Title: sow turns violet.. help Post by: tomato_sus on April 22, 2010, 12:01:04 PM sa mga kasamahang magbababoy,
ano po kaya ang nangyari sa inahin ko.. after po niyang manganak at maturukan ng antibiotic.. nagkulay violet po sha at pantal pantal ang katawan at walang ganang kumain.. fisrt parity po niya.. at dinukot ung last piglet niya... medyo nagtagal ung inunan sa tiyan niya... pero ngaun.. kumakain na po siya... medyo nakakarecover na po.. allergy? or nilagnat? Title: Re: sow turns violet.. help Post by: nemo on April 22, 2010, 10:24:35 PM Base sa iyong description mas malapit siya sa allergic reaction, violet and pantal after injection...
Pero kung hindi naman immediate ang reaction which means, medyo tumagal pa ng ilan oras bago lumabas yun violet na kulay and pantal border line to heat exhaustion . Sobrang init loob at labas ng katawan na nagkaproblem na ang sirkulatory system niya kaya hindi dumadaloy ng maayos yun dugo. Yun violet na nakita nila is dugong namuo. Title: Re: sow turns violet.. help Post by: tomato_sus on April 23, 2010, 06:37:49 AM Base sa iyong description mas malapit siya sa allergic reaction, violet and pantal after injection... Pero kung naman immediate ang reaction which means, medyo tumagal pa ng ilan oras baka lumabas yun violet na kulay and pantal border line to heat exhaustion . Sobrang init loob at labas ng katawan na nagkaproblem na ang sirkulatory system niya kaya hindi dumadaloy ng maayos yun dugo. Yun violet na nakita nila is dugong namuo. thanks po.... siguro kelangan ko pataasin ung bubong kasi medyo mababa.. pansamantala po pinalagyan ko ng palapa ng niyog ung bubong para hindi masyado mainit Title: Re: sow turns violet.. help Post by: erik_0930 on July 18, 2011, 04:47:06 PM Doc, merun po ako sow na 5 days pa lang nanganak eh nagkaroon po ng kasinlaki ng piso na patse na kulay violet, kumakain naman po cya pero mahina cyang kumain at merun po lagnat, binigyan po namin cya ng terra LA at copyrin...anu po kaya ito?paano maiwasan?
Title: Re: sow turns violet.. help Post by: babuylaber on July 18, 2011, 10:30:11 PM isang pantal lang po ba kuyang? vaccinated po ba ng hvc ang inahin nila? saan po banda nagkapantal?
Title: Re: sow turns violet.. help Post by: erik_0930 on July 19, 2011, 07:14:28 PM boung katawan po lalo na sa parte ng ulo, sa ngayon po eh mapula na lang at wala ng lagnat, bumalik na ang gana sa pagkain. merun po cya HCV injection.
Title: Re: sow turns violet.. help Post by: nemo on July 22, 2011, 07:26:41 PM possible na sakit is erysipelas or PND both causes rash type na sakit sa balat. usually gumagaling din naman ito.
Title: Re: sow turns violet.. help Post by: erik_0930 on July 23, 2011, 07:08:04 PM magaling na nga po ngayun, kaya lang po bumagal lumaki mga biik nya 11 pa naman.
Title: Re: sow turns violet.. help Post by: babuylaber on July 23, 2011, 09:53:41 PM support na lang po sila ng booster feed. at ibigay yung tamang timbang ng pakain para sa inahin.
Title: Re: sow turns violet.. help Post by: erik_0930 on July 24, 2011, 02:15:48 PM binigyan po namin foster milk, booster feeds, atovi at vitamins...siguro naman lalakas na sila nyan
Title: Re: sow turns violet.. help Post by: Mr. Large White on June 24, 2012, 08:01:17 PM saan po ba nakakabili ng atovi dito sa bicol. salamat!
|