Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => DISEASES => Topic started by: sanico on September 21, 2009, 10:18:30 PM

Title: SORE EYES
Post by: sanico on September 21, 2009, 10:18:30 PM
Hi Doc,
Napansin ko kaninang tanghali na ang isang mata ng inahin ko ay mapula pero wala naman muta.
Sore eyes kaya ito Doc ? Pinalagyan ko ng eye mo, kasi mapula ito. Ano pa kaya ang magandang gamot dito ?
Bukas ay ika 21 days of A.I. na ito.
Kagabi naman ay namatay na ang inahin na may bukol sa paa. Sayang 21 days din ito na A.I bukas.
Naging complicated na ang sakit nito, kasi mga one week na pabalik-balik ang lagnat nito at di makatayo.
Sinusubuan lang ng feeds at inumin. Kahapon ayaw na kumain sabi ni bayaw at  kagabi ay namatay.
1 week bago namatay ay pinaturukan pa ng bayaw ko ng Steclin LA 2beses para sa bukol sa paa,
at analgin naman noon ng may lagnat.
Magkapatid pala ang dalawang inahin na ito. Siguro namula ang mata sa kaiiyak dahil namatay ang kapatid kagabi.
Both of them has 1st parity na. Nasa 2nd parity na sila ngayon.
Ang prolema sa mga inahin namin  Doc ay naga umpisa always sa bukol o pigsa tapos maging komplicado na ang sakit.
Ano kaya ang kulang pa sa sow management namin ? Halos lahat naman ay sinusunod namin.

Title: Re: SORE EYES
Post by: nemo on September 21, 2009, 10:55:55 PM
Sir meron po ba kayong malalapitan na local vet sa lugar nyo?
Baka kasi meron siyang mapansin na hindi nyo napapansin about sa inyong management or alaga.

For the meantime, disinfect muna sila sa mga kulungan and bigay po sila antibiotic sa lahat ng kanilang alaga, oral antibiotic po for 3-5 days.

And if magkaroon uli sila ng ganitong case, ituloy ituloy po nila ang antibiotic therapy

Title: Re: SORE EYES
Post by: sanico on September 22, 2009, 08:15:37 PM
Ewan ko lang kung meron local vet sa amin.
Ok Doc, pag aralan ko ulit ang management namin sa piggery.
Napansin ko kasi pag wala ako doon at umuuwi ng Manila, may problema
na kaagad na nangyayari doon.

Title: Re: SORE EYES
Post by: nemo on September 22, 2009, 08:53:43 PM
Siguro po mas mainam na andun kayo.

Kung baga sa pagtatanim ng halaman baka meron kayo nung tinatawag na "green thumb"... ;D ;D ;D

Title: Re: SORE EYES
Post by: sanico on September 22, 2009, 09:01:53 PM
Hi Doc,
Pinatawa mo naman ako. Yes, mas mainam nadoon ako pero may mga gawain din me dito sa Manila.
2 yrs pa lang ako sa business na ito and thanks for your help. Hope to see you in the Agrilink.

Title: Re: SORE EYES
Post by: nemo on September 22, 2009, 09:11:07 PM
I'm not sure kung makapunta ako. Tentative lang na available kasi ako is thursday.

Assuming na alang mababago sa schedule ko makakapunta me thursday ng hapon.

Title: Re: SORE EYES
Post by: sanico on September 22, 2009, 09:48:28 PM
Ok Doc. Mag txt na me sau during the Agrilink.

Title: Re: SORE EYES
Post by: jenny_pretty18 on May 26, 2010, 10:14:20 PM
Good day po..

Possible din po bang magkasore eyes ang mga baboy?
Napansin ko po kasi na dalawa po sa pigs (2-3 months old) ang namumula ang mata..
Ung paligid po ng mata nya namumula?
Ano po kaya ito at ano po ang maadvice niyo na gamot?

Thanks and God bless po..  :)

Title: Re: SORE EYES
Post by: rye0528 on May 27, 2010, 12:09:00 PM
More on mngt aspect po kapag may mga tinatawag na sore eyes ang mga baboy. Usually po eh mataas na ammonia and other noxious gases sa loob ng kulungan ang nagcacause nito. Ito din sumisira sa lining ng respiratory tract ng baboy which can lead to respiratory diseases sa baboy. Ang pagkakaroon po ng ganito sa mata ng baboy ay usual indication po na may infection sa upper respiratory tract ng baboy.

Title: Re: SORE EYES
Post by: jenny_pretty18 on May 30, 2010, 09:43:31 PM
More on mngt aspect po kapag may mga tinatawag na sore eyes ang mga baboy. Usually po eh mataas na ammonia and other noxious gases sa loob ng kulungan ang nagcacause nito. Ito din sumisira sa lining ng respiratory tract ng baboy which can lead to respiratory diseases sa baboy. Ang pagkakaroon po ng ganito sa mata ng baboy ay usual indication po na may infection sa upper respiratory tract ng baboy.

Thanks for the info..

Yun din po ang sinabi ng technician na bumisita samin..
Ano po ba ang nagpapataas ng ammonia and noxious gases sa loob ng kulungan nila?
Just curious po..

Thanks and God bless po..

Title: Re: SORE EYES
Post by: rye0528 on May 31, 2010, 08:42:01 AM
Miss Jenny,

Source po ng mga gases na ito ay sa dumi (tae at ihi) ng baboy mismo. Kapag hindi po nalilinis ng ayos ang mga kulungan at hindi maayos ang ventilation ng building, nagkakaroon po ng build up ng mga gases na ito. One way of checking kung may problema kau sa aspect na ito, pagpumasok po kayo sa kulungan eh maamoy nyo agad ito. Masakit sa ilong at nakakairita sa mata ang amoy. Kaya tulad po sa tao kailangan mamaintain ang clealiness ng pen at maayos ang ventilation ng building. Most of the time naooverlook ito ng mga mangangalaga especially sa backyard farming.

Ryan

Title: Re: SORE EYES
Post by: jenny_pretty18 on May 31, 2010, 10:23:28 PM

Maraming salamat po sa information..
It really help me and other readers out there..
Tuwing kailan po ba dapat linisin ang mga pig pens?
Morning before eating, morning after eating?
Tubig and walis tingting lang po kasi ang ginagamit and once or twice a week dinidisinfect..
Ano po yung proper way ng paglilinis ng pen para po d maamoy yung kulungan?
Maraming Salamat po and God bless po..

Title: Re: SORE EYES
Post by: rye0528 on June 01, 2010, 06:46:33 AM
Miss Jenny,

Before eating mas maganda po kasi sayang po ang pakain especially kung we practice floor feeding. Nahahalo lang po sa dumi ang mga pakin kaya di na kakainin ng baboy. And di lang po sa loob ng kulungan nagtatapos ang paglilinis. Dapat pati mga drainage eh regular na nalilinis. Good na po ung once or twice a week na pagdisinfect ng pen.

Ryan

Title: Re: SORE EYES
Post by: jenny_pretty18 on June 03, 2010, 12:11:26 AM
Miss Jenny,

Before eating mas maganda po kasi sayang po ang pakain especially kung we practice floor feeding. Nahahalo lang po sa dumi ang mga pakin kaya di na kakainin ng baboy. And di lang po sa loob ng kulungan nagtatapos ang paglilinis. Dapat pati mga drainage eh regular na nalilinis. Good na po ung once or twice a week na pagdisinfect ng pen.

Ryan

Ok po Sir Ryan..

Salamat po sa mga information..

God bless po..

Title: Re: SORE EYES
Post by: jenny_pretty18 on July 21, 2010, 04:27:38 AM
Good day po to forum members, farm owners, farm managers, vet and Doc Nemo,
I would like to ask po kung ano kaya ang sakit ng piglets namin?.. Some of our piglets po ay namumula ang mata at namamaga ang gilid ng mata.. Sa sobrang pamamaga po ng gilid ng mata halos hindi na po makita ang pupil ng mata nila.. Tsaka po ano kaya ang mainam na gamot sa isa naming piglets na until now nagscouring pa?.. yellowish po ang dumi niya.. Hindi rin po masyadong kumakain.. Ano din po ba ang pinaka the best na gamot sa ubo ng baboy? And gamot na din po sa galis (nadeworm na po yung mga pig namin).

Thanks in advance and God bless po..

Title: Re: SORE EYES
Post by: nemo on July 22, 2010, 06:44:28 PM
Kulong ba ang kanilang kulungan? Kasi minsan kung mataas ang ammonia level ng kulungan ng inyong baboy then mamumula ang kanilang mata dahil sa hapdi ng ammonia. Kung laging nababasa ang dumi ng baboy or hindi ito nalilinisa at hindi maayos ang drainage pwedeng maging dahilan para tumaas ang ammonia level sa kulungan nyo.

Siguraduhin po nila na yun drainage ay walang naiimbak na dumi ng baboy . Kung ang inyon pit or lagoon para sa dumi ng baboy ay malapit sa kulungan maaari din sumingaw ang ammonia nito pabalik sa kulungan especially kung papunta sa babuyan ang ihip ng hangin.

Try to give ammoxicillin or tetracycline. Then limit muna ang water intake for one day yung piglet na nagdiarrhea

Title: Re: SORE EYES
Post by: jenny_pretty18 on July 23, 2010, 12:41:21 AM

Good day po Doc,
Hindi naman po close masyado yung mga pen ng alaga namin.. nakakapagcirculate naman po yung hangin.. concrete po yung sidings ng pen nila compare po sa iba na iron grills or bamboo.. much better po kaya kung hindi concrete? kaso nga lang po maulan po ngayon.. di po masyado nalilinis yung mga pen nila, binabasa lang po yung flooring.. di rin po ata nalilinis mabuti yung drainage.. Ipalinis ko po mamaya.. Malayo naman po yung lagoon..  Ano po bang brand ng tetracycline or amoxicillin ang masmainam na gamitin? Thank you po sa advice and God bless po..

Title: Re: SORE EYES
Post by: nemo on July 27, 2010, 09:15:05 PM
binabasa lang ang flooring? as much possible po tuyo dapat lagi ang kulungan at kung babasain mo ito ibig sabihin pinapalambot mo lang yun dumi para mawalis or mapower spray. Kapag basa po kasi ang dumi nila mas naghaharbour ito ng bacteria na siyang nagdedegrade ng dumi na nagiging gas na nakakasama/ nakakamula ng mata ng baboy / cause respiratory problem.

Wla po kasi akong preferrence in terms of brand . Puro generic lang ang hinahanap ko kapag ako ang bumili or nagpabili ng gamot.

Title: Re: SORE EYES
Post by: jenny_pretty18 on August 01, 2010, 03:30:49 AM
binabasa lang ang flooring? as much possible po tuyo dapat lagi ang kulungan at kung babasain mo ito ibig sabihin pinapalambot mo lang yun dumi para mawalis or mapower spray. Kapag basa po kasi ang dumi nila mas naghaharbour ito ng bacteria na siyang nagdedegrade ng dumi na nagiging gas na nakakasama/ nakakamula ng mata ng baboy / cause respiratory problem.

Wla po kasi akong preferrence in terms of brand . Puro generic lang ang hinahanap ko kapag ako ang bumili or nagpabili ng gamot.

Good day po..
Opo binabasa po then winawalis ang dumi.. Ok na po yung mga alaga namin.. Thanks and God bless po..