Google
Pinoyagribusiness
August 20, 2025, 11:04:47 PM *
Welcome, Guest. Please login or register.

Login with username, password and session length
affordable vet products
News: 150 days from birth is the average time you need to sell your pigs for slaughter and it is about 85 kgs on average.
 
  Home Forum Help Search Login Register  
  Show Posts
Pages: 1 [2]
16  LIVESTOCKS / SWINE / Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo on: May 13, 2011, 07:29:12 PM
naku, sana nga po doc, di ito dysentery. actually 26 po lahat yun baboy ko na yun na tinamaan. halos same age po sila and 6 na po ang namatay since saturday. nakakalungkot nga po ero wala naman akong magawa. nag inject po kami ng oxytet before po ako nag consult sa inyo but it seems wala pong epekto. wala po kaming mabilhan dito ng tiamulin and ang sabi po ng binilhan namin eh baka daw po tge un o clostridial disease ba yun so nagsuggest po sya ng tylosin na injectable at amoxicillin sa tubig. sana po eh makuha dun   Cry
17  LIVESTOCKS / SWINE / Re: baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo on: May 10, 2011, 09:09:16 PM
Yes doc salamat po. My mali po pla sa title ko. It should be NAGSUSUKA AT NAGTATAE NA MAY DUGO. anyway thanks so much doc. Could it be due to dysentery o may iba pa pong cause?
18  LIVESTOCKS / SWINE / baboy na nagtatae at nagsusuka ng dugo on: May 10, 2011, 08:27:16 PM
doc may problem po ako. nagtatae po at nagsusuka yung baboy ko. around 35 kgs na po sya. ano po kaya ang sakit nya at ano po mabuting gamot na mabigay. salamat po    Lips sealed
19  LIVESTOCKS / SWINE / Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy? on: May 08, 2011, 09:03:45 PM
salamat sir. actualy, mukhang maganda nga yung "no wash pig technology" although dito samin sa batangas eh wala pa akong nakikitang ganun pero gusto ko din sya itry. biogas po is mejo magastos. konti pa lang naman po ang mga baboy ko sa ngaun. 

yes sir. chronic as in hindi nawawala pero ok naman po ang kain nila. nabansot nga lang po ang paglaki nila
20  LIVESTOCKS / SWINE / Re: pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy? on: May 08, 2011, 10:57:53 AM
saka po pala yung fatteners namin may chronic diarrhea. since nabili namin sya, around 40 days ago, nagtatae na po sya. ok naman po ang kain nya. although bansot po sila. ano po kayang maganda dito? actually di ko talaga sure kung nagtatae po sila o wet stool lang. pano po ba madifferentiate yung 2. salamat po sa magrereply at magbibigay ng inputs
21  LIVESTOCKS / SWINE / pano mawala 0 ma minimize yung amoy sa dumi ng baboy? on: May 08, 2011, 10:41:05 AM
mga kababuyan, meron po ba kayong alam para di gaanong mangamoy ang dumi ng baboy. medyo nakakahiya na rin kasi sa kapitbahay lalo na  kung basa ito. bukod sa maamoy eh malangaw pa. salamat po.
22  LIVESTOCKS / SWINE / Re: sudden death in fatteners on: May 01, 2011, 05:48:46 PM
Salamat po doc nemo at sa iba pang nagbigay ng insights nila. Hopefully eh  mapatigil na ang pagkamatay ng mga baboy ko. Ngaun ko po napatunayan ang kahalagan ng bakuna at ng booster shot sa kanila. Mas malaki ang loss. So ituloy ko na lang po ang amox and electrolytes sa mga baboy. Salamat po ulit ng madami sa inyo.
23  LIVESTOCKS / SWINE / Re: sudden death in fatteners on: May 01, 2011, 06:33:37 AM
Hi sir good day. Di na po kmi nakapag booster ng hcv. Posible po kayang yun po ang dahilan kya po sila nagkahaganun? Nun tingnan ko po amg dumi nila meron pong iba na tubig na may halong mais na di natunaw. Meron din naman pong iba na dark yung kulay na masangsang ang amoy.
24  LIVESTOCKS / SWINE / sudden death in fatteners on: April 30, 2011, 06:23:30 PM
Dear doc nemo,
May i ask. May problem po kasi kami sa aming mga growers. Biglaan po silang namamatay ng walang ibang signs kundi pagtatae at nag uube ang balat nila and ang bilis ng kanilang pagkamatay. Kagaya po tuesday, isa sa fatteners ko nagtae then nakita na lang namin na patay na sya kinabukasan. Ganun din po ang nangyari sa 3 pa naming fatteners. Bale apat na po sa kanila ang namatay na. Inisip ko po posibleng hog cholera pero nag vaccinate naman po kami saka ang alam ko po sa hog cholera eh 100% ang mortality nya pero yung 6 ko pang baboy na kasama nila sa kulungan eh naka recover naman po. Ano po kaya tumama sa baboy ko doc. I already tried oxytet at tiamulin pero wala pong epekto. Dun sa amox po sila medyo gumaling. Sana po ay may makatulong sakin. Around 25 kilos po pala ang baboy namin na tinamaan. Salamat po sa makakatulong at sa inyo po doc. 
25  LIVESTOCKS / POULTRY / Re: antibiotics for layers with declining production rate? on: April 20, 2011, 07:34:33 PM
thanks for your reply doc. so you think it is still safe to give antibiotics for layers kahit may withdrawal period? i mean what could be the possible effect sa consumers? we've tried amox po and acidifier and hopefully tumaas po ang productivity nila
26  LIVESTOCKS / POULTRY / antibiotics for layers with declining production rate? on: April 17, 2011, 08:25:54 PM
Hi doc nemo. Magandang gabi po. Gusto ko lang po sanang ikonsulta yung layers namin. Sa ngayon po eb meron kaming paitlugin na nasa humigit kumulang 800 ang bilang. Ang prolema po eh medyo bumaba ang production nila pag pasok ng March. Napansin ko din po ang maputla nilang palong saka yung puwitan nila nparang nagdudumi sila. Maputi po ito. Nag search po ako sa internet at aking napagalaman na posibleng pollurum disease ang tumama dito. Meron po ba kayong maipapayo na antibiotics para dito na hindi maapektuhan ang itlog nila o yung tinatawag na withdrawal period kung baga pwede p rin po iconsume ang itlog kahit na sila ay binigyan ko ng antibiotiko. Salamat po ng marami doc nemo at more power. Sana po ay masagot nyo ang aking katanungan.
Pages: 1 [2]
< >

Privacy Policy
Powered by MySQL Powered by PHP Powered by SMF 1.1.3 | SMF © 2006-2008, Simple Machines LLC
TinyPortal v0.9.8 © Bloc
Valid XHTML 1.0! Valid CSS!