Show Posts
|
Pages: [1]
|
3
|
LIVESTOCKS / SWINE / Doc, S.O.S about sa gilt
|
on: January 28, 2011, 06:31:05 PM
|
Doc, ipinagkatiwala ko yung Gilt ko sa kapatid ko kasi i have my vacation nung Sinulog, nung pagbalik ko nakita ko, yung vulva nang gilt lumaki at namumula, ginawa ko yung back pressure test at hindi ito natitinag sa kanyang posisyon, so i assumed na naglalandi na ito so i contacted someone with a roaming boar pero that day hindi po available yung boar so bale kinabukasan pa nang umaga nakarating. yung nangyari nung ipinasok yung boar sa kulungan nang gilt ko natakot yung gilt at hindi ito nagpasampa. Sabi nang may-ari ng Boar hindi pa raw ready yung gilt sabi niya babalikan nila after 2 days. nang tiningnan ko yung vulva nang gilt ay medyo nawawala na yung pamumula. Nung pagbalik ng Boar after 2 days hindi parin nagpasampa tiningnan ko yung vulva lumiit at wala na ang redness..
Questions:
1) Ibig sabihin po ba doc na lumipas na yung paglalandi nang Gilt kaya hindi nagpasampa?
2) Kung lumipas na yung paglalandi kailan po ba ulit ito maglalandi?
3) Ilang days po ba yung paglalandi nang gilt?
4) Mula sa araw na makitaan nang sign nang redness sa vulva ibig sabihin po ba na kailangan na pasampahan ito agad?
Thanks and More Power Doc!
|
|
|
|
|