Gud day po sa inyo, tanong ko lang po kung bakit yung dumalaga po namin ay di magtuloy ng pagbubuntis, binili po namin sa farm yun, ng first time na pabulugan namin eh nagdugo po yung ari ng inahin kase daw po sabi ng may ari ng bulugan ay makapal daw po ang lining ng virginity ng baboy kaya nahirapan bago mabutas daw po ng bulugan...after 21 days po eh naglandi uli..pinababahan po uli namin .. naglandi uli ngayon po nagtry po uli namin pababahan...kaya bale naka 3x na po sya ng pabulugan..ang pansin ko lang po sa kanya every morning palagi po meron nalabas sa ari nya na kulay puti kasama ng ihi nya... duda po ako kung tutuloy po uli kung magbubuntis pa po sya... ano po kaya ang dapat namin gawin , hingi lang po ng advice sa inyo....maraming salamat po.
|