Google
Pinoyagribusiness
March 12, 2025, 07:19:15 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: 150 days from birth is the average time you need to sell your pigs for slaughter and it is about 85 kgs on average.
 
  Home Forum Help Search Login Register  
  Show Posts
Pages: 1 2 3 [4] 5 6 ... 16
46  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Pag aalaga ng inahin on: January 25, 2012, 09:51:41 PM
Doc, ask ko lng po kung may katotohanan po about the ff at ano po reason:

1. Kelangan huwag painumin ung inahin after nakastahan
2. 1st week hindi po pwedeng pakainin ng marami (mga 2.0kg lng po raw)

May isa pa po akong katanungan. May isa akong inahin na hanggang ngaun hindi pa naglalandi. After kasing nakstahan sa supposed 2nd parity nya, hindi na namin nktaang naglandi and hindi rin nmn nanganak after 114 days. 5months na po xa since last nakastahan.  Mataba na xa ngaun, hindi n po ba itong pwedeng gawing inahin and bakit po kaya hindi namin nakitaan na naglandi nung una na hindi xa nakakuha? Ano po recommendation nyo? Thanks.
47  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Prices of Feeds on: January 24, 2012, 07:48:34 PM
Sad news is that may price increase na naman si BMEG this January (+30)! E kaka increase lng nila nung November (+35). In months period +65 ung increase?!!! Can't believe it, halatang sila na... Sila na nga ang nagdidictate ng pricing sa market! I'm changing my feeds na ngaun...

Sa mga BMEG users, ganun rin b ung kwento sa inyo??? Lipat na po tayo sa iba... Di na makatarungan ito, kawawa hog raisers na tlga, di pa tumataas ung lw. Kamote tlga....

Hayz...
48  BUY AND SELL / Agricultural / Re: PIC Camborough Gilts for Sale and slaughter pigs on: January 14, 2012, 02:20:54 AM
Hello mga kuyang...

Nsa business pa po ba itong contant na ito? I'm planning to buy AI semens kc. Ayoko sa Davsaic, walang kwentang mga tao dun after my supposedly first transaction with them. Any other AI centers po kayong mairerecommend? Thanks.

ASP Orange County Farm is selling slaughter pigs and PIC boars and gilts. If anyone is interested, here is the contact information:
ASP Orange County farm, Inc.
Singat Pura, Tarlac, Philippines
09273543927
pascual.aileen@gmail.com
49  LIVESTOCKS / SWINE / Re: bagong silang na biik, nagdudumi na may dugo at nanginginig on: December 19, 2011, 01:45:33 PM
Thanks Kurt for sharing your experience. Tama ka, ung sacrifice ung bantay ko rin ung iniisip ko kc di pwedeng pbayaan mga un. I wont take chances na lng, kuha na lng ako ng pamalit lahi sa batch ko ngaun.

How much po ba benta ng mga inahin ngaun?
50  LIVESTOCKS / SWINE / Re: bagong silang na biik, nagdudumi na may dugo at nanginginig on: December 18, 2011, 12:22:03 PM
Doc,

Update lng po kita. 6 n lng po natira sa anak nung onting gatas na inahin ko. Mga payatot na sila kht lagi silang pinapakain ng booster at faramate. Wala ng gatas tlga kc inahin kht anong gawin namin. Ano pa po ba pwedeng gawin? We're losng hope na and ung mga bantay ko mejo pagod na rin sila, 2 weeks na nilang gngwa pump ng milk and feed sa booster.

Although nagmimilk nmn sila sa lalagyan, kulang pa rin ung nakukuhang nutrients nila compared sa mlk ng inahin. Maganda naman na ung feed ng inahin namin and naghahalo pa kmi ng faramate. Nagtatae pa ung mga biik. Scheduled booster shot ng iron nila. Sana makatulong.

Mga kuyang, share nyo rin kung ano pa possible na pwedeng gawin.
Do you think it's wise to cull ung inahin? Ayoko na kasing magsuffer uli anak nya kung we give it a second chance.
51  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Hog Farm Gate Price on: December 15, 2011, 09:36:47 PM
I hate to say this but makarma na po ung makarma. Greedy is one of the 7 deadly sins.
52  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Hog Farm Gate Price on: December 14, 2011, 05:31:15 PM
Pangasinan 86-90
53  LIVESTOCKS / SWINE / Re: bagong silang na biik, nagdudumi na may dugo at nanginginig on: December 13, 2011, 08:31:30 PM
Thanks Eric for sharing.

@Doc, nabigyan knina ng vitamins 0.4ml kaso nagtatae sila ngaun. Nagccreep feeding na po kmi ng wet prestarter. Ang pnpgawa ko ngaun sa kanila para ma-address ung pagtatae e tripulac sila. May isang biik, ung hinihinala kong bk bibigay last time ngaun mejo ayaw ng dumede. What went wrong kaya doc sa ginawa namin?

Under observation pa rin sila and overnight ngaun. Gaano po kadalas po namin bigyan sila ng prestarter and faramate? Every hour kc namin silang pinapadede then afterwards, prestarter + faramate kc wlang gatas po tlga ang inahin. How frequent po b namin i-aadminister ung prestarter feeding + faramate? Thanks po.
54  LIVESTOCKS / SWINE / Re: bagong silang na biik, nagdudumi na may dugo at nanginginig on: December 12, 2011, 07:33:40 PM
thanks doc.

bukas tuturukan na ng vtamins mga biik. papacreep feeds ko na rin ng prestarter, wala kasi akong booster, pwede na cguro po un then follow-up ko ng faramate. then ung v22 papahalo ko na rin sa feeds nya. padagdag ko na rin ng malunggay. though hinahaluan na rin namin ng faramate ung feeds nya.
55  LIVESTOCKS / SWINE / Re: bagong silang na biik, nagdudumi na may dugo at nanginginig on: December 12, 2011, 10:35:11 AM
Mga Kuyang,

Hingi lng ako ng advise sa isa kong inahin.
 
Umuwi po ako sa farm last weekend para icheck personally mga alaga ko. Ung problematic na inahin ko kpapanganak one week ago. Mataba xang inahin pero ung mga anak na nilabas is mapapayat and ung iba maliliit. 12 lahat nilabas nya, 3 dead na paglabas and ung ibang nabuhay, isa isa na nangangayayat kc wala maxadong gatas ung inahin.

Pinaturukan ko ng penstrep ung inahin pero til now may lagnat p rin. We were thinking na baka may naiwan sa loob pa pero sinabi ng mga tumingin na technician, kung may naiwan pa, ung behavior ng inahin is pahiga higa na lng and dapat pulang pula na katawan nya na parang mapopoison na xa. So di na namin inisip na turukan ng oxytocin. Ang sabi na lng nila is banyosan n lng ng suka w/ water batok, kili kili at singit. Pero ung issue sa milking ability, tlagang onti milk nya raw. Di nmn daw matigas ung mga dede nya kaya hindi na kelangan un oxytocin tlga na pang milk letdown.

Ang worry ko is kung may mabubuhay pa na anak nya kc 2 na ung namatay, 7 n lng natira sa kanila and everytime na dumedede, parang onting onti tlga nkukuha kc payat pa rin sila e.

8 days na nila ngaun doc, nagpabili na rin ako ng milk replacer para ipump after magdede. nagpump rin ako ng 1st pulse sa kanila para makayanan pa nila. Ano pa po ba ung pwede kong gawin sa mga biik ko? Ayaw naman nilang dumede sa ibang inahin, 2hours na nilagay sa kabilang pen, di nmn sila nagdedede dun. Pano po ba tamang paggwa dun?

Thank po.
56  LIVESTOCKS / SWINE / Re: bagong silang na biik, nagdudumi na may dugo at nanginginig on: December 06, 2011, 09:12:35 PM
Doc,

Follow-up question na lng po. May alternative po bng gamot aside sa penstrep para sa mga inahin after manganak?
Thanks.
57  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Dress Weight of Fattener on: December 05, 2011, 10:22:34 PM
Thanks Bernie.
To compare, eto po ung result, let me knwo kung may mali po. You'll earn 3-4k per head more when you sell it sa end customer pla.

1. Selling it as LW
90kg x P90 = P8,100

2. Selling it sa end customer
90kg * 85% = 76.5kg dress wt
Average per kg cost = P160
76.5kg x 160 = P12,240

Additional earnings:  12,240 - 8,100 = 4,140 less slaughter, transpo and other related cost (500) = 3,640
58  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Inquiry regarding when to start giving Breeder feeds on: December 04, 2011, 09:01:58 PM
@Laguna, so kelangan po na piliin agad ung gagawing gilt? Di kaya mejo may disadvantage un in case na nsa grower stage xa e nakitaan ng sakit or mahina pla lumaki? Db 2x ung pag pili ng gagawing inahin, una ung early stage kung kakitaan na xa agand ng magandang lahi, 2nd is kapag nsa 5th month na xa?

Ano ba meron sa gilt developer na wala sa grower? Ok rin ba ung Premiun Feeds? Anong mga products meron ba sila?
59  LIVESTOCKS / SWINE / Re: bagong silang na biik, nagdudumi na may dugo at nanginginig on: December 04, 2011, 08:17:44 PM
Mga Kuyang, follow ko lng ung topic dito. May reaction ba sa biik kapag sobra/kulang ung iron? Ksama po ba doon ang panginginig?

Ung alaga ko pong may pilay, di na po naagapan, dedo na rin. Ang mali na napansin ko is ung iron tinuloy pa rin xang nainjekan kht di na xa madaxo nagdedede. Dapat sana pinadelay ko na lng or ung dosage onti lng sana kc dagdag stress ung injection. Anyways, lessons learned na rin sa amin.

May on the way na manganganak tonight, tpos na ung 2 kong inahin, tig-9 po ung anak nila. Then ung sa bayaw ko, 8 nmn. Hopefully all is well para makabawi nmn kmi pagdating ng may next year, bago bumagsak ung prices. =)
60  LIVESTOCKS / SWINE / Dress Weight of Fattener on: December 04, 2011, 08:09:07 PM
Mga Kuyang,

Sa sobrang baba ng lw ngaun, I'm planning have a stall na lng sa wet market. Per before that I'd like to know the dress weight ng 90kg lw fattener, ilang % usually ung naaalis after slaughter? Aside sa cost ng stall and permits, ano pa po dapat kong iconsider?

Thanks.
Pages: 1 2 3 [4] 5 6 ... 16
< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!