Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => DISEASES => Topic started by: tomato_sus on July 16, 2010, 08:11:20 AM



Title: Parang Pigsa na kung saan saan tumutubo
Post by: tomato_sus on July 16, 2010, 08:11:20 AM
yung pong dalawang sows ko may mga sugat sila na parang pigsa pero wala naman nana... pag gumagaling lumilipat ng ibang parte ng katawan,,, ano po kaya to?.. malakas naman kumain ang mga inahin ko at hindi matamlay.



Title: Re: Parang Pigsa na kung saan saan tumutubo
Post by: nemo on July 16, 2010, 06:33:16 PM
Pacheck na lang ng kulungan kung meron mga nakausling bakal etc. pati na rin yun sahig. Bka kasi nagagasgas yun skin then napapasukan ng staph bacteria.


Title: Re: Parang Pigsa na kung saan saan tumutubo
Post by: tomato_sus on July 17, 2010, 08:50:13 AM
thanks po doc... yugn mange po ba? nagcacause din ng ganung sugat?


Title: Re: Parang Pigsa na kung saan saan tumutubo
Post by: erwinph on July 18, 2010, 04:13:17 AM
ganyan din po ang problema ko ngayon sa mga alaga ko, basta na lang may tumutubo na mga pigsa kung saan saan parte ng katawan. minsan meron malaking pigsa, minsan naman maliit lang na parang pimple lang. paano po kaya ito macontrol o magamot? kung sakaling staph infection nga ito, may way po ba para ito magamot or maprevent from recurring or infecting others?

sana po matulungan nyo kami. talaga pong major concern ito ngayon doon sa farm namin as all of ours are affected.


Title: Re: Parang Pigsa na kung saan saan tumutubo
Post by: nemo on July 27, 2010, 09:25:43 PM
thanks po doc... yugn mange po ba? nagcacause din ng ganung sugat?

iba po kasi ang mange, ito madalas parang galis aso ang dating/ dandruff ang itsura nung balat. although possible na mixed infection meron kang mange then staph din.

In general po ang skin disease ang line treatment is bathing and disinfection ng pen para mamatay ang mikrobyo. Andyan din yun problem ng lamok... so as much as possible linisin ang paligid ng kulungan and see to it na  wlang stagnant water sa paligid ng babuyan. Kung ikaw ay bumibisita sa baboy mo at kadalasan kinakagat ka ng lamok then wag ka na magtaka kung bakit may butlig butlig ang baboy mo, malamang pati sila laging nakakagat ng lamok.


Title: Re: Parang Pigsa na kung saan saan tumutubo
Post by: tomato_sus on August 04, 2010, 09:35:10 AM
thanks doc :) inaapplayan ng lang nung caretaker ng betadine


Title: Re: Parang Pigsa na kung saan saan tumutubo
Post by: tomato_sus on August 07, 2010, 09:52:55 AM
sir base po sa research ko.. lumalabas na staph infection nga po ang nangyari sa isa kong sow tulad ng sinabi niyo.


http://www.thepigsite.com/pighealth/article/330/greasy-pig-disease-exudative-epidermitis (http://www.thepigsite.com/pighealth/article/330/greasy-pig-disease-exudative-epidermitis)

sabi po jan kelangan ko raw magturok ng antibiotic.. ang problema po eh buntis yung sow ko 50 days. ano po bang antibiotics ang puede sa buntis?