Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => DISEASES => Topic started by: mhyke_04 on December 05, 2009, 11:01:04 AM



Title: walang bayag na biik
Post by: mhyke_04 on December 05, 2009, 11:01:04 AM
may problema po ako sa mga anak ng baboy ko. bkit po my biik na lalaki na walang lumabas na bayag.. hindi po ba mapanghi ang karne pag binenta na sa mercado?



Title: Re: walang bayag na biik
Post by: nemo on December 08, 2009, 09:22:47 PM
meron case na hindi lumabas yun testicle or bayag nun animal pero usually inside nun animal lumiit ito and nagiging nonfunctional. So, hindi siya magcacause ng mapanghing amoy.

Try to observe din kasi minsan after ilang weeks lumalabas yun testicle. SO sa ganitong case kailangan kapunin mo siya para hindi mapanghi ang amoy ng baboy.


Title: Re: walang bayag na biik
Post by: mhyke_04 on December 09, 2009, 01:22:28 PM
Sir,paano kung almost 1mos. na po ung biik mula nung iwalay sa ina. gang ngayon wala parin makita or lumabas na testicles.My nakausap naman po ako n vet. d2 samin sabi nya hayaan muna lumaki gang 1mos. ung biik, bka sakali lumabas ung bayag para ang kalalabasan operasyon na lng daw at dina kapon.. Nag 2nd opinion namn ako sa isa pang vet. at ang  sabi skin my gamot daw n tinuturok sa mga baboy,  na dina kinakapon at ginagamit daw sa mga bansa na ipagbabawal saktan ang mga animal or dun sa (PRO)animal welfare act...
Borten yata ung gamot gawa ng fizer..


Title: Re: walang bayag na biik
Post by: nemo on December 09, 2009, 11:02:33 PM
 sa cases na malaki na ang animal just hope na hindi na talaga siya lumabas. Once kasi na lumabas ito then when you castrate magiging madugo na ito. So, yung surgery na sinasabi ng vet na kausap mo dito papasok. You need to give anesthetic to the animal para hindi maging mahirap ang pagkapon. Although hindi ito practical pang gawin. Yun iba benta na lang as litsunin.

Yun chemical castration / improvac ang brand name effective naman as per manufacturer's data pero ang problem is the cost niya. 2 shots kasi ito at dahil bago medyo mahal pa.

here is a video about the product



Title: Re: walang bayag na biik
Post by: Wrangler on December 14, 2009, 02:58:26 PM
Cryptorchidism po ang tawag jan sa nangyari sa baboy nyo.


Title: Re: walang bayag na biik
Post by: sanico on January 03, 2010, 07:37:29 PM
Hi Doc,
Happy New Year. May tanong lang me po.
1) Meron kaming biik na isa lang ang testicles, so hindi na namin ito na castrate.
   Ngayon ay nasa grower stage na ito at kitang-kita ang testicles na mag isa lang.
  Ang tanong ko, mapanghi kaya ang karne nito pag ibinenta na namin for slaughter ?
2) Meron kaming biik na gagawing barako, is it ok kong isama ito sa mga kapatid na babae at lalaki
   or ihiwalay o ibukod mag isa at what age ?
Salamat po at more power.


Title: Re: walang bayag na biik
Post by: nemo on January 04, 2010, 09:17:59 PM
1. Possible na meron amoy pero ang major problem mo dyan is ang pang babarat ng ahente ng baboy. Kasi usually binabarat nila kung may testicle yun animal at may amoy nga daw.


2. Around 3-4 months okay na ihiwalay. malate man dun as long as hindi siya aggresive at nangdadamba okay lang na isama siya sa grupo.