Google
Pinoyagribusiness
December 23, 2024, 03:38:33 AM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: A sow will farrow in approximately 114 days.
 
  Home Forum Help Search Login Register  
  Show Posts
Pages: 1 [2] 3 4 5
16  LIVESTOCKS / SWINE / Re: My Jr Boar has mated first time on: September 28, 2009, 10:42:59 AM
1st issue; better na 8 months mo na siya gamitin. Kung baga sa tao kasi binatilyo pa lang siya at using him early might shorten his productive life at the same time hindi pa ganun kaganda ang kanyang sperm count and motility. Aside for the fact pa na medyo maliit siya kung para sa mga sasampahan niya.


2nd issue
Yup, unhealthy animal will produce not so motile sperm or lesser sperm count. Ang concern lang dyan is if makahawa siya sa ibang animal sa farm mo.

3rd issue
it still okay. 10-12 ang magandang dami but 9 is still acceptable. ska once plang naman siya bumaba ng double figure so it is not alarming pa.


thanks doc sa advice. as of now gipit din kase ako sa pagpa-ai kaya naisip ko kung pwede kong isalang kahit sa 1 o 2 kong gilts na sinlaki rin nya. mabuntis kaya? anyone tried that? kung binatilyo parang si Katorse hehehe!

2nd doc, ung nanganak ng 9 na piglets, namatay pa ung isa so 8 na lang- not acceptable at all hehehe!, ika-5days na nya ngayong nagpapadede pero parang hinahapo ang paghinga nya. ano pong cause nito? during delivery ininject ko sya ng 50ml CBG pero wala ng antibiotic. malakas naman syang kumain. yon nga lang pagnakahiga o natutulog ang lakas ng paghinga nya, parang hinahalhal kala mo banas na banas e umuulan naman hehehe! anong gamot po dito?

3rd.
nagtira ako ng 20 piglets para ifattener ko. normal injectibles po na binigay ko ay iron jectran, bexan sp at lastly vaccine anti-hog cholera. since fmd-free kami dito sa oriental mindoro, ok lang po ba na di na rin ako magvaccine ng anti-hog cholera? pati sa mga naout kong piglets, nagskip ako sa vaccination. ok pa rin kaya paglaki nito?

4th.
sa pagwawalay doc i always encounter scouring sa piglets, always like a week bago mabuo ang dumi nila. wala akong elevated flooring kaya sa semento sila but meron akong malapad na tabla na higaan nila. malinis naman ang kulungan nila dahil ako mismo ang nagbubrush pa ng pen nila. so i would blame sa shifting cguro ng feed from pagsuso sa pre-starter. any system para mamaintain solid ang pagdumi nila? paghahalo ng aphralyte & aquadox doesn't work at all.

5th.
ung isang sow ko naka 5 parity na 11-12-12-11-15. ung first 4 parity ay good results kahit me bansot 2-3 per parity ok lang. nitong huling anak nya na 15 piglets lahat ay maliliit at 4 lang ang malalaki, namatay pa 3 dahil talagang size na ng kuting. f1 duroc pietrain ang lahi nya, ginamit kong boar ay duroc. ung first 4 parity ay mga white boars (landrace at largewhite) ang ginamit ko sa kanya. nagiisip ako kung nagmissmatch ba sa pairing nitong huli or sadya kayang pumapangit na ba ang anak nito since nakakalimang parity na? any advice kung iccull na ba or another chance. ngayon kc kawawalay ko lang ng mga biik nya, can't decide kung anong maganda gawin.

6th.
napansin ko sa piggery ko parang may surot. madampi lang balat mo sa semento parang makati na kagat ng surot. kaya kayang patayin ng major D ito? pwede rin kayang iispray direct sa baboy ito. kase tingin ko kamot din ng kamot mga ito e.

sorry doc dami ng tanong ko hehehe! kinompress ko na para isang posting lang.
17  LIVESTOCKS / SWINE / Re: My Jr Boar has mated first time on: September 28, 2009, 10:34:04 AM
reghis, pwede but not too long na maexpose. ginawa ko yan before almost a week pero ng time ng kastahan aayaw ng sumampa ng boar ko. nanawa na siguro sa katabi at laging nakikita. now, i only expose my boar 15 minutes or half hour sa harapan ng gestation pen parang nagmamartsa pabalik pabalik ung boar parang modelo ba at tulo laway naman mga sows hehehe! then balik sya sa pen nya na 3 meters away at tinakluban ko sako ang side nya para di nya nakikita ung mga sows ko. it works. kya paglabas ng bulugan gigil na gigil itong bumulog. likewise, the same effect sa sows, maeexcite sila pag may dumadalaw na bulugan at pumaparada sa harapan nila.
18  LIVESTOCKS / SWINE / My Jr Boar has mated first time on: September 26, 2009, 09:36:08 PM
1st issue:
doc as of today my 5 month & 1 week old boar ay unang bumulog sa gilt ko na trueheat. my intension was only as teaser boar. pero ng ilapit ko sa gilt ko na trueheat sumampa ito and whooolllllaaaaa! pasok! ang tanong ko is, most of us here believe that maturity is 8 months old. makakabuntis na kaya ito? stable kaya ang semilya nito? na-ai na ung gilt ko na yon kahapon, in heat pa rin kaya jackpot si jr boar, agressive na it seems. ok na ba syang gamitin sa ibang sow ko para di na ako komontak ng AI pa. pls advice po.

2nd issue:
itong jr boar na to ay binili ko ng 2 months old pa sya. napansin ko non na inuubo na sabi ng binilhan ko vetracin lang daw matatanggal na. but til now na jr boar na sya meron pa rin ung pag-uubo nya. at pag inilalakad ko madali syang mahapo.dinig mo talaga ang paghinga nya. malusog naman sya at mabilis lumaki. makakaapekto ba ito sa mga magiging anak nya o sa performance nya as ganador? i think etong ubo na eto ay well spread sa farm na nakuhanan ko dahil ung kapatid nya ay inuubo din na parang me hika na naidispose ko na kamakailan.

3rd issue:
ung sow ko doc naka-third parity na 8-12-9. nagulat lang ako y sa 3rd parity 9 na lang. should i cull it? may chance kaya na tataas ito o tyamba lang ung 12piglets last time.... pls help.
19  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Using Duroc Boar on: February 24, 2009, 10:51:48 PM
ganon po ba. meron naman po akong isa pang sow na hinihintay farrowing date this march. F1 duroc-pietrain  po ung sow then the same boar po ung ginamit ko na duroc. possible na ba dito ang may mga kulay?salamat po ng marami
20  LIVESTOCKS / SWINE / Using Duroc Boar on: February 23, 2009, 07:47:12 PM
doc nemo, gumamit ako ng duroc boar (reddish brown) over sa landrace sow ko. ng manganak ang sow ko puro puting biik ang lumabas. nirentahan ko lang po ung duroc boar sa magbubulog. im just curios kase expected ko me kulay ang mga biik at least dotted man lang. normal lang ba ang ganito o mahinang duroc ang narent ko? any idea doc?
21  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Breeding 101 on: December 06, 2008, 01:33:44 PM
i see now. mahirap kase ung design ng piggery ko coz of the location. maburol sya kaya ung ibang crate na lilipatan ay nasa itaas na parte kumbaga first floor and second floor, wala naman syang hagdanan kundi slant na daanan lamang. takot ang baboy pababa so kind of need to apply force to it.siguro ilipat lahat ng crate sa the same elevation na lang.
22  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: GONADIN AND PG-600 on: December 06, 2008, 01:27:21 PM
yes indeed! thanks doc.
23  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: GONADIN AND PG-600 on: December 04, 2008, 09:08:44 PM
hi doc,
successful ang heat ng sow ko after 2 days of injecting gonadin 250. breed po nya is largewhite and i used landrace boar. and pinaulitan ko sya the next morning ng largewhite boar thinking na it is not normal heat, so kung me nabuo man sa unang boar, maiincrease pa rin ba ito by pagpapabulog on the next morning? is it bad using different boars - landrace & largewhite boars? i did this coz of my doubt na when you use gonadin kukunti ang magiging anak nito. thanks po.....
24  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: Breeding 101 on: December 04, 2008, 08:47:22 PM
good day to you doc,

ngayon po kase inilipat namin ng crate ang mga inahin namin sa farrowing crate from gestation crate. one month pregnant na po  ang mga ito. kulang po kase kami sa gestating crate kaya inililipat namin ng maaga sa farrowing. it was very stressful para sa inahin dahil we need na hatakin pataatras ang mga ito. ang worry ko lang po sa ganitong first month of pregnancy, posibleng pa rin po bang makunan ang mga ito? is there any technique ng paglipat ng inahin na hindi masyadong stressful na kailangan takpan ng sako ang ulo nito at hatakin sa buntot paatras? salamat po ulit.
25  LIVESTOCKS / BREEDING / Re: PAGLALANDI NG SOW on: November 30, 2008, 09:48:17 PM
there is no hope for my sow. i waited for 3o days na mangandi ito ng normal pero time waited has gone to waste. only today i was forced to inject gonadin 250. i will use the same boar na nakapagproduce ng 13biik sa isa kong sow. i hope na normal pa rin ang semilya sa sow ko since it is forced to heat. Sad doc do u have any idea about water med, NUTRILYTE? does it help?
26  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Pag aalaga ng inahin on: November 30, 2008, 10:00:09 AM
i see. now i know why hinihintay till 8 months old. sa backyard farm naman kase according sa mga magbubulog mas maliliit pa raw ang pinabubulugan nila. well that's phedophilia... Cheesy Grin Grin and now doc im shifting from grower to breeder na since its already 6 months.
27  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Gilt and Sow Management on: November 29, 2008, 09:40:15 PM
doc binibigyan ko ng CECICAL ang sow ko since it says there Vitamins ADE.my target is para maglandi kaagad ito, my problem kase doc e 30 days na ito from walay sa biik at di pa rin ito naglalandi. im scared naman na gumamit ng GONADIN baka iilan lang ang maging anak nito. ano po ang mabisa o good brand for vitamin ADE na ang target ay paglandiin ang inahin?
28  LIVESTOCKS / SWINE / Re: Pag aalaga ng inahin on: November 29, 2008, 10:29:14 AM
ah thats good to hear maybe GONADIN is good for timing-para mapagsabay sabay ang sows to mate (just a thought Smiley ).. one more thing doc, nasabi nyo po na dapat ipabulog ang isang dumalaga pag 8 months old na to. pero one of my gilt ay nangandi na in her 6months old-2x na naglandi maybe 90-100kg na sya.so ipinabulog ko na po. meron po bang disadvantage ito? meron naman po akong 2 pang gilts (different race) the same age as her pero di pa sya naglalandi. can i use GONADIN for these two?
29  LIVESTOCKS / SWINE / Re: TUMATAAS/BUMABABA ANG PRESYO NG BABOY on: November 29, 2008, 10:20:35 AM
too bad for hog raisers. feeds are not getting cheaper instead monthly tumataas ng 10pesos. thanks doc for the information.
30  LIVESTOCKS / SWINE / Re: SAKIT NG BIIK on: November 28, 2008, 09:43:11 PM
doc tanong ko nakakahawa ba to sa ibang piglets? sa ngaun po isa sa isang batch ang nagkakaroon nito... ano po ang tawag sa sakit na kanito?
Pages: 1 [2] 3 4 5
< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!