Title: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on November 21, 2011, 05:41:05 PM mga sir,
baka po may picture kayo jan ng inyong building.. pashare naman po mga sir para magka idea po kami mga baguhan.. by next year po e papasimulan na po namin ang aming backyard..gusto ko po magkaroon ng idea. maraming salamat po! :) Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: up_n_und3r on November 21, 2011, 05:56:13 PM Check out po ung gallery sa menu. Marami na pong nka upload doon.
Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on November 21, 2011, 06:32:17 PM Check out po ung gallery sa menu. Marami na pong nka upload doon. yes sir nakita ko na po yun.. baka po may magshare pa na iba..baka meron cla mashare kung ano style ng bubong at yun ventilation.. at kung ano anu pa na pede kuhanan ng idea.. salamat po.. :) Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on November 22, 2011, 01:47:52 PM sa FB account ni sir Laguna_piglets madami na ko nakita.. dami farm visits
salamat sir Laguna Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: laguna_piglets on November 23, 2011, 07:55:32 AM Kung conventional type building orientation NORTH-SOUTH.
kung deep bedded system Building orientation EAST-WEST. Nasa sa inyo yun kung paano ninyo itatayo ang inyong pig farm. Kung saan kayo mas convenient para ma apply ang tamang management. Kami conventional type, dito kasi expertise namin. Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on November 23, 2011, 06:04:16 PM Kung conventional type building orientation NORTH-SOUTH. sir LP bakit magkaiba pa ng orientation? ano po reason?kung deep bedded system Building orientation EAST-WEST. Nasa sa inyo yun kung paano ninyo itatayo ang inyong pig farm. Kung saan kayo mas makakadali ng application ng management. Kami conventional type, dito kasi expertise namin. salamat Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: Kurt on November 24, 2011, 01:01:21 PM @Laguna-piglet;
Sir paki-clarify nga po kung ano ang reference nitong north south at east west..e, kung ano ang parte ng kulungan ang dapat humarap sa north,etc... Medyo malabo pa sa akin ang basic concept na 'to. Thanks... Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: laguna_piglets on November 25, 2011, 09:25:16 AM Simple lang sa conventional hindi pinapapasok ang sikat ng araw sa loob ng farm ang araw naka sunod sa design ng inyong roof.. while sa deep bedded pinapapasok naman ang sikat ng araw para sinasabing natural disinfectant sa beddings kaya madali matuyo..
Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: Kurt on November 25, 2011, 11:24:47 AM Ahhh...okay gets ko na..
DBS (east/west) dapat mga 6-10 am at 3-5pm dapat makapasok sa loob ng kulungan ang sinag ng araw, meaning ang roof ang ating silbing reference of where the pen is facing. Conventional north/south reverse naman dito dapt ang roof is facing to east/west to protect the sun rays coming in to the pen. Thank you so much laguna piglet...it is very clear for me now. Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on November 25, 2011, 03:14:13 PM Simple lang sa conventional hindi pinapapasok ang sikat ng araw sa loob ng farm ang araw naka sunod sa design ng inyong roof.. while sa deep bedded pinapapasok naman ang sikat ng araw para sinasabing natural disinfectant sa beddings kaya madali matuyo.. ah ok salamat sir.. kaya gusto ko talaga mg researh eh para mas madami matutunan kagaya nito kasi kung papakinggan ang mga tradional na mag aalaga ng baboy gusto lagi nila nakaharap ang building sa east to west para daw swerte.. ;D Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: laguna_piglets on November 25, 2011, 05:40:40 PM Importante lang kung saan kayo mas convinient.
Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on November 28, 2011, 11:40:00 AM mga sir,
ano po masasabi nyo sa asbestos na bubong sa baboyan? Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: nemo on December 07, 2011, 07:11:56 PM di b mas mahal yun?
Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on December 14, 2011, 04:28:30 PM di b mas mahal yun? mas mahal nga po sir.. pero in the long run daw mas makakatipid ewan ko lng kung may epekto yun sa health ng baboy.. kasi may nagsasabi na masama daw po yun asbestos.. Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: nemo on December 15, 2011, 06:36:28 PM yun pinakapowder nito masama kapag nasinghot.
Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: laguna_piglets on December 26, 2011, 07:56:08 PM Ang alam ko Phase out na ang paggagawa ng Asbestos as roofing.. dahil maraming bad effects sa Lungs.
Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: laguna_piglets on December 26, 2011, 08:05:19 PM This one a farm we've visited. 280 Sow Level Farm.
Hindi sila gumagamit ng Asbestos Roofing. (http://i39.tinypic.com/vymm12.jpg) Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on December 30, 2011, 02:40:46 PM sir LP ano pong klase ng bubong ang gamit nila dito?
meron pa rin nakukuhanan ng asbestos.. last month yun nakausap ko na foreman e asbestos ginamit nila.. Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: laguna_piglets on January 02, 2012, 02:34:21 PM Rib Type na klaseng bubong ang gamit nila dito.
Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on February 29, 2012, 11:22:51 AM sir LP ano pong klase ng bubong ang gamit nila dito? meron pa rin nakukuhanan ng asbestos.. last month yun nakausap ko na foreman e asbestos ginamit nila.. sir LP tama po kayo wala na nga asbestos na bubong..phase out na dahil sa masamang epekto nito naconfirm nung mag farm visit kami.. salamat po! Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: laguna_piglets on March 01, 2012, 05:55:29 AM Yup phase out na talaga yun.. saan kayo nag farm visit?
Title: Re: baboyan mo! show mo! Post by: revilo on March 01, 2012, 09:30:36 AM Yup phase out na talaga yun.. saan kayo nag farm visit? sa san jose lng din po.. kay Engr Carandang po na farm.. |