Title: pregnant sow lost appetite Post by: jets on April 25, 2010, 09:18:15 AM hello doc,
need help, the problem is 1 of mypregnant sow mga more than1mnt na just lost appetite actually d na sya kumain nang umaga, then mga 5 or 6pm lumabas daw yong parang sack ng biik pag nsa tyan pa dont know the right term? and may kasama pang biik ? what went wrong doc? kc normal naman yong sow the day before that.. tnx pls give some advise could there be some preventive measures to be taken para maiwasan na mangyari uli sa ibang sow na pregnat din tnx much doc... Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: nemo on April 26, 2010, 09:41:07 PM Greetings!
i cant say kung ano eksaktong cause. Pero personally, ang una kong suspetsa is stress yan due to heat.... Masyadong mainit ngayon pwede pong magcause ng abortion. It is possible pa rin naman na magtuloy ang pagbubuntis ng kanilang alaga, personally kasi meron akong naexperience na nagbleeding then lumabas yun biik na isa pero nagtuloy pa rin ang pagbubuntis. If magtuloy/ manganak ang kanilang alaga post it here as follow up para naman may proof napossible pa rin pala magtuloy kahit may lumabas na biik. Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: jets on April 27, 2010, 06:58:53 AM hello doc,
Gud day, so may possibility na mag tuloy pala doc? kaso na inject na po nila ng pitoxal any side effect doc sa mga magiging biik non? sbi po kc bka daw ma poison ang sow pag d nakalabas lahat, but then wala namang lumabas after ma inject nila.. and if its stress from heat ano po ba ang suggestion nyo doc para mabawasan ang init any tips doc? concrete po kc ang flooring at sides tnx much doc .. Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: nemo on April 27, 2010, 09:56:47 PM kung sakaling magtuloy ang pagbubuntis nito possible makukuha kayo ng biik na nabubulok ang itsura. Dahil nagsaksak kayo ng pitoxal possible na mapatay nito yun piglet na naiwan. Possible din namn na ala na talagang piglet dun sa loob kaya ala nang lumabas.
Sa init naman panahon pwede po nilang lagyan ngkisame yun kulangan ng baboy. kung alang budget po kahit karton langpara lang hindi diretsong maramdaman ng baboy yun init ng bubong, Kung sementado naman yun paligid ng kulungan beter patungan muna nila ng lupa ito. Mas mainit kasi yun talbog or singaw ng araw na galing sa semento compared sa lupa. At the same time pwede nilang basain yun lupa para hindi ito magtalbog ng init. Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: jets on April 28, 2010, 11:38:08 AM hello doc,
thanks doc sa info , nag heat na po uli yong sow kahapon doc, isa nga lang cguro yong biik, kaso palipasin na lang muna cguro baka d pa kondisyon ang sow any particular na panghalo sa pagkain dok para ma boost sya or injectables ? and pwede din po ba pag plywood lang ang ipatong sa cement flooring instead na lupa or mas effective ang lupa doc? tnx much doc.. Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: nemo on April 28, 2010, 06:41:44 PM palagpasin mo muna . yung susunod na cycle na lang nila pabreed
Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: cousindear on May 27, 2010, 06:37:45 PM Greetings.
Good day po doc, after mating with boar po nag lost ng appetite yong gilt ko ika second day nya po ngayun mula ng mating. Any vitamins po doc na dapat ibegay? tanx Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: nemo on May 28, 2010, 06:41:09 PM Any generic water soluble vitamins will do.
Kung marami naman bayabas sa lugar nyo bunga ng bayabas na lang muna give nila. this is rich sa vitamin C. Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: jets on November 19, 2010, 01:38:47 PM doc gud day
i need some advise i have a problem w/ 1 of my sow which will farrow this nov 22 , d na po sya kumain since yesterday pa wala naman daw pong lagnat sabi ng caretaker namin,bigla na lang ayaw kumain pero umiinom ng tubig ano po ba ang magandang ibigay para bumalik ang gana doc... and nong pinisil yong de2 may gatas na daw na lumalabas! tnx doc Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: nemo on November 20, 2010, 07:37:56 PM wait po nila ang 12 hours, kung manganganak ito... sa ngayon pwede sila magvitamins sa inumin , kung wala kahit asukal muna sa inumin.
Common naman kasi yun cases na 3 days before or after farrowing date manganganak ang baboy... Extreme case meron 5 days before or after... Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: jets on November 21, 2010, 11:41:01 AM hello doc gud day
nanganak na nga dok kanina madaling araw 10 healthy piglets 1st parity kumakain na rin daw pero pakunti2 doc .. and we also give selectrogen sa inumin nya tnx much.. Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: Erwin on December 09, 2010, 08:25:18 PM doc,
hingi lang po ako ng tulong kasi yung isang sow ko na manganganak sa December 25, ayaw po kumain minsan kakain konti konti lang, kahit po lagyan ng asukal, mga 2 days na po sya ganon, kaya po pina injectionan ko na ng sulpirine para sa lagnat at tcp b12 antibiotic po yata yon, kaya lang wala pa rin po pagbabago, ano po kaya maipapayo nyo na magandang gawin, para kumain na at di maapektuhan yung mga biik nya sa loob ng tiyan, thanks erwin Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: rialex on December 09, 2010, 08:55:34 PM Ganyan din sir naging problem sa aming mga sows. Nilagnat and humina kumain. Then we administered anti pyretic drug. Unfortunately, after a day or 2, nag abort. Hinala ko, infection since may lagnat nga. Disinfection siguro sir maganda sa farrowing area for prevention para sa ibang sows na ilalagay dun. I don't know kung may kinalaman sa heat stress since malamig naman panahon. Then hintayin na rin natin sasabihin ni doc.
Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: sanico on December 20, 2010, 10:20:53 PM Hi Doc,
Meron po kaming ng isang sow on her 1st parity, it is now on the 45th day since she was breed at nawawala ang gana sa pagkain at sometimes sinusubuan na lang. Almost mga 2 weeks na ito. Vit B Complex was given twice by injection. I have observe also that may stiff neck ito kasi pag umiinom di kaya abutin ang drinker at hirap i-anggat ang leeg. Pag hinimas mo naman sa leeg umuungol at ayaw mag pahawak. Is it possible to inject antibiotics even though she is pregnant at anong ang mangyayari sa mga biik na dinadala nito ? Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: erik_0930 on December 20, 2010, 11:31:44 PM sulpyrin ang ginamit namin sa buntis na sow, awa ng diyos hindi naman nakunan
Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: cousindear on March 14, 2011, 01:03:41 PM Good day po Doc,
Yung sow ko po walang gana kumain 90 days na po sya na buntis then after po for the next day kumain naman po sya pero d po umabot ng 114 days sya nanganak 108 days lang po nilabas nya ang mga biik 18 po lahat ng biik nya ang 9 po patay na at bolok na lumabas ang 9 po buhay pero everyday po may namamatay hanggang sa naubos na lang sila lahat. Anu po doc ang klase ng sakit kaya eto? puede pa po bang magbuntis ulit ang sow ko? at anu po ang gamot para dito. Title: Re: pregnant sow lost appetite Post by: nemo on March 15, 2011, 05:55:46 PM nakapagbakuna po ba sila ng parvo vaccine sa kanilang alaga?
Suspect for parvo virus po yan. Pwede po itong ibreed pa pero mas maganda bakunahan muna |