Google
Pinoyagribusiness
August 02, 2025, 03:55:07 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: 150 days from birth is the average time you need to sell your pigs for slaughter and it is about 85 kgs on average.
 
  Home Forum Help Search Login Register  
  Show Posts
Pages: 1 ... 3 4 [5] 6
61  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Doc, S.O.S about sa gilt on: February 13, 2011, 06:00:08 PM
share ko lang po ung ginawa sa gilt ko.. ung ginawa po sa gilt ko nung pinasampahan ko po sya take note 1rst time po palng sya pinasampahan!! dapat magaling po ung my ari ng boar kac nung ayaw po magpasampa ung gilt ko tinaliaan po ung ngoso saka pinasakay ung boar saka hinawakan po ung gilt ko ung napasok nya po ng maayus  Grin den after 2 days binalik nila ulit tapos pinasampahan ko ulit un d na po pumapalag kahit d na tatalian nd hahawakan ung gilt ko parang gustog gusto na nya po  Grin ganun pala un sabi ng my ari ng boar once na nakatikim na sya hahanap hanapin na raw nya po  Grin
62  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Flushing in gilts on: February 09, 2011, 09:09:40 PM
tnx po doc more power po sana d kau magsawa sa kakasagot sa tanong ko doc bagohan po kac ako sa business na 2 target ko kac 10 inahin tapos ifafatening ko lahat ng anak nya doc kung aabot ng 100+ na fattening gud souce of income ko na po un for life  Grin
63  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Flushing in gilts on: February 09, 2011, 12:35:36 PM
doc paano po kung dko na iflush ung inahin kac pinasampahan ko kanina doc ung nalagyan na sya..pinapakin ko lang po sya ng breeder 2 kilos a day kukunti po ba magiging anak po pag d na iflush?kac 2nd heat na po sya kahapun kaya pinasampahan ko na po..
64  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Feeds Poll on: February 04, 2011, 08:42:18 PM
sa akin po pigrolac gamit ko mixed with darap 50-50, meron po kac akong 35 head na piglet den nung starter puro ko muna den nung grower na 50-50 na po ung kilos nila meron pong tumimbang ng 105,107,104,109 peru karamihan line of 90 lang po mga 95,97,98,92 ung nagkasalit na dalawa 75-77 lang hay! mga 4 months and 1 week po ang edad nila cguro sa computation ko po nakuha ku naman po 20% na kita ko peru hirap lang mag mix ng darap d na 2 mauulit mag pupuro nalng ako nextime.
65  LIVESTOCKS / SWINE / Re: STANDARD WEIGHT of piglet and fattener on: February 04, 2011, 10:08:23 AM
dapat po 31,928 ang naging profit nyo e kac kung 100kilos sana ang inabot ng baboy nyo 100-76=24
24x104=2496+500 para sa biik na binili u sana ng 2500

all total 2,996x8=23,968+7,960=31,928

pera nalang po kung my loko timbangan ng bumili ng baboy nyo kac kaya mahal kuha nila un pala my loko kilosan nila!

66  LIVESTOCKS / SWINE / Re: STANDARD WEIGHT of piglet and fattener on: February 04, 2011, 08:03:59 AM
sir logi ka talaga kung ang kilos ng baboy mo ay umabot lang sa 70+ sa 4 months and ang mahal pa kuha u ng piglet dapat pag 10 kilos 2500 price nya..sa akin kac sir pag 4 months na ung 10 kilos na piglet umaabot na ng 98-100+ kilos ng baboy ko sir..cguro nagkasakit mga baboy mo sir kaya ganun nalang kilos nila..
67  LIVESTOCKS / SWINE / Re: doc paano malalaman na buntis na ang ang baboy on: February 01, 2011, 08:55:27 PM
tnx po doc..doc my tanong pa ako sabi u po 7 1/2 months dapat ang edad ng inahin na baboy bago e2 pa breed or artifial insemination..since pagkasilang po ba ng baboy me magbibilang ng edad hangang sa mag 7 1/2 months doc? kac kung binili ko po ung biik na 50 days cocount ko po ung 50 days na un doc?
68  LIVESTOCKS / SWINE / doc paano malalaman na buntis na ang ang baboy on: January 25, 2011, 10:37:51 AM
doc paano po malalaman na buntis na ang baboy o nakakuha na?
69  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Masyadong mahal na commercial feeds ,, on: January 20, 2011, 03:18:14 PM
kaya nga po sobrang taas na ng feeds ngaun sana nga po tumaas din presyo ng live weight ng baboy d2 po ilocos pag my 100+ kilos 92 per kilo pag baba sa 100 kilos 90 lang..

baskula kilosan namin para walng daya nasa 5k pataas price nito..
70  LIVESTOCKS / SWINE / Re: PAG-AALAGA NG BIIK MULA PAGKAPANGANAK on: January 18, 2011, 10:08:30 PM
 Grin Grin Grin sayo pla galing 2 doc nakita ko lang sa facebook pati dun pala sikat kau doc Grin
71  LIVESTOCKS / SWINE / PAG-AALAGA NG BIIK MULA PAGKAPANGANAK on: January 18, 2011, 09:33:24 PM
 :)mga sir e2 po share ko sa inyo nakita ko sa internet kung paano magalaga ng baboy  Grin Grin Grin


PAG-AALAGA NG BIIK MULA PAGKAPANGANAK

1.TANONG:
Paano ang pag-aalaga ng biik mula sa pagkapanganak hanggang pagkawalay.
Pati po mga vaccines na itinuturok sa mga piglets? kung kelan pwedeng pakainin?
kung kelan pwedeng paliguan?


1. SAGOT:

Pagkapanganak ng biik:
Una ito ay pinuputulan ng pangil ng ngipin. Ang pagkaputol nito ay sagad.
Ang iba namn ay pinuputol din ang buntot ngunit hindi sagad. Kalimitan
kalahati ang kanilang pinuputol.

Ang pusod ay pinuputol din sa habang hindi dapat sasayad sa lupa ang
natirang kaputol. at ito ay nilalagyan ng disinfectant/betadine/ gamot na pula etc.
Pag abot nito ng 3 araw kailangan bigyan mo ito ng iron injection. Ang bakuna
ay depende kung anong sakit ang pangkaraniwan sa inyong sa iyong lugar.
Kalimitan ibinibigay na bakuna ay hog cholera, mycoplasma, FMD. Ang
pagpapakain ng booster feeds ay pwedeng simulan sa ika 3 o 5 araw ng edad nito.
Ang pagpapaligo kalimitan kung ito ay higgit sa 2 linggo ang edad. Pero kung hindi
naman sila dumihan kahit 1 linggo pagkatapos wlay nalang. Sa araw ng walay ay
pwede nang magbigay ng dewormer at multivitamins.

2.TANONG:
Gusto ko po mag start ng 10 pcs na biik... gusto ko po malaman un pag uumpisa.

2. SAGOT:
Kung nais mong bumili ng kulig dpat ito ay marunong nang kumain o walay na sa
inahin ng 1 linggo o mahigit pa. At dapat alamin mo rin kung ito ay nabakunahan
na at nadeworm

Kalimitan ang pagpresyo ng biik ay maydalawang paraan.

1. pagpresyo alin sunod sa timbang. Ang 10 kg baboy ay maaring mapresyuhan
mula 2000- 2500 at kapag lumagpas dito ang sobrang kilo mula sa 10kg
ay iprepresyo mula 200 pesos hanggang 220 pesos depende din sa prevailing market
price ng baboy.

halimbawa: ang kulig na bibilin nyo ay nasa 11 kg
10 kg = 2,000
1 kg excess = 100
11 kg = 2100 presyo ng 11 kg ng biik

2. Meron naman nagbebenta ng bultuhan ito naman ay bibilin mo ang buong
akayan ng inahin ninya sa isang specific na presyo. halimbawa P1,800.00 kada
biik. Hindi na ito titimbangin. Kung sakaling nakapili ka na dpat ito ay ibiyahe
ng maagang maaga o sa hapon na Para malamig ang pagbiyahe ng iyong biik.
Pagdating ng biik sa iyo wag mo muna pakainin. papahingahin mo muna.
Pagnakapagpahinga na pakainin ito ng konti at mas maganda na bigyan mo na
rin sila ng vitamins sa inumin sa loob ng 3-5 days. Ang dapat na ipakain mo dito
na feeds ay yun pinapakain din ng ipinagbilan mo. Magpalit ka nalang ng feeds
sa susunod na stage ng pakain. halimabawa kung nasa prestarter pa lang ito sa
starter ka na magpalit ng feeds.

3.TANONG:
Ilang feeds ang mauubos ng tatlong baboy mula pag kawalay hanggang sa
pag kabenta ng mga to? kung ilang pre-starter bago ka mag starter tapos
grower hanggang finisher?

3. SAGOT:
Kalimitan po bawat company ay iba iba ang ibinibigay nilang
recommendation. at pwede ka pong makahingi ng brochure sa mga kumpanyang
ito. Pero ang isang practical na approach po kalimitan ibinabase nalang sa per sako.

Halimbawa:
Prestarter= 12.5 kgs
Starter = 50 kgs.
grower = 100 kgs
finisher= 50 kgs,
minsan po kalahating sako o 30 kgs lang napapakain dito dahil pwede nang
pangbenta ito po yung mas mainam na sundan para mdali din pong matantiya
ang presyo ng baboy. ang iba naman ay base sa araw ginagawa bale ito po ay
estimate lang.

0-15 days pagkawalay prestarter
16-45 days= starter
46-99 days= grower
100-120 days= finisher

kung susundan natin ang unang example 212.5 kg x 3 baboy
= 637.5 kgs ang kakainin nito.

Safe sabihin na kakain ng 200kgs ang isang baboy.

4. TANONG:
Okay lang po ipakain sa alagang baboy or biik ang tirang pagkain
na nakukuha sa restuaran or sa fastfood or kanin baboy?

4. SAGOT:
Sa mga kulig ho ay hindi magandang ipakain ang mga tira tirang pagkain sa
dahilang maseselan pa po ang tiyan nito. Ang pagkain ng tira tirang pagkain
ay maaaring maging sanhi ng pagtatae nito. Sa mga grower na baboy naman
ay ayos lang na magpakain nito. Dpat lang na iluto ito ng mabuti upang ang
mga mikrobyo nito ay mamatay. Ang mga baboy na pinapakain ng kanin
baboy ay kalimitan matataba at hindi ganon kabilis lumaki. Pag dating kasi
sa nutrisyon ay hindi ito balanse.

Pagdating kasi sa pagkain masmainam po kasi ang commercial feeds
dahil ito ay masbalanse at akma.

5. TANONG:
sir Jerry, para saan po ba ang amoxicillin trihydrate? pwede bang
pang preventive ito at iineksyon sa mga biik?

5. SAGOT:
If you want a preventive antibiotic go with oral antibiotic unless when there
is already a case inside or near your farm then you could use injectable.

Amoxicillin trihydrate is an antibiotic and it could be used for preventive.
Just check the recomended dose before giving to the animal.

6. TANONG:
Sir Jerry, ask ko lang po kung ilang hours ba makaramdam ng gutom ang
mga bagong panganak na biik?dahil nangyari ito sa inahin ko kung hindi
pa namin pinainum ng gin hindi pa sya kumalma at nahiga,doon na at
naka suck ng milk ang mga biik.Kaso lang lampas na ng 12 hours ng
nakadidi sila. May epekto ba sa kanila ang delayed na ito o d kayay baka
nalipasan sila ng gutom at baka kung ano ang mangyari sa kanila..

6. SAGOT:
Initial reaction ng piglet is to find the source of food/milk mula sa
pagkapanganak. they need the immediate source of energy para din kasi
sa heat production ng kanilang body. HIndi naman detrimental ang hindi
nila pagkakasuso agad as long as the succeding days are makadede sila ng
maayos. Provide brooding materials sa kanilang higaan para di sila lamigin.

7. TANONG:
Kailangan pa po ba magbigay ng booster feeds?

7. SAGOT:
Kalimitan po bawat company ay iba iba ang ibinibigay nilang
recommendation. at pwede ka pong makahingi ng brochure sa mga
kumpanyang ito. Pero ang isang practical na approach po kalimitan
ibinabase nalang sa per sako.

Halimbawa:
Prestarter= 12.5 kgs
Starter= 50 kgs.
grower= 100 kgs
finisher= 50 kgs,

minsan po kalahating sako o 30 kgs lang napapakain dito dahil pwede nang
pangbenta ito po yung mas mainam na sundan para mdali din pong matantiya
ang presyo ng baboy. ang iba naman ay base sa araw ginagawa bale ito po ay
estimate lang.

0-15 days pagkawalay prestarter
16-45 days= starter
46-99 days= grower
100-120 days= finisher

kung susundan natin ang unang example 212.5 kg x 3
baboy= 637.5 kgs ang kakainin nito.

Safe sabihin na kakain ng 200kgs ang isang baboy.

Para masmabilis lumaki ang ANIMAL at mas maging maganda ang development
ng sikmura nito nagbibigay ng booster feeds. Mas inaadvocate ang pagbibigay nito.


8. TANONG:
Ilang araw po kaya magbigay ng booster? Gawa po kasi namin booster feeds
ang pinangsasanay namin habang dumedede pa kulig, nag-shift kami ng pre
start pag walay na, ok lang po ba yon?

8. SAGOT:
Yan ang usuual na procedure. Upang maiwasan ang pagtatae pwede po silang
maghalo ng booster and prestarter a few days before walay. Para masanay na sa
lasa at bituka nila sa prestarter. Dahan dahan i shift nila sa prestarter ang ANIMAL.
72  LIVESTOCKS / SWINE / Re: doc nemo paano po po magpaanak ng inahin na babo pls help.. on: January 18, 2011, 02:01:31 PM
ako ung pinapakain ko as of now habang hinintay ko na mag 8 months is mix ko 1 cav 50 kilos na finisher and 70 kilos na darap total 120 kilos para daw d masyado tumaba ung inahin para mas marami daw maproproduce na biik un ang sabi nila at makakamura kapa kac 5 pesos lang kada kilo ng darap e..
73  LIVESTOCKS / SWINE / Re: doc nemo paano po po magpaanak ng inahin na babo pls help.. on: January 18, 2011, 11:04:24 AM
tnx po doc..pag my pen ako na pang farrowing kahit dko na po ba babantayan mga inahun ko na nanganganak doc? saka paano po kung d na inject ng hog cholera nd mycoplasma ang biik doc ano po pwede mangyari sa kanila paglaki nila? kac po ung iba vitamins lang po nd deworm lang po ang iniinject nila kac mahal daw po ung mycoplasma nd HC doc..
74  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Pagpaligo ng Inahin after Farrowing on: January 17, 2011, 10:58:45 AM
mga sir pwede po bang d paliguan ang patabagin na baboy hangang sa ibenta? o kya once aweek lang paliguan pwede po kaya? kaya sabi kac nila po sa akin 2x a day dapat paligaun ang patabain na baboy para d magkasakit nd madaling tumba totoo po ba un? kaya 2x a day ko po pinapaliguan mga alaga kung baboy..saka pag naaarawan ba cla doc nagkakasakit ba cla? kac namatay ung dalwa kung baboy duda ko naarawan sya saka ko pinaligaun sir..
75  LIVESTOCKS / SWINE / Re: doc nemo paano po po magpaanak ng inahin na babo pls help.. on: January 16, 2011, 07:15:50 PM
doc ano po pala name ng gamot na para sa mycoplasma? wat po name label po nya un doc?
Pages: 1 ... 3 4 [5] 6
< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!