Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => POULTRY => Topic started by: Richelle on April 17, 2011, 08:25:54 PM



Title: antibiotics for layers with declining production rate?
Post by: Richelle on April 17, 2011, 08:25:54 PM
Hi doc nemo. Magandang gabi po. Gusto ko lang po sanang ikonsulta yung layers namin. Sa ngayon po eb meron kaming paitlugin na nasa humigit kumulang 800 ang bilang. Ang prolema po eh medyo bumaba ang production nila pag pasok ng March. Napansin ko din po ang maputla nilang palong saka yung puwitan nila nparang nagdudumi sila. Maputi po ito. Nag search po ako sa internet at aking napagalaman na posibleng pollurum disease ang tumama dito. Meron po ba kayong maipapayo na antibiotics para dito na hindi maapektuhan ang itlog nila o yung tinatawag na withdrawal period kung baga pwede p rin po iconsume ang itlog kahit na sila ay binigyan ko ng antibiotiko. Salamat po ng marami doc nemo at more power. Sana po ay masagot nyo ang aking katanungan.


Title: Re: antibiotics for layers with declining production rate?
Post by: nemo on April 18, 2011, 08:05:50 PM
i am not into poultry.. pero according sa pinagtanungan ko norflox ang gamit nila.

One literature na nabasa ko CTC ok gamitin sa layer...

Ang alam ko kasi almost lahat meron withdrawal.


Title: Re: antibiotics for layers with declining production rate?
Post by: Richelle on April 20, 2011, 07:34:33 PM
thanks for your reply doc. so you think it is still safe to give antibiotics for layers kahit may withdrawal period? i mean what could be the possible effect sa consumers? we've tried amox po and acidifier and hopefully tumaas po ang productivity nila


Title: Re: antibiotics for layers with declining production rate?
Post by: nemo on April 20, 2011, 08:11:34 PM
I am not sure sa ruling...

Ang alam ko kasi as much as possible wait for the withdrawal period before ka magbenta uli.

To be sure po better consult yung mismong manufacturer ng drug na ipinangbigay nyo sa alaga nyo.

Sa Pilipinas kasi marami ang hindi sumusunod sa withdrawal period... Ano effeect sa tao? Kung allergic sila antibiotic possible maging allergen sa kanila ito. Sa bacteria naman possible na maging sanhi ito ng resistance ng bacteria.



Title: Re: antibiotics for layers with declining production rate?
Post by: coachfacto on April 23, 2011, 05:20:25 PM
pwede pong pahingi din ng guide on how to raise 45 days chickn? salamat po ng madami. more power..