123
|
LIVESTOCKS / FEED FORMULATION / Re: FERMENTED FEEDS
|
on: October 17, 2009, 10:07:36 PM
|
Thank You for your advises Sir. I'm getting my feeds from our cooperative (CAFFMACO), which Im a member. So far, Ok naman ang performance ng mga feeds. sir,
konti konti lang po muna para di mabigla at masanay...anu po feeds gamit nyo kamusta naman po performance
Thanks po
|
|
|
124
|
LIVESTOCKS / FEED FORMULATION / Re: FERMENTED FEEDS
|
on: October 16, 2009, 10:40:03 PM
|
sir,
pagkakaalam ko po pagpanis or sira yung feeds di kakainin ng baboy, minsan akala natin panis or sira yung feeds na fenerment kasi maasim yung amoy pero yun po talaga ang nangyayari pag binabad yung feeds dapat maasimasim na manamis namis yung amoy or yung pagkaasim nya ay di dapat parang amoy panis
advise nila dapat daw non-medicated or non-atibiotic yung feeds na gagamitin nyo para malaman nyo kong ok yung feeds na gagamitin nyo I suggest na try nyo muna in a small amount ng feeds let say 1 cup muna nyo itry pag ok saka kayo magferment ng madami
sa ratio advise nila ay 3:1 kong tabo ang gamit nyo ay 3 tabong tubig sa 1 tabong feeds ang pagbabad ay overnite pwede din 4-6 hours prior pakain mix nyo mabuti bago nyo ipakain kasi naiiwan sa ilalaim yung feeds minsan akala mo matubig pero yun talaga ang tamang dami
Many Thanks for Your Advise, Sir. Subukan ko nga ito using pre-starter, starter at growers.
ito ang dapat nyong observe at compare nyo
bilis at dami ng nakakain sa fermented vs sa non ferment yung kanilang dumi sa ferment vs sa non ferment gana sa pagkain sa ferment vs non ferment inilalaki nila sa ferment vs non ferment dami ng nauubos na feeds sa ferment vs non ferment pagmay natitira ba ay binabalikan ba nila para ubusin sa ferment vs non ferment
|
|
|
125
|
LIVESTOCKS / FEED FORMULATION / Re: FERMENTED FEEDS
|
on: October 14, 2009, 09:42:35 PM
|
I will try this fermented feeding on my fatteners. Pero Doc, what if mapanis ito at makain ng baboy? Maka apekto kaya sa health ng baboy ? Mag ilang oras o araw ba dapat ibabad sa tubig at papaano ang ratio ng tubig at feeds ? Salamat.
|
|
|
126
|
LIVESTOCKS / FEED FORMULATION / FERMENTED FEEDS
|
on: October 14, 2009, 01:24:42 PM
|
Hi Doc, What is the difference between the fermented feeds and wet feeding in swine ? I read on the other forum that they mix water on feeds and called this as fermented feeds. Is this fermented feeds have advantages than wet feeding ? Thanks.
|
|
|
128
|
LIVESTOCKS / BREEDING / Re: NAPIPILAY NA INAHIN
|
on: September 22, 2009, 09:53:01 PM
|
Hi Doc, Buhay ang 4 piglets na less than 1kg ng ipinanganak. Bale 8 piglets lahat ang buhay at malakas mag dede. Kaya nga ang suso ng inahin ay dumugo at nagka sugat sugat.
|
|
|
130
|
LIVESTOCKS / DISEASES / Re: SORE EYES
|
on: September 22, 2009, 09:01:53 PM
|
Hi Doc, Pinatawa mo naman ako. Yes, mas mainam nadoon ako pero may mga gawain din me dito sa Manila. 2 yrs pa lang ako sa business na ito and thanks for your help. Hope to see you in the Agrilink.
|
|
|
131
|
LIVESTOCKS / DISEASES / Re: SORE EYES
|
on: September 22, 2009, 08:15:37 PM
|
Ewan ko lang kung meron local vet sa amin. Ok Doc, pag aralan ko ulit ang management namin sa piggery. Napansin ko kasi pag wala ako doon at umuuwi ng Manila, may problema na kaagad na nangyayari doon.
|
|
|
132
|
LIVESTOCKS / DISEASES / SORE EYES
|
on: September 21, 2009, 10:18:30 PM
|
Hi Doc, Napansin ko kaninang tanghali na ang isang mata ng inahin ko ay mapula pero wala naman muta. Sore eyes kaya ito Doc ? Pinalagyan ko ng eye mo, kasi mapula ito. Ano pa kaya ang magandang gamot dito ? Bukas ay ika 21 days of A.I. na ito. Kagabi naman ay namatay na ang inahin na may bukol sa paa. Sayang 21 days din ito na A.I bukas. Naging complicated na ang sakit nito, kasi mga one week na pabalik-balik ang lagnat nito at di makatayo. Sinusubuan lang ng feeds at inumin. Kahapon ayaw na kumain sabi ni bayaw at kagabi ay namatay. 1 week bago namatay ay pinaturukan pa ng bayaw ko ng Steclin LA 2beses para sa bukol sa paa, at analgin naman noon ng may lagnat. Magkapatid pala ang dalawang inahin na ito. Siguro namula ang mata sa kaiiyak dahil namatay ang kapatid kagabi. Both of them has 1st parity na. Nasa 2nd parity na sila ngayon. Ang prolema sa mga inahin namin Doc ay naga umpisa always sa bukol o pigsa tapos maging komplicado na ang sakit. Ano kaya ang kulang pa sa sow management namin ? Halos lahat naman ay sinusunod namin.
|
|
|
134
|
LIVESTOCKS / BREEDING / SUSO NG INAHIN AY DUMUDUGO
|
on: September 19, 2009, 08:49:01 PM
|
Hi Doc, Gud Pm. Ang isang inahin namin sa first parity pa lang after 2 weeks of giving birth to 10 piglets ay may 2 teats na dumudugo sa giliran nito. Suspetsa namin ay kinakagat ito ng biik kong mag dede sila. Tiningnan namin ang ngipin ng 10 biik at ok naman at di naman matulis. Nag spray kami ng combinex sa sugat ng mga dede. First time namin na encounter ito na dumudugo ang suso ng inahin. Please help Doc, ano kaya magandang gawin dito? Thanks.
|
|
|
135
|
LIVESTOCKS / DISEASES / Re: SWINE PNEUMONIA AND FLU VACCINES
|
on: September 18, 2009, 04:22:59 PM
|
Hi Doc, Sa ngayong na pabago-bago ang panahon,(minsan uulan at bigla naman i-init,) ang amin mga alaga ay inu-ubo at napipilayan due to pigsa. Panay naman bigay namin ng mga multivitamins pero inuubo pa rin. Dapat ba namin bigyan ng vaccine sa swine pneumonia ? At ang mga napipilayan ay antibiotic regardless whether it is pregnant or not ?
|
|
|
|
|