Title: nagtatae na baboy Post by: jogie on September 10, 2009, 03:53:23 PM There are some who use vinegar for fever but its expensive kasi compared to using proper medicine. You can use it as a temporary solution. Best pa rin is to give antipyretic drugs /kontra lagnat. Hi Doc Nemo, Need your help. Medyo nagtatae alaga ko and this happened on-and-off. Ano po ba gamut dapat ko painom. Maraming salamat in advance. Title: nagtatae na baboy Post by: yuan.ai.centrum@gmail.com on September 10, 2009, 05:05:29 PM Anti-biotic subukan mo pero kung patuloy parin E. coli na yan. nag vaccinate ka ba for e.coli?
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on September 10, 2009, 05:16:23 PM On and off...??? meaning mawawala at babalik kahit hindi mo ginagamot? Or Pagkatapos gamutin mawawala then babalik uli?
If on and off then nawawala kahit hindi ginagamot chances are enviromental factors ito, meaning weather, kapag malamig ang panahon magtatae then kapag uminit okay na uli sila. So, always sure n maintain ang temperature ng kulungan. Pag masyadong malamig, pwedeng lagyan ng trapal ang kulungan para matrap ang init sa loob and also put beddings. If on and off kahit naggagamot then try to extend yun time ng pagbibigay ng antibiotic. Usually kasi paggumaling na ang baboy tumitigil na tayo sa pagbibigay ng gamot. Mas maganda sana kung iextent mo pa ito ng 1-2 days para kung meron mang natitirang bacteria sa katawan ng baboy ito ay mawawala na talaga. Check also feeds, water , and pakainan nila make sure na lagi itong malinis. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: rye0528 on February 15, 2010, 02:26:11 PM pede din gumamit ng uling sa pagkain.. ;D
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: evjenov on May 24, 2010, 10:41:18 AM doc
nag shift po kami from starter to grower 81 days na ang baboy 11 sila 3 ang nagtatae ano pong gagwin namin ? please pakisagut po asap. thank you po first time lang pong magalaga Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on May 24, 2010, 07:16:31 PM maytendency po na magtae kung nabago agad ang feeds nila... kung hindi naman humina kumain at hindi namamayat usually magnonormalize ito.
Kung matagal na nagtatae at namamayat try to give kahit penicillin muna/ Title: Re: nagtatae na baboy Post by: cristian18 on May 24, 2010, 08:18:52 PM Dok aku rin po ngta2e apat kung biik pre starter stage cla,anu po kya mbisang gm0t na water s0luble or injectable..Kung injectable pwede po b aku nlng mg inject?,san part po ng ktwan ng biik,kung pwede..
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: evjenov on May 25, 2010, 11:04:53 AM maraming salamat po doc sa information
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on May 25, 2010, 09:09:18 PM Dok aku rin po ngta2e apat kung biik pre starter stage cla,anu po kya mbisang gm0t na water s0luble or injectable..Kung injectable pwede po b aku nlng mg inject?,san part po ng ktwan ng biik,kung pwede.. pwede sa pige injectionan kung kaya pa ninyong buhatin sila sa paa. kung hindi naman madalas ang pagdumi magwater souluble muna silaTitle: Re: nagtatae na baboy Post by: cristian18 on May 26, 2010, 05:38:19 AM ,ah gnun po b.Tnx po d0k..
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: TEAM LATINO on June 29, 2010, 10:12:19 AM sir nasa grower stage na po baboy ko, tanong ko lang po kung anong mabisang gamot sa pagtatae po,bale yong isa lng po ang nagtatae po yong iba naman po ay hindi....pano po ba ito doc?
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on June 29, 2010, 06:51:22 PM malakas ba kumain at hindi namamayat or matamlay? Kung ganito kasi sitwasyon no need to give medicine. Pero kung namamayat at matamlay . ayaw kumain then need to give antibiotic like penicilline, amoxicillin.
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: cutienicole on September 10, 2010, 08:37:34 PM GOOD DAY po Doc,After po mawala ng mga bukol na parangn pigsa sa mga biik ko nagtatae naman po sila ngaun.Una po nag halo ako sa tubig ng Aquadox sa loob ng 4 days pero wala po changes kaya pina injectionan ko ng antibiotics.The following day medyo ok na ung dumi nila kaso nung 3rd day soft na naman ung dumi nila hanggang ung iba halos parang tubig ulit ung dinudumi.Minsan naririnig ko pa na kumukulo ung tiyan ng baboy ko tapos bigla nalang tutulo ung dumi kahit po tulog ung biik ko tumutulo ung dumi.One month and 1 week palang po naawat itong aking mga biik.Pls Help po.. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on September 11, 2010, 07:53:51 PM everyday po ba silang nagsaksak ng antibiotic?
If possible po icontinue nila ang kanilang isinaksak sa kanilang baboy... Title: Re: nagtatae na baboy Post by: cutienicole on September 17, 2010, 12:20:10 PM Every 5 to 7 days po ang interval b4 kami mag saksak ng antibiotic.inihiwalay ko po sila.kahapon po ika 3 saksak na nila ng antibiotic 2 nalang po ung nagtatae para po kasing umiihi kapag dumudumi sila.
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on September 17, 2010, 06:29:58 PM Ang saksak po kasi ng antibiotic is everyday unless stated sa label na every other day ang bigay.
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: cutienicole on September 18, 2010, 12:33:55 PM ah ganun po pala thank you po Doc for the info :)
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: jogie on September 19, 2010, 09:08:50 AM On and off...??? meaning mawawala at babalik kahit hindi mo ginagamot? Or Pagkatapos gamutin mawawala then babalik uli? Hi Doc Nemo, Maraming salamat sayo and for those who responded to my inquiry.If on and off then nawawala kahit hindi ginagamot chances are enviromental factors ito, meaning weather, kapag malamig ang panahon magtatae then kapag uminit okay na uli sila. So, always sure n maintain ang temperature ng kulungan. Pag masyadong malamig, pwedeng lagyan ng trapal ang kulungan para matrap ang init sa loob and also put beddings. If on and off kahit naggagamot then try to extend yun time ng pagbibigay ng antibiotic. Usually kasi paggumaling na ang baboy tumitigil na tayo sa pagbibigay ng gamot. Mas maganda sana kung iextent mo pa ito ng 1-2 days para kung meron mang natitirang bacteria sa katawan ng baboy ito ay mawawala na talaga. Check also feeds, water , and pakainan nila make sure na lagi itong malinis. Tama ka doc, it's more on the environmental side... naglinis lang kami kulongan/kainan then yun nawala nalang kusa. Siguro then sa change feeding from pre-starter to starter hhmm pero gradual naman ah 1 week nga transition ko? Anyway Doc may iba naman ako napansin ngayon sa isa ko biik. May bumubukol at mamula-mula sa bandang tiyan medyo malaki kay sa ordinary pigsa and i don't think it is? Wala naman ito last week? hindi kaya bituka ito? 50 days na siya. Medyo malakas pa namn kumain sa ngayon. Please doc kailangan ko tulong mo sayan din kon mamatay medyo malaki na hehehe. Thanks in advance. Mabuhay ang kababoyan! Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on September 19, 2010, 10:06:11 PM kung sa may bandang pusod then possible na lumuslos na bituka ito. Usually naman nabubuhay ang mga baboy na ganito. Ang nagiging problem lang kapag sobra laki nung luslos nababansot sila.
Kung sakali naman lumalaki at kumikintab ito pabayaan nyo nalang kasi kusa naman itong pumuputok at gumagaling. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: piggypiggy on March 27, 2011, 08:14:41 AM doc may problema ako sa biik ko,..nag tatae at namamayat,..tamlay kumain ano po kaya couse? kasi nag palit ako sa booster to pre starter,. parang dehydrated
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: allen0469 on March 27, 2011, 01:53:18 PM good pm doc,
followup kulang po ang tanong ko last week kasi namganak ang inahin ko 12 piglets ang pang 9 po malakas pa at naka takbo takbo pa piro tapos naka didi po ilang minuto lang di na maka lakad at namatay nalang bigla,kawawa mga po ang mga kaapatid nya malalakas diin nag inject na ako ng irom after 3 days ito mgayon malakas na mag didi at kumain kasi sinonod ko po ang sabi mo na haployan ng feeds ang didi ng inahin ipiktibo po,kaya ang ko sana advice mo sa nangyari sa isa kong biik. salamat po Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on March 27, 2011, 07:37:55 PM piggypiggy, gradual ba ang shifting nyo and same brand ba ito? you can give mga antidiarrhea drug po.
allen0469 actually i cannot comment sa isa mong namatay kasi puzzled din ako kung ano pa kayang signs ang meron siya before siya namatay. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: babuylaber on March 28, 2011, 12:45:35 AM kuyang allen, habaan mo pa kwento mo bago namatay yung biik mo para sa susunod maiiwasan na. ilang araw/oras po yung biik bago namatay?
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: piggypiggy on March 28, 2011, 06:40:46 AM doc kulay gatas yung tae nila,..na parang cream,..ano po kaya maganda igamot bukod sa oral medication,...suckling stage 20 days old
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nerifloriza on March 28, 2011, 04:55:34 PM gud pm doc nemo
anu pong mabisang gamot sa biik na nagtatae ang kulay po ng tae nila ay parang kape na may halong gatas 1week pa lang at pagnatapos clang dumadede nagsusuka cla... reply asAp Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on March 28, 2011, 10:46:28 PM piggypiggy, pag ganyan edad mag injectable na sila... like amoxicillin. Nasabi mo din na kulay gatas yun dumi ng animal, yun inahin po ba wala kayong napapansin kakaiba... minsan kasi kaya nagtatae ang biik yun nanay pala ang may problem...
nerifloriza, check din po nila yun inahin kung namamaga yun dede baka po kasi yun nanay ay part din ng problem. Usually po kasi ang ginagawa ko sa mga ganitong nagtatae ay nabibigay antibiotic na amoxicillin. kung hindi makuha saka nalang me nagpapalit ng gamot Title: Re: nagtatae na baboy Post by: allen0469 on March 29, 2011, 10:11:18 AM kuyang allen, habaan mo pa kwento mo bago namatay yung biik mo para sa susunod maiiwasan na. ilang araw/oras po yung biik bago namatay? good day babuy laber, pag panganak ng piggy ang weight nya 1.4kg normal at normal dn ang physical look tapos putol ng ipin pina didi at nag tatakbo pa mga around 20min.bigla lang nanghina at namatay ka agad kaya laking gulat namin,in fact 1st time palang kami namatayan ng piggy ever since nag papa alagaa kami ng inahin way back 5 yrs ago. good day doc, tama ka doc maski ang vet tech mga namin nagulat diin pinadala ko sa kanya pra ma suri for future info. salamat doc Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nerifloriza on March 29, 2011, 11:03:47 AM Gud mOrning Doc NEMO,
chineck po nmin ung inahin namamaga nga po ung dede nya ano pong dapat gawin doc? pinakakain nmin sa inahin ay lactacion at pero nung nakita na nmin na namamaga ung dede hinaluan na nmin ng vetracin premium ang kinakain. pwede po ba ung doc? doc nung inenjectionan ng vet ng antibiotic natural po ba ung nagiiyak ung biik at ginulong ung katawan nya ng 2times pagkaalis ng vet tapos pinaiinum pa ng norfloxacin. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on March 29, 2011, 07:29:30 PM kung medyo maga ang dede pwede po nilang punusan ng twalya na binabad sa maligamgam na tubig. Para lang maibsan ang pamamaga. Tuloy lang po nila yun medication na ginagawa nila.
Tungkol naman sa biik nila nangyayari minsan na parang allergic/ makati sa animal yun gamot kaya umiikot sila or naiirita sila. reaction ng animal sa gamot po yun. Bihira po ito mangyari. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nerifloriza on March 30, 2011, 10:26:04 AM maraming salamat po doc nemo
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nerifloriza on March 30, 2011, 09:57:05 PM gandang gabi doc nemo
yung kinapon nming mga biik 2 weeks ng nakakaraan sa halip na gumaling,namamaga ang bayag nla sabi ng vet nana daw un tapos inenjectionan nya ng anti biotic mga 1 week na ngaun pero hangang ngaun namamaga pa din ung iba. pinipiga nmin pro matigas hndi nman lalabas ung nana. ano pong dapat gawin? salamat po sa mga payo nyo. malaki pong tulong ang site nyo pra sa aming baguhan na nag aalaga ng baboy. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: babuylaber on March 31, 2011, 08:52:57 AM naranasan ko yan kuyang nung first time kong magkapon, ang mali ko hindi ko natanggal yung nakadikit sa balls (nakalimutan ko na tawag) yun yung isang dahilan kung bakit bumabalik yung bukol (parang balls din)
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on April 01, 2011, 12:30:06 AM Yun pamamaga po ba ay mapula at lumalaki pa?
Malamang po kasi tumigas na ang nana sa loob and hindi na po talga mapipiga yan or masisipsip unless hihiwain nyo uli para dukutin yung matigas. Sa tingin ko 2 option nyo. kung hindi naman lumalala at nakabukol lang leave it as is nalang and in due time liliit din naman yan / dahil lumalaki ang animal mukhang maliit na lang yan compared sa size niya. Pwede din naman pa hiwa nyo uli then palinis uli nila yun sugat at tanggalin yun matigas na nana. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: laguna_piglets on April 01, 2011, 05:45:04 AM Usually po gaano kayo katagal (minuto) mag kapon sa isang biik??
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: babuylaber on April 01, 2011, 09:28:29 AM tama kuyang yung akin 3mos from birth di na pansin yung bukol. 1-3mins lang ang kapon
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: laguna_piglets on April 02, 2011, 04:03:25 PM Ahh okay.. kami sabay pagputol buntot, ear notch, at pagkakapon then inject antibiotic for less than a minute.
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: babuylaber on April 02, 2011, 09:11:38 PM wow! bilis naman, paturo naman teknik mo kuyang. i do it alone kasi
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: ronald31 on April 24, 2011, 09:04:14 PM Doc gud morning!
doc need advice mo talaga...yung biik ko going 3 weeks old this coming wednesday....yung tatlo ko po biik parang nang hihina at maliit ang katawan minsan tumatae ng para gatas na medyo basa... gamit ko po is tripulac na oral liquid bali every kain nila yung drops ko 3 times a day. Ok po ba ito? Or need to inject antibiotic? Title: Re: nagtatae na baboy Post by: laguna_piglets on April 24, 2011, 09:43:43 PM wow! bilis naman, paturo naman teknik mo kuyang. i do it alone kasi Dapat meron kang kasama taga-hawak sa biik (nakatihaya).Sa pagkakapon isang hiwa lang ang ginagawa, tska pisilin ang balls para lumabas, ganun din ang gagawin sa ikalawang balls.. at lalagyan ng iodine at iinjectionan ng antibiotic, malapit sa pinag hiwa na sugat.. Pagkatapos kapunin, (nakatihaya pa ang biik) unahin muna pagnunumero sa biik, tska putol ang buntot. Ginagawa namin yun sabaysabay para iwas stress ang biik the more hahawakan ang biik mas lalo sila na-sstress.. Ginagawa namin un sa edad 15-20 days old.. Karaniwan ang pagkakapon ginagawa nila ng 10-14 days old Safe pa din mag kapon sa ganung edad, kasi ligtas ang biik dahil umaasa pa sila sa gatas ng inahin, na parang bang merong healing process ang gatas ng inahin, at madali gumaling ang sugat ng mga biik. Mas mainam kung magkakapon ka sa malalaking baboy meron kang sutures, para tahiin ang hiwa. at bigyan ng antibiotic. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: babuylaber on April 24, 2011, 10:52:10 PM intramuscular parin kuyang or subcu? anung antibiotic po binibigay niyo? ml? gusto ko sanang matutunan practice mo kuyang, kung ok lang baka pwedeng pakivideo kahit sa cp lang. salamat ng marami
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: laguna_piglets on April 25, 2011, 10:47:56 AM Kapag antibiotic sa biik mga 5kilos, 0.2ml lang ang pagbibigay..
Kasi delikado kapag sumobra pa doon, magsusuka sila. Terramycin gamit namin. Sige vivideo namin, sa sunod na magkakapon kami. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: babuylaber on April 25, 2011, 02:35:03 PM thanks kuyang. aantayin ko po video niyo.
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: jazz on September 29, 2011, 08:42:41 PM ;) :) :D helo po sa lahat may tanong din po ako sa lahat about sa mga Inahin na nagtatae,. maaari ko po bang turukan ng amox? 1 week na po sya after weaning. Same like Shower po. ano kaya ang dahilan nito? sa Feeds po ba? o sa kulungan na madumi?
Thank you po,. Title: Re: nagtatae na baboy Post by: pigery on October 10, 2011, 08:57:56 PM luslos or hernia tawag dun
Title: Re: nagtatae na baboy Post by: nemo on October 11, 2011, 07:23:50 PM hindi po siya hernia,
ang story ni nerifloriza eh namamaga pa yun mga itlog ng biik niya, usually ang luslos paisa isa lang yan. at assurance na rin na nakita ng vet na maga ito at hindi luslos.... Title: Re: nagtatae na baboy Post by: Jeann on June 14, 2012, 08:15:37 PM Gud day po Doc..Tanong ko lang po, kasi on & off ang pagtatae ng mga baboy ko. 2 1/2 months na sila, ganun pa rin ang lagay nila, pero ang lakas po nila kumain at masisigla naman po sila sa awa ng Dios. kaso lang parati basa ang tae nila, tapos mawawala na naman, pinapainum ko na sila ng ora antibiotic at apralyt ng mga 5 days na..till now ganun pa rin, pero malakas naman po sila kumain. Anu po kaya ang dahilan kung bakit ganito sila, mula nung binili namin?
Salamat po.. |