Title: Malaking bukol sa udder ng inahin... Post by: Kurt on August 23, 2011, 11:59:10 AM Doc, may itatanong lng po.
Ganito kasi ang nangyari, noong 10 days before manganganak ang aking inahin ay panay ubo at depth thumping masyado...halos lumiit yong abdomen niya tuwing inuubo...akala ko nga mag-early delivery cya dahil sa ubo..kasi parang lumusot na ang mga biik tuwing siya ay umubo. Inenject ko siya ng 20ml Tylosin at iyon na-cure namn after 4 or 5 days..Kaso,may biglang tumubo parang matigas na bukol, ang pupula pa..akala ko sa sobrang gatas lng iyon. Pero, from farrow until walay ng mga biik hindi ito nawala at parang bumibitay masyado na iyong udder niya...binaliwala ko lng yon baka dala lng sa kanyang gatas. Ng ito'y naglalandi pina-AI ko naman sa pag-akalang mawala lng iyon together sa gatas. Ito na cya ngayon 85 days buntis, at nagsimula ng lumaki at halos sumadsad ang udder niya sa sahig dahil sa bukol na iyon. At ito ang aking mga katanugan: 1.) Ano kaya ang pedeng naka-cause nito? 2.) May epekto kaya itong malaking bukol sa gatas sa susunod niyang mga biik? 3.) Magagamot pa kaya ito? 4.) Ano ang aking maaring gawin as prevention nito? 5.) Magamit pa kaya muli ito? Thanks and more power... Title: Re: Malaking bukol sa udder ng inahin... Post by: nemo on August 23, 2011, 07:34:22 PM usual cause kasi ng bukol sa dede ng animal is abrasion and infection ng bacteria like staph. kung lumalaki at kumikintab ito ibig sabihin pwede siyang pumutok ng kusa at kapag nangyari ito linisin lang nilang mabuti.
HIndi po nila nabanggit kung gaano po ba kalaki yun sinasabi nila na malaki. maganda sana kung makapagpost sila ng picture para makita natin kung anong itsura. Kalamitin ng nakikita kong bukol is nsa between skin and taba, kung ganito ang kanilang bukol sa baboy very slim na makakaapekto ito sa gatas. Ang gamot sa bukol, usually nid niyang pumutok or kusa nalang itong lumiliit katagalan. kung patuloy ang paglaki ask a vet kung pwede siya maghiwa para lumabas yun namuong nana etc.. Malalamang kung magagamit pa ang inahin once nanganak na ito. dun po kasi makikita kung magiging sagabal or hindi yun dede. From there on po try to observe Title: Re: Malaking bukol sa udder ng inahin... Post by: Kurt on August 25, 2011, 05:48:15 PM Kasinlaki cya ng kamao Doc..
Sa tingin ko hindi ito pangkaraniwang bukol, kasi hindi cya kumikintab o sign mn lng na pumutok. Parang muscle sa ilalim ng kanyang balat o parang ceist...kung himasin mo ang tigas. Cge try kong kumuha ng pix...paano nga ba magpost ng pix dito? Title: Re: Malaking bukol sa udder ng inahin... Post by: nemo on August 29, 2011, 10:28:31 PM upload mo sa gallery section then copy mo na lang yung link then paste mo sa post mo.
Title: Re: Malaking bukol sa udder ng inahin... Post by: Kurt on September 14, 2011, 02:01:31 PM Doc,
'di pa rin ako nakapagpost...wait lng muna..nahirapan lng kasi.. |