Google
Pinoyagribusiness
August 20, 2025, 04:55:39 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: A sow will farrow in approximately 114 days.
 
  Home Forum Help Search Login Register  
  Show Posts
Pages: [1] 2
1  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: 1st time na magbabakuna on: August 06, 2011, 06:02:11 PM
   Ok na ang mga binakunahan walang naging problema magagana paring kumain. Pwede na silang ibenta. Ang problema mura pa ata ang biik ngayon. Magkano kaya ang lakaran ngayon ng presyo? Batangas area. Baka po may idea kayo yung pinakalatest para may basihan ako salamat....

sir san kayo sa batangas? ang alam ko depende pa rin sa area ng batangas. like sa calatagan, pumapatak na 1,500-1,700 lang ang baboy pero sa bandang lipa mas mataas po
2  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: pagpupurga ng bagong walay na biik on: August 06, 2011, 05:54:09 PM
wala po akong specifics for every sakit .

Ang rule ko po kasi is start sa pinaka mababang gamot. like amox, penicillin, oxytetra and tylosin.

dyan umiikot ang gamot ko then kung di effective ska po ako maghahanap ng mas mataas na antibiotic


doc may heirarchy po ba kayo ng mga gamot? halimbawa, sabi nyo nga po "mababang gamot. like amox, penicillin, oxytetra and tylosin". then ano po yun mas mataas sa kanila na gamot and yung mga sumunod pa. salamat po...
3  LIVESTOCKS / SWINE / Re: question sa pagpupurga on: August 06, 2011, 05:23:05 PM
salamat ng madami sir sa reply. pwede ko na rin po ba sila liguan kinabukasan pagka purga?
4  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: inahing baboy 12 days after farrowing konti lang ang gatas on: August 05, 2011, 03:25:13 PM
matagal tagal na rin pong gumamit ako nun. forgot ko na yung name. what i'm sure is dapat distributed po, hatiin sa 4 yung recommended dosage (iturok sa left and right batok at thigh part ng sow)


salamat po sir. hinati hati ko na nga po ang admin nun sakin. tig 10 ml po sa magkanbilang neck region at thigh. salamat po sir sa reply
5  LIVESTOCKS / SWINE / question sa pagpupurga on: August 05, 2011, 03:12:41 PM
mga sir,ok lang po bang magpurga kahit maulan gaya ngayong panahon na ito? naka schedule na kasing purgahin yung mga walay kong bikk kaso ilang beses ng na delay. di ko alam kung pano ko isisingit kasi araw araw umuulan. salamat po sa magrereply
6  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: inahing baboy 12 days after farrowing konti lang ang gatas on: July 29, 2011, 07:07:55 AM
may nabibili pong calcium injectable para sa inahin meron din naman pong powdered milk para sa mga biik. pero icheck po muna nila environment baka lang po sobrang init kaya bihira lang magpadede si inay or may lagnat kaya. try din po nila mag wet feeding..


Sir un po baboy inj calcium na cnasabi nyo eh yun pong cbg? Pano po ba iturok un? Nakalagay po kasi sa label 50 ml. Tama po ba? Di poba masyadong madami yun? Pano po ituturok yun? Sa isang site lang po ba o divided ang dosage? Halimbawa 25ml sa umaga at 25 ulit sa hapon. Salamat
7  LIVESTOCKS / SWINE / Re: di lumabas na inunan on: July 28, 2011, 12:03:30 AM
lalabas at lalabas po  yan ng kusa kung nasa loob pa ng inahin nila....

I am not sure kungi indicated ang lutalyze for  expulsion ng inunan.

mas common pa na ginagamit ang oxytocin than lutalyze for expulsion...


Ganun po ba doc. Salamat po. May lumabas na naman po kaso pakonti konti lang
8  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Namagang Ari ng Sow after mating.. on: July 27, 2011, 11:49:44 PM
Doc day po Doc.Namaga po ung ari ng sow ko after 2 hours ng mating nung June 27,kasing laki po halos ng niyog.medyo nahirapan po ung nag gaguide sa ari ng boar na ipasok ung ari sa sow ko.Sabi po ng vet nagkaroon daw po ng infection kay sinaksakan namin ng antibiotics then kinabukasan anti tetanus naman.after 15 days po may lumalabas po na nana at may konting bahid ng dugo sa ari nya kaya nag inject po ulit kami ng antibiotics oxytetracycline po 10ml pero sabi po ng vet kulang daw o un naiinject namin kasi kami lang ng uncle ko nag inject,mga 15ml daw po dapat kaya ika 3 araw pina inject ko ulit ng antibiotic sa vet.nxt day clear po ung lumalabas sa ari ng sow ko akala ko magiging ok na pero ng 3rd day after ma inject may lumabas ulit na parang nana tapos may bahid ulit ng dugo  nag inject ulit kami.natatakot na nga po ung sow ko.wala naman po masamang amoy ung lumalabas sa sow ko saka magana po kumain.Anu po ba maganda na iinject na gamot dito para mapadali ang pag galing or pang cull na po itong inahin ko?


Bigyan nyo po mam ng cephalexin yun inahin nyo the i flush nyo po o langgasin yun ari nya using iodine solution o dahon ng bayabas na pinakuluan. Pwede din po kayong gumamit ng uterex para ipasok sa pwerta nya
9  LIVESTOCKS / SWINE / Re: age of piglet on: July 27, 2011, 11:46:09 PM
Simple lng naman preparation, maghalo lng ng soluble powder sa 1gallon ng tubig at ilagay sa labangan ng piglets, tska lagyan ng feeds ang labangan sa ganung paraan maganang magana kumain ang mga biik. Sa loob lng ng 10minutes ubos na ang feeds, tska ulit gagawin ang ganun (adlib feeding) hangat sa tumigil na sila sa pagkain... 5x a day ganun ginagawa namin.



Sir ano pong soluble powder ang inihahalo nyo sa 1  gallon na tubig? Vitamins po ba sya o water sol n antibiotic. Salamat po
10  LIVESTOCKS / SWINE / barako na ayaw sumampa/bumaba on: July 26, 2011, 09:49:25 AM
Doc nemo good morning. Ask ko lang po sana kung pano po pwede kong gawin sa barako ko na ayaw sumampa sa inahin. Dati naman po sumasampa sya kaso ngayon po ayaw na nya sumampa. Salamat po
11  LIVESTOCKS / SWINE / Re: di lumabas na inunan on: July 07, 2011, 06:20:09 AM
Ganun po ba? Sabi po kasi ng taga alaga ko wala daw po talagang lumabas kasi bantay na bantay nila yun. May nakapagsabi po sakin bigyan ko po ng lutalyze yun inahin ko. Nagpabili po ako t binigyan ko po sya ng 2 cc. Tama po ba ang ginawa ko?
12  LIVESTOCKS / SWINE / di lumabas na inunan on: July 06, 2011, 04:19:46 PM
doc good day! yung inahin ko po nakunan kahapon. puro luno po. nilagnat po sya nung buntis pa lang sya. due date po nya dapat ay 1st week of august pa. ang problema ko po ngayon ay matamlay po at di kumakain ang inahin. di pa rin po nalabas ang inunan mula pa kahapon. ano po kayang maganda kong gawin para mailabas po forcefully yung inunan nya. nag bigay na po ako ng antibiotic kanina. salamat po ng madami.
13  LIVESTOCKS / SWINE / Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo on: May 30, 2011, 09:15:02 AM
Yes doc mahina ang laki saka kain nila. Binigyan na po namin sila lahat ng tylosin at  full dose. Halos 2 1/2 bottle po ng tylosin ang nagamit namin dun sa kanila. Gumaling naman po after 1 shot kaso after 5 days bumalik po. Nakita ko pong dahilan is wla po kaming follow up tx na binigay sa kanya o khit water soluble atb man lang. Then well look into environmental factors na rn po siguro kc mukhang may pagkakamali po kami sa kulungan namin. I think masyado pong open kaya malamig sila sa gabi. Any oral antibiotics po doc na pwede nyo pong marecommend. Salamat po doc
14  LIVESTOCKS / SWINE / Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo on: May 28, 2011, 12:35:15 PM
Doc pag maramihan po ba ang affected pigs na nagtatae, recommended po ba bigyan cla lahat? Gaya po nun samin around 40+ heads po yung fatteners namin then divided into 4 na kulungan. Halos kalahati po ang nagdudumi. Balak po namin bgyan cla lahat kaso s kwenta po namin halos 3 bote din po ang aming magagamit. Do you thinks its economical doc? Then syempre meron dn po silang follow up shot daily. Pano po kaya to? Mga kababuyan, any inputs po? Salamat po sa inyo
15  LIVESTOCKS / SWINE / Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo on: May 14, 2011, 05:54:26 PM
none doc. in farm po lahat ng weaners namin ngaun kaya nga po nagtataka kami at bakit bigla na lang sumulpot tong sakin na to sa piggery namin. we'll try to contact vet dito sa area namin para po ma diagnose na rin ng ayos ang problem dito samin. salamat po ng marai doc sa advices nyo samin dito
Pages: [1] 2
< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!