Pinoyagribusiness

LIVESTOCKS => DISEASES => Topic started by: darjen on June 03, 2011, 09:22:31 AM



Title: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: darjen on June 03, 2011, 09:22:31 AM
   Good morning sa lahat! Tanong ko lang sa mga babuyan expert dyan kung ok lang na purgahin ang 12 days ng walay na biik. Kase nanggaling sila sa pagtatae bale 3 days ago na silang magaling. Meron kase nakapagsabi sakin di naraw kailangang purgahin kase naitae nadaw lahat ng mga bulate at itlog nito nung time na nagtatae pa sila. Totoo po ba to? Pasensya na po beginer lang po...salamat po.:-D


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: laguna_piglets on June 03, 2011, 09:33:37 AM
Hindi rin po maaring may natirang mga bulate pa rin doon.. Kung 5-7 days ng magaling ang biik ppwd na itong purgahin ng levamisole or latigo.. Sa unang pakain sa umaga haluan ang feeds ng pampurga..


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: darjen on June 03, 2011, 10:08:09 AM
  Ah ganon po ba yun sir? Bale antay pako ng 2 days bago magpurga. Kaya lang po sir worried lang po ako kase baka matapos kong purgahin ay magscouring uli ang mga biik ko. Ang hirap ko kase bago napagaling tumagal ng 1 week. Base po sa experience nyo nagtatae po ba ang biik after purgahan. Marami pong salamat sa pagpansin ng post ko. God bless sana marami pa kayoog matulungan.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: laguna_piglets on June 03, 2011, 03:03:08 PM
Ang mga pampurga safe naman po yan sa mga biik.. Sa amin hndi na nka experience na bumabalik ang scouring once na gumaling na gamit ang apralyte..


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: darjen on June 03, 2011, 06:26:58 PM
   Galing naman ng inyong biik sir pagnagamot na ay di na bumabalik ang sakit. Ibigsabihin apralyte lang ang gamit nyo yung inihahalo sa tubig. Pwde bang pangtreatment yun? Akala ko kase pangprevent lang. Di na kailangan maginject pa ng antibiotic?


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: nemo on June 03, 2011, 06:54:03 PM
darjen, sa inyo ba yun inahin?

kung nagpupurga kayo at nagtatae sila after bka po yun problem ay more of sa pagpurga ng inahin.

Kasi in theory dapat halos ala silang bulate kasi napurga mo ang nanay before and after ibreed....

saka ano po ba ang kanilang pampurga at ano dosage na binibigay nila.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: darjen on June 03, 2011, 07:44:51 PM
  Doc sakin po yung inahin. Bale nabili ko ng buntis yung inahin sa 1 farm. Pinurga ko sya 2weeks before farrowing ng latigo1000 2 sachet ang binili ko kase nasa 200 kgs aproximately ang inahin ko. Dapat po ba talagang purgahin ang mga biik 1 week after weaning?


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: nemo on June 04, 2011, 12:17:44 AM
needed na mapurga, it is up to you na lang kung 1wk or 2 wk after weaning ka magbigay


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: darjen on June 04, 2011, 12:24:58 AM
   Ok maraming salamat po doc.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: up_n_und3r on June 05, 2011, 02:01:10 PM
@laguna_piglets/doc nemo,

Sa pig healthcare parang majority po ng nababanggit na mga meds ay galing sa unahco. im not sure kung dahil popular lng xa or tested na rin. not being baised sa mga brands, pero i'd like to get both of your advises what are the best medicines for what type of sicknesses.

Right now, i'd like to be ready kc may 4 akong baboy na manganganak in 2 weeks time and ung interval lng nila is 2 weeks. Ano po kelangan kong iconsider po lalo na tagulan ung timing ng paglabas ng mga biik? thanks.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: laguna_piglets on June 05, 2011, 09:52:16 PM
Good day. Nakilala lng po ang unahco dahil marami silang commercials na napapanood sa TV.. All brands are good..
Im into the formulations na naka indicate sa medicines example the formulation ng Ivomec, it contains Ivermectin 1,000mg per 100ml, for prevention and treatment external and internal parasites 
Mas ok yung mga medicines na may ka-drug-interaction like Gentamox merong gentamycin 40mg and amoxicillin 150mg / 100ml bot..
Marami ppwde magagamot na sakit kapag may ka drug interaction, like pnuemonia, diarrhea, mastitis, edema disease, foot rot and other infections.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: up_n_und3r on June 06, 2011, 10:34:23 PM
Thanks @ laguna_piglets.

Kung ok lng s u bro, hingi ako ng list of medicines na nirerecommend mo to all types of sickness for my reference/guidance sana. It would help my start-up small business (10 sow-level). I'm getting ready for this na kc lalabas na first batch ng biik by end of the month.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: laguna_piglets on June 07, 2011, 05:16:03 AM
okay.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: up_n_und3r on June 07, 2011, 10:17:22 AM
here's my email: francisfc_dizon@yahoo.com. thanks. let me know once you send it po. big thanks po talaga.

@doc nemo - please also send your recommended medicines to what type of sickness po for my reference as well. thanks.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: nemo on June 08, 2011, 07:11:34 PM
wala po akong specifics for every sakit .

Ang rule ko po kasi is start sa pinaka mababang gamot. like amox, penicillin, oxytetra and tylosin.

dyan umiikot ang gamot ko then kung di effective ska po ako maghahanap ng mas mataas na antibiotic


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: Wrangler on June 21, 2011, 08:42:07 PM

Good day. Nakilala lng po ang unahco dahil marami silang commercials na napapanood sa TV.. All brands are good..

Im into the formulations na naka indicate sa medicines example the formulation ng Ivomec, it contains Ivermectin 1,000mg per 100ml, for prevention and treatment external and internal parasites 

Mas ok yung mga medicines na may ka-drug-interaction like Gentamox merong gentamycin 40mg and amoxicillin 150mg / 100ml bot..

Marami ppwde magagamot na sakit kapag may ka drug interaction, like pnuemonia, diarrhea, mastitis, edema disease, foot rot and other infections.

Kumbaga broad spectrum sya..


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: allen0469 on June 22, 2011, 02:21:23 AM
doc, at mga kuyang,
ask lang ako kanina nag inject ako ng piglets ko kasi 32 days na nila at kong patagalin kupa midyo lugi na at malalaki na po sila kasi walang ulan kanina kaya pinagsamantala kuna sa 3 days mag pull out ako tag ulan na wala kayang bad effect sa bagong walay ang panahon at sa inahin ko kasi rainy days ang timing talaga.on 15 july my next skid naman sa pamgamganak.kaya ask ko advice nyo kon wla po bang bad effect ang pag inject sa mga alaga ko.
salamat po.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: nemo on June 22, 2011, 06:27:39 PM
as long as ang kulungan nila ay comportable ang baboy ala pong problema. Part po kasi talaga ng ating bansa ang bad weather so it is up to us na gawing kumportable ang baboy sa kanilang mga kulungan.

ANg masama lang naman is kung sobrang lamig nag iinject ka sa baboy. Kung ang loob naman ng kulungan is warm at kahit nagbabagyo sa labas okay lang magsaksak.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: allen0469 on June 22, 2011, 10:23:46 PM
good pm doc,
nag pull out napo kami kanina ok naman po ang mga biik kasi po dinagdagan nalang po namin ng mga ilaw para mas komportabli po sa biik na d sila masyadong lamigin at sa effect ng inject dahil malamig po.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: Richelle on August 06, 2011, 05:54:09 PM
wala po akong specifics for every sakit .

Ang rule ko po kasi is start sa pinaka mababang gamot. like amox, penicillin, oxytetra and tylosin.

dyan umiikot ang gamot ko then kung di effective ska po ako maghahanap ng mas mataas na antibiotic


doc may heirarchy po ba kayo ng mga gamot? halimbawa, sabi nyo nga po "mababang gamot. like amox, penicillin, oxytetra and tylosin". then ano po yun mas mataas sa kanila na gamot and yung mga sumunod pa. salamat po...


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: nemo on August 13, 2011, 09:21:32 PM
hindi naman totally na hierarchy.

Yun mga naunang nadiscover na gamot yun ang most common na tinatawag na mas mababang gamot. Tulad ng  penicillin tetracyclin etc...

Yung mga mas bago bago like methicillin, enrofloxacin, virginiamycin etc... yun naman tinatawag na mas matataas na gamot...

It doesnt follow na kapag sinabing mas mababang gamot hindi na effective... depende pa rin yan sa sensitivity ng bacteria.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: Kurt on August 15, 2011, 11:20:49 AM
Tama nga Doc...ito yong narinig kong mga sabi sa mga may experienced care taker..

Dapat daw...low caliber muna..kumbaga sa armas .22 muna bago .38  and so on...

Ang tanong ko e kung mataas na nga yong caliber ng virus na tumama, e tama lng cguro na maubos yong alaga natin bago tayo tumira ng mataas na kalibre?

Ang mabuti cguro nito kung paano ang pagidentify ng kalibre ng virus as early as possible para sa atin to decide earlier as well....at ito ang pinakamahirap gawin...d ba Doc?

Sa puntong ito Doc...tanging kayo lng na mga expert ang makasagot...


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: nemo on August 16, 2011, 06:33:51 PM
Ang virus usually/most of the time hindi tinatablan ng antibiotic. Ang nakakapatay sa virus is yun immune system ng animal.. Kaya importante ang vitamins kapag sila ay may sakit to help the immune system at syempre importante ang prevention,  dapat may bakuna sila.


pag dating naman sa antibiotic ang usual na ginagawa sa farm ay nagpapatest sila for antibiotic sensitivity test. Ito yun test na kung saan malalaman kung saang sensitive na gamot ang isang bacteria. Take note isang bacteria lang, then it is up to you kung gusto mo na magpatest para sa ibat ibang uri ng bacteria, iba iba din ang bayad nun.

Sa case naman natin sa backyard ang pinakapractical is mag start ka sa mababang gamot then kung after 3 days ala pang improvement ang baboy then magpalit ka na ng antibiotic dun na sa mas mataas.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: Kurt on August 23, 2011, 11:18:41 AM
Doc maraming salamat sa pagexplain..

It adds up my knowledge to control diseases....

Cguro ang problema ko dito sa Cebu ay yong accredited na pedeng magtest kung anong dapt na antibiotic ang maaring gamitin.

Search lng me muna...

Mga kuyang dito sa forum na taga Cebu..."Asa ta dapit makahatag ug specimen for testing?"


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: Kurt on August 23, 2011, 11:26:16 AM
Sa case naman natin sa backyard ang pinakapractical is mag start ka sa mababang gamot then kung after 3 days ala pang improvement ang baboy then magpalit ka na ng antibiotic dun na sa mas mataas.
[/quote]

Doc pede bang makisuyo sa iyong listahan ng mga antibiotic? Mula mababa hanggang pataas? sa ubo lng muna.

Pede rin i-send na lng sa aking email ad...bongans@hotmail.com

Thanks...


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: allen0469 on August 23, 2011, 03:16:18 PM
doc nemo, tama naman po ang bigay namin na gamot sa piglets pinag tataka lang po balik halos lahat sa katabi kong mini farm ay pariho po ang nag dapo na sakit at malakas po ang dating kasi mo maski matataas na klasi ng gamot d po tumalab.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: nemo on August 23, 2011, 07:38:41 PM
allen0469

Dyan po pumapasok yun tinatawag na Antibiotic sensitivity testing...Kailangan ipatest ang different antibiotic against sa naculture na bacteria sa isang farm or locality para madetermine kung alin ang mas effective sa particular na gamot there are instances kasi na yun ibang farm gumagamit ng enrofloxacin, etc.. etc.. pero di tumatalab then nun nagpatest sila ang lumabas na effective is amoxicilin... in short yun mas mababa pa ang naging efectice kesa dun sa mga high end na drugs


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: allen0469 on August 24, 2011, 09:03:20 AM
doc, sa pag siyasat ko po sa mga katibi kong mini farm iba iba mga po ang aming mga anti biotic na gamit piro pari pariha po ang sakit,at kahapon po nag txt sa akin ang firend ko sa kabilang brgy mga 12km ang layo ganoon diin po nang yari sa mga piggery sa kanila,mga last week ng july hanggang 1st week ng aug,sa mgayon po ok naman marami sa katabi naming namganak ang inahin ok naman po maski tag ulan diin po mgayon d2,naka pag tataka lang po doc na biglaang sakit na ganoon.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: nemo on August 29, 2011, 10:47:00 PM
Mukha pong gumagapang yun sakit it means kumakalat siya kaya dapt talga ang local agriculture nyo ang magsurvey at magsabi kung ano sakit ito...

Sa epidemiology kasi kapag ang isang area ay hindi pa nakakaencounter ng isang specific na sakit mabilis ito kumalat pero mabilis din mawala kung hindi naman ito ganun katapang/kadelikado. So baka ito po yun case nila. Pero like i said dapat ang local gob ninyo ang magsurvey nito..


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: allen0469 on August 30, 2011, 08:55:02 AM
good day doc nemo,
until now wala pang result galing sa locals namin alam muna goverment agency always delayed.tama po ang assessment mo doc kasi mga 2 week lang ang epidimic kasi following week namgana ang 1 sow ko at sa mga katabi ok naman until now walang problima same procedure parin ang mdcation sa mga piglets at sow,sana d na babalik ang ganoong sakit sa pig,due to luck of finance ang ibang mini piggery dito sa katabi ko ang tinuro kulang sa kanilang ingredents sa pang disinfect ay clorine halo with tide powder at sulfur ok rin doc malinis diin ay sabay buhos ng mailinit na water.


Title: Re: pagpupurga ng bagong walay na biik
Post by: nemo on September 04, 2011, 10:32:21 PM
chlorine, zonrox, is a good disinfectant din naman...

Basta linis lang ang restrict people coming in and out of your farm.