Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => POULTRY => Topic started by: juan on January 17, 2007, 03:20:39 PM



Title: ammonia
Post by: juan on January 17, 2007, 03:20:39 PM
magandang araw po sa inyo.  nais ko lang po sanang itanong sa inyo na pangunahin na rin problema sa pag-aalaga ng manok ay ang mabahong amoy ng dumi nito, na tinatawag nilang ammonia. nakakaapekto raw po ito di lang sa mga manok kundi pati sa mga halaman. meron po ba kayong idea kung paano maaalis ang ganitong problema. salamat po :(


Title: Re: ammonia
Post by: nemo on January 17, 2007, 06:58:16 PM
Ang sobrang dami ng ammonia sa kulungan ng manok ay maaaring magdulot respiratory problem o kaya naman conjunctivitis/pamumula sa mata ng manok. Upang maiwasan ang sobrang ammonia dapat hindi po nababasa ang  dumi ng mga manok at kung maaari sana atin itong linisin at ibilad upang maging pataba sa halaman. Kung sakali naman ang paglilinis ay ginawa lang tuwing harvest maaari po tyong maglagay ng abo sa dumi nito upang sipsipin  ng abo ang tubig ng dumi ng manok.

Salamat po sa pag gamit ng ating forum...