Google
Pinoyagribusiness
July 31, 2025, 09:20:03 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: A sow will farrow in approximately 114 days.
 
  Home Forum Help Search Login Register  
  Show Posts
Pages: [1] 2
1  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Gilt Pregnant? on: May 31, 2012, 08:52:03 PM


Hello,

Doc iyon po ba vaccine sa E.coli e sa mga malalaking vet.supply lang nabibili?
Kasi po wala yata sa amin lugar nitong mga ganitong vaccine.Ano nga po uling
brand yong pwede kong gamitin for E.coli? Saka po Doc iyon po Gilt ko 78 days
na sya preggy pero hindo po nagbabago itsura nya?hindi din lumalaki un Tummy nya,
un teats nya ganun din .Ung udder lang po sa rear part nya medyo lumawlaw?
BUNTIS PO KAYA SYA?Hanggang ngayon po no signs of Heat.Everyday checking po yon,
May baboy po kaya Doc Na Hindi nag-rereheat after Post bred pero hindi din Buntis?
Maraming Salamat po for the reply.
2  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Gilt Pregnant? on: May 24, 2012, 07:22:28 PM

wait ko na lang po un last month nya,kasi everyday ko sya check am/pm 
since nabreed sya and dna din nmumula ari nya at ayaw magpasampa,
Concern lang po ako kasi its my first time na mag-inahin.

Saka 1 question ko po, pwede na po ba ako magturok ng iron shot sa kanya sa
85 day of pregnancy(Safe po ba un or no need since maganda katawan nya)
Naturok ko lang po na gamot is bexan at ade at hog cholera
before sya mabreed.Ska po un e.coli(ano po bakuna sa E.coli) at parvovirus kelan ko isusunod
pang ilang days po dapat sila iturok?Pati na deworming?Di po ba makasama un sa pagbubuntis
if mag-start ako by day 85?Sana po matulungan nyo ako.

Tam
3  LIVESTOCKS / BREEDING / Gilt Pregnant? on: May 24, 2012, 08:21:32 AM

Hello,

Magtanong lang po ako kasi 70 days po un gilt ko post breeding,
hindi na po sya bumalik sa heat after mabreed,ang tanong ko lang po ay hindi ko pa po
sya nkakikitaan ng signs na buntis sya ,like nung abdominal enlarment nya,un udder nya
medyo po lumalaw un teats nya hindi naman po ngbabago.Ang assurance ko lang po
sa sariliu ko is un hindi nya pagre-reheat after nya mabreed.Buntis po kaya sya?Saka
kelan po talaga makikita un sinasabi nila na body changes nya?

Tnx and Hoping for your reply.

Tam
4  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Gilt Pregnant? on: April 20, 2012, 07:00:57 AM

Maraming Salamat po ulit sa reply nyo Doc Nemo,Hope this time buntis na baboy ko.

Tam,
5  LIVESTOCKS / SWINE / Gilt Pregnant? on: April 19, 2012, 08:46:53 PM
 Hello,

Magtanong lang po ako yong Gilt ko po  Nabreed ko sya sa barako last March 16
ngayon po 35 days na sya still no signs of heat.Everyday checking po ginagawa ko sa kanya to make sure
hindi ako malampasan if mgheat sya.Possible po kaya na pregnant na sya or I will still wait for another week
sa ika-42 days at 45 days nya to make sure na pregnant na ang baboy ko.
1st breeding nya is feb 16(nag re-heat sya after a failed pregnancy is around March 12, so that is around 26 days then 2nd breeding nya
is March 16,standing heat nya yon until now no sign of her returning to heat.

Kelan ko po ba mkikita yong signs na buntis na sya like nung swelling of her abdomen at yong paglaki ng teats nya??
Noticeable na po ba dapat yon ika ilang days po talaga yon makikita sa gilt na nagbubuntis.?About her appetite
yon po malakas talaga sya kumain @2kg/day na binibigay ko sa kanya.
Maraming slamat po sa mga mag-rereply.

Tam
6  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Gilt Re-heat on: March 18, 2012, 11:25:53 PM

greetings!

Salamat po ulit sa sagot nyo.Sana mabuntis na sya ngayon
kasi 1 beses lang sya ulit nakastahan,nung una beses kasi nakastahan un inahin ko wala ako sa bahay,
tapos hindi pa yata tlaga sya standing heat kasi mukha napilitan un inahin ko.I think maybe its also
about proper timing ng pagpapakasta para masure  mabuntisa na inahin ko.
Thank you po again and more power!!

Tam
7  LIVESTOCKS / BREEDING / Gilt Re-heat on: March 18, 2012, 05:19:02 PM

Greetings!

Ask ko lang po un gilt ko na pinakastahan ko last February 16 ay Nag re-heat ulit nitong March 12.
Ika-21 days po nya nitong March 7 pero nagre-heat po sya.Natural mating po yong ginawa at 1 beses
lang syang nakastahan ng barako.Kaya ang ginawa ko po ay pinakastahan ko ulit sya nitong March 16,
Ika 4 days nya un ng paglalandi(nung March 12 sya nagsimula maglandi at March 15 sya nagstanding heat.
Posible po kaya na magbuntis na ang inahin ko saka po ituloy ko na din lang po ba yong pagpapakain sa kanya
ng 2kg./day.

Isa pa pong tanong even buntis na po ba yong sow/gilt,e is there a chance na bumalik sya sa heat nya(ie. namamaga un ari,
at nagsstanding heat pa ulit)or talaga po na if buntis sya hindi na mamamaga un ari nya at hindi na sya magpapakita ng standing heat?
Sana po matulungan nyo ako for my enlightenment saka im just hoping na this time mabuntis na un gilt ko.
Another thing nun kinastahan un gilt ko ng barako e buo-buo po yong semilyA nya,normal lang po ba yon sa barako?Thanks!!!

Tam
8  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: Where to buy swine vaccines/medicines on: March 11, 2012, 04:27:19 PM

Thank you po sa mga reply nyo Doc Nemo & up_UND3R.
9  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Pregnant Gilt on: March 10, 2012, 08:38:56 PM


Greetings!

Ah ganun po ba Doc,kasi po ndi na po nag re-heat un gilt ko simula nun feb.16 ng mkastahan sya lampas na po 21 days un,
wait ko na lang din po ika 42 days nya,wala din po sign na gusto nya ulit magpakasta.Un na lang din po body changes nya inaabangan ko
.
Thank you po ulit doc.
10  LIVESTOCKS / BREEDING / Pregnant Gilt on: March 10, 2012, 09:41:58 AM

Greetings!

Hello po sa inyong lahat,Magtatanong lang po ako when does the first signs of pregnancy can be
noticed sa gilt/sow pagkatapos mapakastahan.Curious lang po ako besides doon po sa after
21 days na pagchecheck kung babalik sya sa paglalandi.Kailan po makikita yong pagbabago ng
Body physique ng isang gilt na napakastahan kung talagang buntis sya.How many days ba or
how many weeks makikita yong first signs of body changes nya.

Para lang po masiguro ko na buntis yong gilt ko kasi hindi na po sya naglandi ulit and supposed to
be re-heat date nya this March 7,hindi na po sya umulit kaya lang po dko sya nkikitaan ng body changes,
Lumakas lang po sya sa pagkain and constipated sya maybe because of the gestation feeds na kinakain nya ngayon.

Need some guidance po.

Salamat po.

Tam
11  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: Where to buy swine vaccines/medicines on: February 28, 2012, 07:52:36 PM

thank you po ulet doc! your a great help.Smiley
12  LIVESTOCKS / DISEASES / Where to buy swine vaccines/medicines on: February 28, 2012, 04:46:19 PM
Greetings!

   Hello po mga kabayan, Baka po me alam kayo saan ako makabili ng swine vaccines or medicines dito sa Manila
kasi wala ako alam na mabilhan dito sa amin sa Naic,Cavite na me ngbebenta ng agricultural swine meds.Like
po ba nung Farrowsure,para po sa Parvovirus and then un sa Leptospirosis ,Pseudorabies at Mycoplasma na mga vaccines.
Patulong naman po.Saka another thing po is un po ba Terramycin LA saan kalimitang sakit ng baboy ginagamit yun.In general
pwede po ba sya iturok sa lahat ng sakit ng baboy like,ubo,lagnat,infection sa panganganak,pagtatae at iba pa?

Saka hindi ko po kasi napaturukan ng kahit anong klase vaccine un gilt ko before ko napakastahan kundi un lang po
hog cholera vaccine, at vitamins na mga binigay ko like A,D3,E at BExan SP.

Maraming salamat po sa inyong lahat.

tam
13  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Late na 2nd Heat on: February 27, 2012, 09:52:05 AM


doc nemo, thanks po ulit sa insight na binigay ninyo.

tamerlane
14  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: vaccination program on: February 18, 2012, 12:30:30 PM

Sige ho.Maraming salamat.Tingnan ko na sya ngaun.Tnx for the info
15  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: vaccination program on: February 17, 2012, 09:15:06 PM


Hi Doc, Is it possible po ba na makahingi ako ng copy sa inyo ng vaccination program ng
after breeding ng gilt until weaning period ng piglets.Saka po Doc can you please educate me
and the proper procedure na gagawin sa biik pagkalabas nya sa ari ng inahin,like nun when to start
1.pagputol ng pusod
2.teeth clipping
3.tail clipping

Saka un po ba pagpuputol ng pusod  is a day after nya manganak?Do i have to wait na madry muna yon pusod ng biik?
Iyon din po about sa teeth clipping,Do I have to do it pagkapanganak agad,before ko sila pasusuhin sa inahin ko?
And after I do it when do I start na pasusuhin ko sila sa inahin ko,I mean how many hours before ko sila pwede ilapit
sa inahin ko(me specific time po ba un doc like 2 or 3 hrs after manganak ng inahin?
Then sa Tail clipping when do i have to do it Doc, is it better  na il do all of the procedure the same day or  1 day after another procedure?

Pasensya na po kayo doc sa madami ko tanong.I hope you can help me about this.Tnx and more power!!!

Tam
Pages: [1] 2
< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!