Title: Possible causes of abortion... Post by: Kurt on September 12, 2011, 02:31:46 PM Doc,
Pede ba makisuyo ng mga possible causes of abortion? May isa akong inahin na nakunan kahapon lng po...bali 9 yong napakaliit na mga piglet. Mga 38 days na yata mula nong na- AI cya... Thanks.... Title: Re: Possible causes of abortion... Post by: nemo on September 13, 2011, 06:11:19 PM dami possible eh...
number 1 na siguro yun stress .. sobra init / lamig ng panahon 2. nabubulabog ang inahin... lagi silang tumatayo kapag meron pumapasok sa gate etc... or during feeding time mabagal magpakain kaya tayo ng tayo ang inahin. 3. bacterial ang viral ksama na ang lepto, hog cholera, parvo, swine flu, prrs, etc... Title: Re: Possible causes of abortion... Post by: Kurt on September 14, 2011, 01:56:21 PM Cge Doc salamat na marami...
Cguro, dito ako sa palaging nabulabog yong inahin.. Pansin ko noong nakalipas na araw...parang sensitive sya masyado to anybody or anything na mag create ng noise ay biglang tayo siya at parang lumundag na lng...ang gawin ko himas-himasin ko na lng siya..at magcool down namn. Ano kaya ang maari kong gawin nito sa susunod Doc? pang lima na sana niya at ngayon lng siya nag-iiba. Thanks, Title: Re: Possible causes of abortion... Post by: babuylaber on September 14, 2011, 04:33:53 PM you can add music sa building kuyang, para lang hindi xa ganun kadaling magulat
Title: Re: Possible causes of abortion... Post by: Kurt on September 19, 2011, 02:42:32 PM Ahhh...okay...tama nga ano.
How about kung sakaling may sawa na pagala-gala sa kanilang pen pede ba rin nilang ikagulat? Nung isang araw may nakita akong skin nga sawa at parang nagpalit balat na cya.....medyo malalaki na rin, a bit bigger sa ating hinlalaki...kahapon din may isang balat na naman na aking nakita...pinamahayan na cguro itong place namin ng mga sawa...ngeeee.... Paano kaya ito malimit? pansin ko din parang dumarami yong mga daga dito...ito cguro ang pinagkaguluhan ng mga sawa...pati ako natakot na tuloy... Title: Re: Possible causes of abortion... Post by: nemo on September 19, 2011, 08:28:05 PM opo pwede po nilang ikagulat yun...
lalo na kapag siguro yun nanay na ang dumalaw.... as much as possible po icut po nila yun damo sa paligid para hindi sila basta basta lapitan ng sawa.... yun pinagbalatan na sinabi nyo baby pa yan.... yun mga daga attractant talaga yan ng sawa. sa laboratory namin meron kaming lab rat kaya minsan dinadalaw kami ng sawa. Buti sana kung maliliit, yun huling nahuli around 6-8 feet ang haba. Kaya bilin namin sa utility dapat laging igrass cut yun paligid para hindi basta basta mag gala papunta sa amin ang sawa Title: Re: Possible causes of abortion... Post by: babuylaber on September 20, 2011, 10:29:52 AM hanap ka ng snake hunter jan sa inyo kuyang. or mga intsik, taiwanese ganun, sila mga buyer ng ahas malamang may mga contact mga un.
Title: Re: Possible causes of abortion... Post by: Kurt on September 29, 2011, 02:10:57 PM Really? wow ang tibay nitong mga intsik ano...
May point nga kayo kuyang babuylaber...kasi dito parang swamp yong nakapaligid sa aming building at parang snake prone 'tong area na 'to. Cguro may mas malaki na dito at ito yong similar na ahas na dalhin ng mga magbenta ng herbal medicine sa palengke...ngeee...anaconda yata. Paano ba hulihin ng mga snake hunter ang ahas? O maglagay na lng cguro na maraming bawang. |