Show Posts
|
|
Pages: 1 [2]
|
|
16
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: Feeds Poll
|
on: June 09, 2012, 09:13:44 PM
|
|
Sir laguna_piglets Tama po kayo, dun sa Don Luis, San Jose Batangas..
Sir up_n_und3r Hindi ko po alam ang sagot sa tanung nyo regarding kung me distributor sila sa Pangasinan.. Paki contact nalang po sila at sila po ang mismong makakasagot sa katanungan nyo.. White Gold Feed Mills, Don Luis, San Jose Batangas, Tel: (043)726-2174/(043)726-2809..
|
|
|
|
|
17
|
LIVESTOCKS / SWINE / Meron kayung Design ng ANAKAN?
|
on: June 09, 2012, 09:01:55 PM
|
|
Meron kayung Design ng ANAKAN? na LIBRE or Baka po Pwede paki post ng picture ng Anakan ng Babuy nyo?...
namomroblema kase ako mga sir/mam nag kulang yung paanakan ko, winarningan nko nung consultant namin before pero hindi ko inaksyunan kagad kse gastos na naman saka hindi naman nangyari before na magkulang yung anakan namin.. eh ngayun ho eh sa pen ng fatener na anak yung inahin eh sablay po at me naiipit na biik eh yung anakan naman namin eh medyo antigo na ang design kaya nag hahanap po sana ako ng design na simple lang at mura at kayang gawin ng mga regular na karpintero at welder.. kahit po yung Fixed lang kse naririnig ko ho eh ang uso raw ngayun eh yung movable eh nung nagtanung ako hinihingi skin 22000 eh pagkamahal naman ho nun! dagdagan ko nlang ho ng konti yun at makakabili nko ng disenteng barako.. hehe..
|
|
|
|
|
18
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: vaccination program
|
on: June 09, 2012, 08:46:13 PM
|
|
Sir Gamit ko po na vaccine sa bagong anak na Biik eh RESVAC na 5in1.. Okay ba sir yun? kase para sana isang bakunahan nalang..
|
|
|
|
|
19
|
LIVESTOCKS / POULTRY / Re: Starting a paultry business need help
|
on: June 09, 2012, 08:44:00 PM
|
Sir, family ko meron parehas pro napakaliit lang ng operation... sa tanung na alin ang mas maganda 45days or egg laying.. parehas naman pong maganda BASTA meron kayung BUYER ng inyong produkto, pag wala eh ang consequence po pag 45days eh mag ooversize ang manok at malugi kayo sa feeds pag egg laying eh maari kayung mabulukan ng itlog.. AT tanungin nyo po sarili nyo.. "GUSTO ko ba ng PERA araw araw?" or "GUSTO ko eh MAPABALIK Kagad yung Capital na Ginastos ko?" pag ang sagot nyo eh gusto nyo ng Pera araw araw eh EGG Laying po, sapagkat ang manok naitlog araw araw at pwede nyo ibenta yung itlog araw araw PERO kung gusto nyo kagad mapabalik yung ginastos nyong capital eh 45days nalang po sapagkat pag nabenta nyo yung mga manok eh mapapabalik kagad yung perang capital nyo at makikita nyo kagad kung kumita or nalugi kayo... Yun lang po, GOOD LUCK PO! 
|
|
|
|
|
20
|
LIVESTOCKS / POULTRY / Re: ECC
|
on: June 09, 2012, 08:31:59 PM
|
|
depende po sa dami ng inyung aalagaang manok.. exempted po kase yung kakaunti lang... paki check nalang po sa DENR o baka po me mga kasama tayo dito na alam ang bilang ng alagang manok para ma required ng DENR ng ECC..
|
|
|
|
|
21
|
LIVESTOCKS / POULTRY / Re: Poultry w/ Goats
|
on: June 09, 2012, 08:28:48 PM
|
|
Sir hindi ako expert pero base po sa experience ko eh kung nakakulong naman po yung manok eh walang problema.. kung nakagala yung manok at yung kambing eh nakagala rin eh wala rin pong problema pro gawan nyo po sana ng itlugan/limliman yung manok, kumbaga tub or gulong or bayong na bilog na nabibili sa palengke..
ang sakin lang po eh wag nyong masamahan ng aso.. kung me aso po eh ilagay nyo yung itlugan sa mataas na lugar yung abot ng manok pero hindi abot ng aso.. ang experience po kase namin sa gala na aso eh kinakain nya yung mga itlog, pag po umalis yung nalimlim eh dun nya kakainin.. pro kelan man ho eh hindi ko naman nakita at na experience na yung kambing ang babasag at kakainin yung mga itlog..
|
|
|
|
|
22
|
BUY AND SELL / Agricultural / Re: day old chicken supplier
|
on: April 12, 2012, 03:13:54 PM
|
|
Sa Batangas Area po.. Pag po gusto nyo Sisiw ng ROBINA Farms eh PM nyo po ako at BAKA (wala pong kasiguraduhan) ako po ay makatulong.. Minimum order po eh 2000 heads.. at delivery po sa lugar nyo eh baka me delivery charge (mahal po kase ng krudo.. hehe)..
psensya napo sa minimum order na 2000 heads bwisit eh gusto nila maramihan!.. hindi gaya ng minerva na nag dedeliver kahit 300 heads lang!
|
|
|
|
|
23
|
LIVESTOCKS / CATTLE, CARABAO, GOAT & SHEEP / Re: msma b pgsamahin ang kambing at pabo?
|
on: April 12, 2012, 03:05:58 PM
|
|
Gano ga po kaliit ang lugar nyo? kase yung samin po eh mag kakasaman silang lahat as in kambing, baka, pabo, bibe, gansa, aso, manok na tagalog, daga at yung manok na lalaking napalahok sa layers na yun palay lalaki, samantalang ang manok na sasabungin eh nasa lugar pero nakatali naman.. yun ho sama sama.. gala ho, wala hong paki alaman ang mga hayup na yun sa isa't isa.. at hindi ho kalakihan yung samin, sa pag galaw ho ng mga yon eh walang oras na lilipas na hindi mag kakasalubong ang mga hayup na yun.. ang siste nga ho eh pagkatapos kumain ng baka sa hapon eh kusang pupunta ang kambing at mga sa bibe sa kainan ng baka at sila ang sisimot..
wala ho akong alam sa pag dating sa ipot.. suggest ko nalang ho na tutal maipot ang kambing pro matigas at mala bato naman ang tae nila eh paki walis tingting nalang po para sigurado..
|
|
|
|
|
24
|
LIVESTOCKS / POULTRY / Bagsakan ng Itlog?
|
on: April 12, 2012, 02:49:35 PM
|
|
Maka hingi nga po ng tulung.. Batangas Area po ako.. Baka naman po me alam kayo kung san ang dalahan ng mga itlog? or baka po me kakilala po kayo na mamimili ng itlog? ang daily average po ng production eh 20 to 25 egg trays.. hindi naman po kalakihan..
Paki email nalang po sa me_tanung@yahoo.com kung meron po kayong maiitulong.. salamat po..
|
|
|
|
|
26
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: Swine Survey
|
on: April 12, 2012, 02:24:02 PM
|
|
Ay ayaw ko pong ma survey!? Hahaha!.. honestly po ayaw ko baka me sabihin silang mga violation ko at pag bayarin pko ng mga multa.. eh sa hirap kumita ng mga mag bababuy ngayun eh the last thing i need po is another expenses! hehe...
yun po kaseng importation dapat naman po kaseng ipinag babawal, ang siste po eh hindi naman po nauubusan ng babuy na binebenta sa mga palengke kaya wala pong rason na nag kakaubusan ng baboy.. meron pong party list ang mga magbababuy na naka upo sa kongreso at ang kongreso po isa sa mga gumagawa ng batas sa ating bansa.. opo me mga ginagawa naman si congressman pero sana naman po eh gumawa sya ng batas na ipinagbabawal ang pag import ng babuy at ng anumang agricultural product na kaya namang sustentuhan ng mga tao ng ating bansa.. at sana sa batas na yun eh gumawa ng taluntunin kung pano ba talaga madedeterma na nag kukulang ng supply ang bansa ng isang produkto para naman hindi haka haka o sabi sabi lang na kulang ang supply sa ating bansa..
|
|
|
|
|
27
|
LIVESTOCKS / SWINE / Re: Feeds Poll
|
on: April 12, 2012, 02:12:40 PM
|
|
Mga Sir/Mam.. Batangas Area po ako.. Gamit po namin sa Farm eh White Gold Feeds po.. so far okay naman po.. The feed brand po eh is not that well known since the feed mills only sells it's feeds to a very few people who co-owns the corporation thou me mabibili po sa mga tindahan at pwede po kayung maging rider nung few people na makakabili directly sa feed mill...
Before po ang gamit naming feeds eh Lucky4A kaya yun po ang boto ko.. Maganda Po ang feeds ng lucky 4A.. kung kelangan po ako mag palit ng pakain eh yun po ang ibibigay ko.. sa ngayun po eh after 1 week ng biik eh tinuturuan npo naming kumain at ang binibigay po namin eh Milk Gold ng Belman Laboratory or yung sa Lucky 4A Piggy Booster Crumblets.. tapos pag mag pre starter nko hanggang matapos eh white gold feeds napo..
|
|
|
|
|
28
|
LIVESTOCKS / POULTRY / Looking for Parent Stock
|
on: November 20, 2009, 09:03:37 AM
|
|
hi i'm from Batangas Area... i would like to ask where to buy Broiler Parent Stock?
My family buys day old chicks and sell/retail them at our store but were having a hard time finding suppliers, so i was thinking maybe i could start small number of parent stock to breed and buys my own little incubator..
do you happen to know a supplier of parent stock? or even a supplier of day old chicks (sisiw)...
thanks
|
|
|
|
|
29
|
LIVESTOCKS / POULTRY / Re: Raising Ostrich in the Philippines:
|
on: November 20, 2009, 08:56:55 AM
|
|
hello... before i was thinking about raising ostrich like maybe 2 to 3 heads just for fun... but i hesitated and decided no because i was thinking were i would bring or sell the ostrich if their too big already and ready to be sold.. so i was kinda wondering is there a market for ostrich here in the philippines i mean for backyard raisers like 1 to 3 heads only... or most supermarkets or restaurants that buy ostriche meat buys only to those large farms with higher number of ostrich?
|
|
|
|
|
|