Google
Pinoyagribusiness
August 19, 2025, 01:43:21 AM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: 150 days from birth is the average time you need to sell your pigs for slaughter and it is about 85 kgs on average.
 
  Home Forum Help Search Login Register  
  Show Posts
Pages: [1] 2 3 4
1  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: nanganak ng 18 na biik anong dapat gawin? on: September 07, 2011, 05:01:31 AM
sorry po kay doc nemo po nakaadress yung tanong ko kung familiar sila sa s brand na energyn bale oral gel pampasigla daw ng biik para daw sa pinanganak na mahina at di masyadong nakadede ng colustrum.thanks
2  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: nanganak ng 18 na biik anong dapat gawin? on: September 05, 2011, 10:23:15 AM
Ang hirap talaga ng ganito. Kung ako ang tatanungin gus2 ko 10-12 lng ang mg biik ko pr sure na lalaki lahat na healthy. Mr.babuylaber bale pumili lang ako ng 3 maliliit at yun ang iniwalay ko binibigyan ko na lang ng milkreplacer. Alam nyo po ba yung brand na ENERGYN? Kase nirecommend ako ng suki ko na bumili ng energyn pampasigla daw ng biik bale oral gel sya 100ml, ang mahal nga 600 ang 1.
3  LIVESTOCKS / BREEDING / nanganak ng 18 na biik anong dapat gawin? on: September 03, 2011, 10:58:43 PM
Goodeve sa lahat ng mga kamember. Nanganak kase ang aking inahin kanina lang umaga ng 18. Di ko alam ang gagawin ko kase 14 lang ang dede ng inahin ko. May nagpayo sakin hayaan lahat sa inahin matira daw ay matibay. Pero di ba magkakagulo yun? Ang naiisip ko sanay isacrifice na yung 4 at bigyan na lang ng milk replacer. Para naman magtigitigisa ng suso yung 14. Tama po ba ako? Ayaw ko naman ng alternate bukod sa puyatan ay magkukulang pa sa gatas ang mga biik baka lang mabansot. I need lang po ng pinaka the best na advice...
4  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: 10 days na lang at manganganak na on: June 22, 2011, 06:17:06 AM
   Sir allen0469 & sir babuylaber, try ko suggestions nyo. Yun kase rin ang plano ko after manganak bibigyan ko uli sya ng lactating. Kase di ba magutumin ang inahin pagnagpapasuso. Baka sa gutom nya kainin narin nya ang lactating. Salamat mga sir. Balitaan ko ulit kayo.
5  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Panlulugon ng inahing baboy on: June 22, 2011, 05:46:11 AM
   Sir babuylaber try ko rin po suggestions nyo. Binibisita rin kase ng magbubulugan ang aking inahin. Ang sabi nya palipasin ko raw uli at naglulugon pa, kase daw masakit daw talaga ang katawan ng mga baboy pagnasa stage ng paglulugon. Sa palagay ko may point sya kase pagtinuunan mo ang likod nya kahit di masyadong malakas ang force nagagalit sya.  Medyo kumikintab na ang batok nya kase marami naring balahibo ang nalalagas. Naghahalo na ko ng vitamins sa pakain kase nagkukulang naraw ng sustansya ayon sa vet na binibilhan ko palagi. 
6  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Panlulugon ng inahing baboy on: June 21, 2011, 06:25:58 AM
Ganyan din po ang nangyayari  sa inahin ko ngayon. 1 month na ngayon exactly after weaning. Naglulugon ang inahin ko. Pero may sign sya ng paglalandi namumula at may lumalabas sa vulva nya. Ang problema ay ayaw nyang magpaback pressure nagagalit sya pagtinutuunan ang likod. Ano kaya problem ng inahin ko doc. Nagpapakita naman sya ng sign ng paglalandi. At nasa tamang panahon. Kase 5 days after weaning nakitaan ko sya ng sign ng paglalandi ang problema ayaw ngang magpaback pressure. Di pa sya naglulugon ng panahong yun. Para bang may masakit sa likod nya pagtinutuunan. Kaya pinalipas ko muna. Ngayon after 21 days nagpakita uli ng sign at ganon din ang nangyari ayaw parin magpatuon sa likod. Naglulugon na sya ngayon pero may sign ng paglalandi. Lipas na ngayon. Ano kaya doc ang magandang gawin sa inahin ko. Bigyan ko pa sya ng last chance antay uli ako ng 21 days. Doc pag nagpapakita po ba ng sign at ayaw magpasampa sa likod i mean ayaw magpatuon sa likod, ok lang po ba gamitan ng A.I. Yun kasi ang plano ko kung sakaling magpakita uli ng sign after 21 days. Di  pa kasi ako nakakakita ng pag A.I. Dapat po bang nagpapaback pressure sya bago gamitan nito. Supposing na ayaw nya uling magpatuon sa likod. 3 days after magpakita ng sign ipa A.I. ko tama po ba to?
7  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: 10 days na lang at manganganak na on: June 21, 2011, 05:47:01 AM
  @allen0469. Ah...ok. Ibigsbhin galing sa tubo.  Pwde kayang asukal na lang ang ihalo ko? Kasi parang asukal narin ata yung "molasis" kase nabanggit mong sobrang tamis. Subukan ko ang papaya mamaya kung kakainin. Itatry ko rin ang malunggay. Di pala kyo nagamit ng breeder. Magaling at di tumataba ang inyong inahin. Salamat sir sa sharing mabuhay kayo!


@doc nemo. Doc sinibukan ko na po na gawing parang lugaw. Ayaw po nya ng masyadong matubig ang pagkain nya. At talagang isinumpa nya ang lasa ng lactating. Sa palagay nyo po doc nagkapobya na po ba ang baboy ko? At ano ang magandang paraan para mawala to? Sana bumalik ang gana nya sa lactating feeds para sigurado ang milk production. 3 days na lang at manganganak na ang inahin ko. Excited na ko at medyo worried. Sana walang maging problema. Salamat po.
8  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: 10 days na lang at manganganak na on: June 19, 2011, 05:39:11 AM
   @allen0469,  Ganon nga rin sir ang hinala ko minsan kase talagang nadalâ sya sa lasa at amoy ng lactating. Siguro sobrang sama nga ng lasa ng latigo(matikman kaya hehe..) Sir maitanong ko lang kung hinog ba ang papaya o hindi? At kailan mo to ibinigay sa inahin? Bago ba manganak o after manganak. Kase 5 days na lang at manganganak na ang inahin ko? At tanong ko lang yung salitang "molasis" di kase ako familiar pasensya na po.  Salamat sir sa sharing mo malaking tulong to. Bakit grower nga pala sir ang binigay nyo sa halip na breeder? Sa bagay mas masustansya ang grower kaysa breeder. Sige sir try ko ginawa nyo. Maraming salamat po.
9  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: 10 days na lang at manganganak na on: June 18, 2011, 06:25:29 AM
    Doc kumain na ang inahin ko nang binigyan ko ng breeder na feeds. Bakit ganon ayaw na nyang kumain ng lactation feeds. Sinubukan kong haluan ng lactating kahit man lang 2 dakot sa 1 kg na breeder pero ayaw nyang kainin. Ayaw nya talaga ng amoy ng lactating.Nagtry ako ng ibang brand pero ganon parin. Ano kaya problema ng inahin ko may sakit po kaya sya. Umarte kase ang panglasa. 1 month before farrowing binigyan ko na sya ng lactating at nagustuhan naman nya 2.4kg/day. Tapos 2weeks before farrowing naghalo ako ng pangpurga na 1 sachet ng latigo sa pakain nung umaga at naubos naman nya. After nun nung hapon di na nya ginalaw ang pakain.next morning di parin kumain hanggang hapon. Bale inabot ng 24hrs ng di kumakain. Nag-alala ako kaya humingi ako ng advice nyo doc. Tapos kinabukasan humihingi sya ng pagkain. Binigyan ko sya ng lactating ayaw kainin. Naisipan kong bigyan ng breeder ayun kumain din sa wakas. Plano ko po breeder na lang muna ang ibigay hanggang manganak hinahaluan ko na lang muna ng calcium.  Sa palagay nyo po doc di kaya magkaproblema? Magkakagatas parin po ba sya pagkatapos manganak? Plano ko kase pagkatapos manganak saka ko bigyan ng lactating baka kainin na nya. I need your advice doc. Salamat.
10  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: 1st time na magbabakuna on: June 14, 2011, 06:16:57 AM
   Goodmorning! Ok po doc di naman po matamlay ang mga biik ko nung time na bago sila bakunahan. Meron nga lang ilang medyo malambot ang dumi(i think 2 lang ata yun).Masigla naman sila at base sa obserbasyon ko . Wala namang nagbago sa kanila after. Sa palagay nyo po doc mali po ba ang ginawa ko? Salamat po doc sa advice.
11  LIVESTOCKS / DISEASES / 10 days na lang at manganganak na on: June 13, 2011, 08:38:02 PM
Doc kailangan ko po ng advice nyo. 10 days na lang po at manganganak na ang inahin ko for the 1st time. Wala po syang ganang kumain kahapon pa hanggang ngayon. Ano po ba ang safe na ipanggamot para sa mga buntis. May napapansin po ako sa kanyang ilong palaging basa baka po may sipon na. Meron po akong vetracin gold pang natitira pwede po ba tong ipainom sa inahin? Para lang po mabigyan ng 1st aide sarado na po ang mga vet.supply ngayon. Salamat po.
12  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: 1st time na magbabakuna on: June 13, 2011, 05:34:16 AM
   Ok na ang mga binakunahan walang naging problema magagana paring kumain. Pwede na silang ibenta. Ang problema mura pa ata ang biik ngayon. Magkano kaya ang lakaran ngayon ng presyo? Batangas area. Baka po may idea kayo yung pinakalatest para may basihan ako salamat....
13  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: 1st time na magbabakuna on: June 11, 2011, 10:50:53 AM
    Mga kamember binakunahan ko na kanina ang 16 piglets ko kahit na malambot ang dumi ng ilan. Masisigla naman eh. Ayun.Sanay walang maging problema. Masisigla pa ngayon parang walang nangyari. Update ko uli kayo about sa newly vaccinated.
14  LIVESTOCKS / DISEASES / Re: 1st time na magbabakuna on: June 11, 2011, 05:40:38 AM
    A ganon po ba ayun? Pero di naman sila matamlay, masisigla at malalakas sila kumain. Yun kase ang problema ng alaga kong yun nakailan ng beses ginamot kontra pagtatae pero palaging may naiiwang ilang may malambot  na dumi. Kung baga di ko magawang 100% na magaling lahat sila. Palaging may nakikita akong pailan-ilang malambot ang dumi. Pero lumalaki naman sila at malusog. Nakatakda na kase silang ibenta kaya kailangan ng mabakunahan asap.
15  LIVESTOCKS / DISEASES / 1st time na magbabakuna on: June 10, 2011, 10:55:13 PM
meron ako 16 na biik 63 days old na. Nakasced ng bakunahan bukas ng anti-pneumonia at anti-cholera. Ang prob meron ilang malambot ang dumi pero masisigla naman at malalakas kumain. Ok lang po ba na bakunahan sila o wag na lang? Piliin ko na lang ang may magagandang dumi. Salamat po sana matulungan nyo ako.
Pages: [1] 2 3 4
< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!