Pinoyagribusiness

General Category => FORUM HELP /TECHNICAL HELP => Topic started by: ian9761 on July 12, 2010, 09:05:22 AM



Title: solusyon sa amoy ng baboy
Post by: ian9761 on July 12, 2010, 09:05:22 AM
Magandang umaga po!
Ako po e mag tatanong lang sana regarding sa amoy/dumi ng baboy.
Wala po kaming alagang baboy but un kapit bahay po namin,mga nasa 10 na ata na baboy ang mayron sila
e medyo kami na mga kapit bahay nia e napeperwisyo sa dulot ng mabahong amoy ng baboyan nia.
Ok lng po sana kung maximum of 3 na baboy ang alagaan nia sa bakuran nia kaso ginagawa na nyang
pang malakihang hanap buhay ito na to think e may kapit bahay sya..

Ang tanong ko po e ano ang paraan na mawala or kahit papano e mabawasan ang sobrang amoy/dumi ng baboy?
Kaylangan ba mag hukay ng septic tank? pano ang treatment sa dumi ng baboy? need bang lagyan ng gamot?

Pasensya na po kung hindi tama itong thread na pinag post san ko.
Maraming salamat po..

ian


Title: Re: solusyon sa amoy ng baboy
Post by: nemo on July 12, 2010, 07:28:04 PM
Ilan ang mga sumusunod na maaaring gawin para mawala/ maibsan ang amoy ng baboy...

Dapat may septik tank sila na tapunan ng dumi para hindi umamoy ang babuyan. At dpat laging tuyo ang kanilang kulungan.

Meron din mga feeds na meron odor minimizer/ eraser na magpapababa ng amoy ng baboy.

pwede din silang gumamit ng alternative design ng kulungan tulad ng mga deep bedding system etc.

at meron ding mga nagbebenta ng gamot na maari daw magtanggal ng amoy ng baboy.


Personal opinion, wla pa akong nakitang product na nakawala ng amoy ng baboy, nabawasan lang ang amoy pero andun pa rin ito.


Title: Re: solusyon sa amoy ng baboy
Post by: ian9761 on July 13, 2010, 02:03:23 PM
maraming salamat po doc sa inyong pag sagot at payo
na ibinigay..

makikihingi na din ng reading materials.
im looking for a good business..
baka sakaling mainganyo ako na i-try ang pagbababoy.

salamat again,
ian


Title: Re: solusyon sa amoy ng baboy
Post by: Pilien on February 27, 2011, 12:04:09 PM
meron daw "gamot" or "food supplement" na ipapakain sa baboy upang hindi 'masyadong' mangamoy ang kanilang waste. Also meron daw 'powder' na i-bubo sa tae ng baboy, and later, maging compost. Gusto ko ren malaman kung ano pangalan at sa-an mabili.
Thnx.


Title: Re: solusyon sa amoy ng baboy
Post by: Julia on September 27, 2011, 10:56:12 AM
Ang Natural Farming Technology Systems ay may very successful na paraan sa pagtanggal ng amoy ng baboy. Ito ay ginagamitan ng sawdust, sand, soil, plus indigenous microorganisms, fish amino acid and fermented plant juice para sa beddings ng pigpen instead of concrete flooring. Proven na ito at ginagamit ko na.
I am inside a subdivision but my neighbors hindi naka notice na may iba't ibang hayop akong inaalagaan. Hinihikayat ko rin ang mga kaibigan ko to do the same and I am more than happy to teach them how to prepare the beddings and related practices.
Baka may mga natural farming practicioners diyan sa inyo, you can inquire.
 ;)



Title: Re: solusyon sa amoy ng baboy
Post by: allen0469 on September 28, 2011, 02:41:54 PM
mgaa kuyang,
ito email add try nyo ask ang problima sa amoy sabi kasi nito my product daw sila pang tangal ng amoy,sorry piro d kupa na try.email add dpigdoc@gmail.com at cel no.09175200627.09228715871.