good pm doc nemo,
last 15 may namganak po ang sow ko pang 3rd parity nya 8 po ang lumabas at ang last 2 na lumabas ay mummified na po,ang first 4 ok po normal po ang last 2 po ay malambot ang kalahiting katawan piro buhay po,tapos po nong 8 lumabas na po ang inunan ng sow kaaya kampanti na po kami at malakas naman ang sow,kahapon po ng tanghali hindi na po lumalabas ang gatas sa didi ng inahin kaya maingay ang mga piglets kaya po ang first aid na ginawa namin is hot compress ang didi ng inahin baka sakali sa lamig lang ng panahon dahil sa ulan,piro wala talaga po at nag ka lagnat na ang sow pina inject po namin ng pang relis ng gatas until nang umaga na pag babantay ay wala talaga po kaya pina didi namin ang 6 piglets sa kabilang sow na my 9 na piglets at 20 days age nila ok naman piro mahirap po at nag inject kami ng iron sa piglets on there 3rd day po,until nag hihina na ang sow napilitan kaming katayin kasya lang mamatay sayang diin po,pag biak po ng tyan ng sow my 10 mummified pala po na hindi nailuwal ng sow kaya siguro po yon ang cause ng infection at pang hihina ng sow.
doc remember po na last last month nag ask ako sa iyo kong ano po ang effect dahil po nag ka lindol sa amin that time na nasa 3 weeks pregnant po sya,kasi po sa kasabihan kasi dito sa amin pag ang sow ay buntis in early stage malamang ma kunan or mummified po ang lalabas at my sumagot po sa post ko na sabi nila sa japan mga raw lagi my lindo wala namang news about my concerned.kaya na post ko po ulit mgayon if ever tama po ang sabi ng nag reply sa post ko na kalokohan daw,paki korik nalang po ako sana mali ang kasabihan dito sa amin but again doc ano po ang masabi mo about sa case na ito parang kalokohan lang po ba or coincidence ang nangyari sa sow ko.
walal po kasing eksaktong scientific basis ito, ang possible lang na xplanation during paglindol ay nastress sila ng husto and ito ang nakaapekto sa animals. Personally, yun first time ko nakaramdam ng lindol ay sobrang takot ako, siguro ang blood pressure ko ay sobrang taas to the point na pwede na akong atakihin sa puso. imagining nyo na lang ang feeling ng animal na nakaconfine na at lumilindol, ala siyang mapupuntahan.
we have to consider din i nun time na nagbubuntis siya onward ay summer possible na ito ay magcause din ng mummified sa inyo farm at sa mga karatig na farm.