh kaunti lang, eh ang turo ho samin eh kukuha kami ng biik dun sa maraming anak at ililipat dun sa kakaunti lang ang anak para raw malaki ang tsansa na makadede ang lahat ng mga biik.. eh bakit ho ang nagiging experience ko sa ganitong sistema eh namamatay po yung karamihan ng biik na inililipat ko ng inahin? bakit ga ho ganun kase po lumalabas na within 48 hours eh manghihina/magkakasakit/mamatay yung mga biik na inilipat ko ng inahin.. eh ngayun po paraw ayaw ko ng sundin yung ganung payo.. kaya gusto ko pong malaman kung pano po ba ang tamang paglipat ng mga biik sa ibang inahin? o Mali po ba ang turo sakin at bagkus eh dapat hindi ko ilipat ang mga biik sa ibang inahin?
kaya ko po kase ginagawa yung pag lipat ng biik sa ibang inahin eh kase na experience ko po na pag marami yung biik na inianak ng isang babuy eh me maiiwanan po ng laki dun sa mga biik, ika nga ho eh pag kalipas ng ilang araw yung ibang biik eh me bilog na ang tyan eh yung iba naman eh payatot parin..
|
|
|
6
|
LIVESTOCKS / SWINE / Ilan ang tamang dami ng Boar?
|
on: July 05, 2012, 04:57:50 AM
|
Matanong ko lang po kung Ilan po ang tamang dami ng Boar? kase po ang sabi po samin eh ang isang boar eh pagkakasta eh dapat mag pahinga muna ng 3 araw bago muling gamitin..
eh samin ho kase eh hindi namin nasusunod yun bagkus eh 1 o 2 araw lang ang pahinga ng aming boar, tapos me araw na nagagamit namin sa magkakasunod na araw eh nun hong nag anakan yung aming ilang inahin eh halos wala pang 10 ang naging anak eh ang paliwanag samin eh yun raw yung epekto ng boar na walang pahinga kaya ano po ba talagang ratio ng dami ng boar sa dami ng inahin?
|
|
|
7
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: PIG WEIGHT
|
on: June 28, 2012, 01:34:09 PM
|
Hindi ko pinoporga.. masama ba talaga yun? kase ba naman usually nagtatae yung mga biik ko pagka lipat kaya mas focus ako na pagalingin yung mga pag tatae kesa purga..
|
|
|
9
|
LIVESTOCKS / HOUSING / Re: Waste Management
|
on: June 12, 2012, 07:13:33 PM
|
Hingi rin po ako ng plano regarding sa waste management lalu na sa design ng biogas.. paki email nlang po sa me_tanung@yahoo.com thanks po!
|
|
|
10
|
LIVESTOCKS / HOUSING / Re: budget at kita
|
on: June 12, 2012, 07:10:32 PM
|
Karamihan po ng feedmills eh meron silang Brochure o leaflet ng tamang Feeds at Dami ng pakain na dapat ibigay sa bawat edad ng mga babuy.. malaking tulong po yun!.. pag sa mga tindahan po kayu nabili eh usually meron silang mga ganun na binibigay ng mga feedmills.. libre po yun kaya hingi nalang kayo sa binibilhan nyo ng feeds..
|
|
|
11
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: Meron kayung Design ng ANAKAN?
|
on: June 12, 2012, 02:29:26 PM
|
Uo nga 3thou mura yun.. nag eestimate ako eh dun palang sa sahig ng mga biik kung bakal man o plastic matting eh nasa around 2 thousand na, hindi pa kasama yung balak kong bilihin na segunda mano na ipitan ng inahin at semento na tapakan ng inahin tapos yung bakal na gagamitin ko na pader na pang enclose ng kulungan.. kabado nga ako feeling ko eh mahigit 5 thousand magagastos ko bka umabot 8 thousand mahigit..
|
|
|
12
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: Hog Farm Gate Price
|
on: June 10, 2012, 05:32:23 PM
|
Sir Batangas Area ako.. Kakabenta ko lang this week.. 103 kuha samin.. diko lang sure sir kung yun parin yung lakaran by next week.. Binigay ko na sir na 103 kase cash naman pero balita ko po pag dun sa cooperative dito eh 105 and bili ng mga buyer..
|
|
|
13
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: vaccination program
|
on: June 10, 2012, 05:30:19 PM
|
Sir Paki check nalang nitong link..
Me picture - http://www.tradekorea.com/product-detail/P00064494/Vaccine__Swine_.html
Distributor dito sa Pilipinas - http://www.equalivet.org.ph/peakHealth.htm
Ang Bili ko po is around 2,300
|
|
|
15
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: Hog Farm Gate Price
|
on: June 09, 2012, 09:37:33 PM
|
Mga Sir/Mam so far eh medyo satisfied ako sa Price ng Fatener ngayun as in hindi po nakasimangot, pantay lang ang hugis ng labi ko.. pero hindi pa smiley.. hehe.. thou I wish mas mataas pa! sana ang presyo.. sa ngayun po ang lakaran samin eh pag BIG Farms eh 105 or more per kg ang kuha sa kanila tpos sa backyard pag terms 104 at pag Cash eh 103.. for others na magbababuy eh parang mababa pa yung mga price pero unlike before naman ho na bumaba ng 80 presyo so medyo relief to..
tanung ko lang po eh palagay nyo ga po eh tataas pa ang price ng babuy at hanggang kelan kaya na tataas? AT ang mga Price ga po ng FEEDS ay hindi BABABA? balita ko po kase sa isang consultant ng feedmills na hindi ko kinukunan eh mababa na ang presyo ng mga mais at ibang ingredients tapos ang krudo po eh bumababa narin.. Pero ang sagot nya sakin hindi raw po sila mag baba kase yung price ng mais na dinadala sa kanila eh Presyong Mahal pa dahil raw po nung Umorder sila eh mahal pa yung price nung Mais.. eh yun po kayang ibang feedmills magbaba kaya ng presyo?
|
|
|
|
|