Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => DISEASES => Topic started by: Wrangler on October 27, 2010, 01:42:46 PM



Title: white discharge
Post by: Wrangler on October 27, 2010, 01:42:46 PM
Doc ask ko lang if pwede bang mabuntis yung my discharge na sow? 2 months ng may discharge kaso di pa na gagamot yung discharge nya. I already injected oxytetracycline, penstrep and gentamycin kaso di pa rin na cure. Or ano pa pwede i-inject para tumigil dischrge nya.


Title: Re: white discharge
Post by: nemo on October 27, 2010, 07:10:38 PM
yung discharge po ba ay everyday or once lang per month. gaano po ba kadalas? And ano problem or napansin sila before nagkaganito ang kanilang animal

KUng madalas ang discharge
try to flush the antibiotic dun na mismo sa ari nung animal. Removed the needle then just use the syringe. Magflush kayo ng 10-15 ml n penstrep dun sa ari ng animal.



Title: Re: white discharge
Post by: Wrangler on October 28, 2010, 10:19:35 AM
Yes doc every morning yung discharge nya. Di na ba gagamit na catheter sa pagsumpit sa ari nay? Sa bungad lang doc or sa cervix mismo? Ang nangyari kasi doc is di namin alam na buntis nung nabili namin then nung namula na yung vulva nya ang alam namin is inheat sya that's why pina AI namin then after 1 week namnganak say. Di kaya yung pagka AI nya ang dahilan ng Discharge nya doc?


Title: Re: white discharge
Post by: Wrangler on November 08, 2010, 10:11:32 AM
Up ko lang..


Title: Re: white discharge
Post by: nemo on November 08, 2010, 06:58:55 PM
sorry po kung late ang response. natabunan na pala itong topic na ito akala ko nasagot ko na.

Kahit ala lang catheter pwede po. Basta ipasok lang nila yun syringe without needle sa pwerta nun animal saka nila iflush yun antibiotic.

Kung araw araw kasi siyang maydischarged possibility na may infection na ito.


Title: Re: white discharge
Post by: Wrangler on November 09, 2010, 07:19:13 AM
doc my possibility pa kayang magbuntis? naglalandi na ito pero may discharge pa rin ipapa AI ko na kaya baka kasi hindi magbuntis kung may discharge.


Title: Re: white discharge
Post by: nemo on November 09, 2010, 07:11:46 PM
Ganito nalang po gawin nila ipabreed muna nila then kung hindi magtuloy benta na po nila...
 Kapag inheat po ang animal bumababa ang kanyang resistensiya hopefully kung di na siya inheat buntis siya tumaas ang kanyang  immune system at mawala na ang infection.


Title: Re: white discharge
Post by: Wrangler on November 10, 2010, 08:20:00 AM
Na-AI na namin doc. Sana nga buntis paito.Thanks!


Title: Re: white discharge
Post by: Darkbraveheart on February 03, 2011, 12:40:27 PM
doc ask ko lang po kung normal lang po ba ang mga biik na nagkakaron ng white discharge sa last part ng ihi nila...ty


Title: Re: white discharge
Post by: evjenov on August 29, 2011, 12:56:06 AM
doc  ask ko lang kung  anong dahilan at me lumalabas na medyu yellow na liquid walang amuy sa puerta ng 1 mothh and 1 week na sow ko? ano po ba ang pwede naming gawin dito thanks hindi naman daw siya malaput salamat ulit doc


Title: Re: white discharge
Post by: nemo on August 29, 2011, 08:53:05 PM
kung ala naman  panghihina pag tamlay ignore lang.

Vitamins lang po muna.


Title: Re: white discharge
Post by: evjenov on August 30, 2011, 02:48:04 AM
salamat doc, masigla naman siya, saka walang amuy yung liquid kulay gatas pero hindi malaput. ano pong vitamin ang puede doc thanks again


Title: Re: white discharge
Post by: dalmacio on February 19, 2012, 11:01:33 AM
doc up ko lang po itong post nila, ganito rin po nagyari sa 70days old ko na biik. tnx


doc ask ko lang po kung normal lang po ba ang mga biik na nagkakaron ng white discharge sa last part ng ihi nila...ty


Title: Re: white discharge
Post by: nemo on February 20, 2012, 07:01:26 PM
as long as magana and masigla ang animal medyo less ang concern nito...

yun iba kasi is either may mild infection or sabi ng iba yun excess minerals baka kumukulay...


Title: Re: white discharge
Post by: dalmacio on February 20, 2012, 07:55:58 PM
doc thank you po, balak ko po kasi syang gawing inahin, kaso lang naglalabas naman ng puti pag umihi baka madala nya sa paglaki nya kaya fattening na lang siguro ito.


Title: Re: white discharge
Post by: Kurt on February 21, 2012, 10:26:47 AM
@kuyang Dalmacio,

Naka-experience din ako ng kagaya sa iyo...basta masigla lng iyong alaga natin okay lng.
Tama nga iyong sinabi ni Doc, cguro excess mineral lng iyong ini-extract niya thru sa ihi.

Ang aking ginawa noon binawasan ko ang additives (cecical) sa pagkain at vitamins na lng tuwing magbuntis yong inahin ko...for a week nawala yong white discharge at hanggang ngayon wala na..pang-apat na parity na niya next month.


Title: Re: white discharge
Post by: dalmacio on February 22, 2012, 03:39:21 PM
sir kurt thank you,
 inject n lang siguro ako ng belamyl or vit ade.