Ganito rin po nagyari sa mga biik ko bale 16 days old na po sila mula ipanganak, 3 days na po sila nagtatae, sabi po ng vet samin may empeksyon daw po ung inahin kaya naginject na rin po ng antibiotic, pero po ung biik tuloy po ang painom ng apralyte at ung sa gamot sa pagtatae, pagkatapos po ng biik dumede tuloy na naman po ang pagtatae nila at madilaw po at malabnaw na malansa po dumi nila, kailangan na po ba ito iwalay o kya naman inject na rin ung mga piglets? pero po ung inahin okey naman bale po pang 4 na beses ng nangangak inahin ko pero ngayon lang kami nakaranas ng ganito, kailangan na po ba iwalay ang mga biik o kaya injection na lang muna sa mga biik?
Pag nagkasakit po ba ng mastitis uulit pa po ba ito? kasi kung uulit pa balak namin ibenta na ung inahin, kaya lang nakapanghihinayang kasi magaganda naman ung mga biik bale 12 anak nya 2 lang ang maliit.