amad
Newbie
Posts: 3
|
|
« on: April 05, 2011, 11:17:45 AM » |
|
Doc Nemo,
Sa mga alaga naming 9 na baboy , meron po kaming pinagpipilian gawing inahin.
Ang isa po ay me 7 suso magkabila tama ang distansya ng bawat suso , maganda ang pangangatawan pati tindig, ang ari medyo malaki. Kaya lang minsan ito po ay inuubo, ilang beses na naglabas ng puti likido na parang gatas sa kanyang ari ayon sa isang kamag-anak malapit na raw maglandi ito, medyo tamlayin minsan at hindi agad nasabay sa ibang baboy kapag nagpapakain kami.
At ang isa po naman 8 ang suso sa kanan at sa kaliwa ay anim kaya hindi pantay ang mga suso, maganda ang pangangatawan , tindig at pinkish po ang balat . Ni minsan hindi ko nakitang ubohin, ang problema nga lang yong suso at medyo maliit ang ari. Ayon naman sa isa pang pinsan namin walang kaso daw yong kabil-an ang suso(8 at 6). Importante daw hubog ng katawan, tindig at tibay ng mga paa sa pauna at pahuli.
Doc, alin po ang mabuti gawing inahin dito sa 2 baboy na aking nabanggit? Salamat po.
|